Papansin

9 0 0
                                    

"Sharina, run!" sigaw ko kay Sharina na naiiwan na sa hulihan. Nagjojogging ako kasama alaga ko.

But instead na tumakbo, naglakad lang ang maarteng Sharinang 'to.

"Hey! pagod kana ba? Kakaumpisa palang natin ah." kausap ko ulit... 

aba't... naglakad lang talaga.

"Sharina, para ka namang nagpapacute eh." tas bigla nalang may kumahol na aso, then kumahol din siya. Nilingon ko ang kumahol na aso. Ayun! si Shone aat kasama nito ang amo niyang ubod ng kapal!

"Hi! Good morning!" bati ni epal na gwapo. Ngumiti. 

'maganda talaga ang ngiti niya. ngiting pang good morning nga.'

"Anong ikinaganda ng umaga?" sagot ko.. 'anubeeee ito na ba ang tulak ng bibig, kabig ng dibdib?' hahaha

"Ikaw." ngumiti ulit.

'gosh! ang aga aga nangbobola ..'

"mahilig ka sa basketball no?" tanong ko.

"Yup! favorite sport ko." nakangiting sagot naman niya.

"No wonder na favorite mo, kahit saan kasi may dala dala kang bola." mataray kong sabi. sabay alis. "Tara na Sharina." then nag start na ulit kaming mag jogging.

Maya maya may napansin akong nagjojogging sa tabi ko, nilingon ko. Sino pa? syempre si basketball player..

"anong ginagawa mo?" naiinis kong tanong habang nag jojogging.

"Nag jojogging?" ngiti niyang sagot.

"Sinusundan mo ba'ko?"

"Hindi ah. Nakikisabay ako. Kung nasa likod mo ako baka nga sinusundan kita." ngumiti siya ulit.

ahhhhh... kaasar!!!

.

.

.

.

...

(while waiting kay Besty)

"Asan kana ba besty?" tanong ko kay besty.

"Malapit na ako." sagot nman ni bff.

Nasa labas ako ng bahay at inaantay ang bff ko, pupunta kami sa mall.

"Recorder ka ba? kanina pa paulit ulit yang sagot mong 'malapit na ako' ah. kanina pa ako naghihintay dito. Pakib--" naputol sasabihin ko ng biglang may humintong kotse sa tapat ko. then binaba yung window glass ng kotse niya.

"Hi Akynn!" Ohmy! c gwapong hayop na naman as usual.

"Bakit?" naiirita kong tanong.

" I said 'hi', is that the appropriate response? bago yan ah, kailan binago?" pamilosopong sagot ngbruho.

"ewan ko sayo." saka ko siya inirapan.

"May pupuntahan ka ba? Hatid na kita." offer niya.

" No thanks."

"Si Von yan 'no?" tanong sakin ni besty kausap ko pa pala siya sa phone.

T-shirt's PrintTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon