He's Back!

36 1 0
                                    

Pagpasok ko sa school ang daming nakamiss sa akin at nagugulat ang iba kong kaklase dahil di nila ako makilala sa outfit ko. Kung maraming nakamiss sa akin, namiss din ako ng mga nambubully sa akin ang kinatatakutan ko noon na mga gangster sa school.

Nakasanayan na nilang manghingi sa aking ng pera araw-araw kaya expected kong maniningil sila. Kung pera lang ang usapan mas madali akong magbigay, pero iba na ang usapan ngayon, itinuturing kong Gangster na rin ang sarili ko at di hamak na mas astig naman ako sa pipitsuging grupo nila. Kaya sinubukan kong magmatigas sa kanila.

"Nagsuot ka lang ng pang halloween umaangas ka na? Nawala ka lang ng isang buwan ayaw mo ng magbigay sa amin? Matigas ka na ba?" pagmayabang ng isang gangster.

"Duwag ba kayo? Babae lang kaya niyo?" sinabi ko ng nakanguso.

"Ah! Matigas na 'to! Yung syota mo nga hindi umubra sa amin, malamang may bago ito kaya nagmamalaki, nasaan siya magpapakilala kami!" pagbabantang hirit ng mga siga.

"Sigurado kayo? Andyan lang siya sa tabi-tabi!" pagyayabang ko.

"Hahaha! Nasan? Baka taong grasa yan ah!? Hahaha!" pangiinsulto nila.

"Oo, gagawin niya kayong taong grasa!" pang-asar ko.

"Nasan yang pinagmamalaki mo!? Nasan? Pulis nga takot sa amin!? Sinong presidente yan? Baka presidente siya ng kabaklaan kaya ayaw niyang lumabas?"

"Huwag mong idamay ang mga bakla dito, mas matatapang pa sa inyo ang totoong bakla!"

"Ay Hayup 'to!" sinabi ng naka-amba.

"Sige upakan mo ko at ng makita ng mga tao dito sa campus kung gaano kayo kaduwag, babae lang kaya niyo!" palaban na sigaw ko.

Hinawakan nila ang dalawang braso ko at dinala ako sa gitna ng paseo ng school at nasisigaw sila. "Kung sino man ang ipinagmamalaki ng babaeng ito, lumabas ka! Iligtas mo sa kahihiyan ang syota mo!"

Naguumpisa na akong matakot dahil sa gagawin nila at umaasa akong may tutulong sa akin. Pero suntok sa buwan ang gusto kong asahan ang sumulpot sana si Franco para naman maipagtanggol ako. Habang sila ay patuloy akong ipinapahiya sa school.

"May kasalanan ang babaeng ito kaya dapat siyang maparusahan sa harap niyo. Sabihin ba naman sa amin na kayang niyang agawin ang mga syota niyo!? Kaya siya pumustura ngayon para pakita daw sa inyo na ang papanget niyo! Concern lang kami sa inyo kaya ngayon sa lahat ng babaeng against sa sinabi niya pwede kayong lumapit dito, libre sampal, batok, suntok, sipa, bahala kayo!"

Sa kabila ng sinabing yun, walang lumalapit sa akin dahil sa takot sa kanila. Kaya naman hindi sila tumigil hangga't di ako masasaktan.

"Ayaw ka naming patulan dahil babae ka, ngayon damahin mo ang gagawin ng babae sa iyo!" galit na sinabi ng school gangster.

"Sa lahat ng kilala naming may boyfriend dito pag di kayo lumapit, bugbog sarado sa amin ang mga boyfriend niyo!"

Wala na lang nagawa ang mga ilang babaeng may bf lumapit sila na pinagsasampal at pinagtatadyakan ako. Ang mas masakit nung sasampalin ako ng dating kong bestfriend na si Elisa na umagaw ng bf ko na kasama niya pa that time.

"I'm sorry! Elaine ayokong gawin ito! Pero ayokong magulpi si Kyle!" sabi ng ex-bestfriend kong si Elisa.

Pero hindi magawa ni Elisa masampal ako kaya sumigaw na si Kyle "Sampalin mo na! Baka mabugbog pa ko, sorry Elaine!"

Sa galit at gigil ko nakabitaw ako sa hawak nila sa braso ko. Nasampal at nasipa ko si Elisa, nasuntok ko naman si Kyle na kinabagsak niya. Medyo nasindak ko ang mga kulokoy na mga gangster kaya pinagsusuntok ko na rin sila. Kaya naman nagkaroon ng komosyon sa school dumami ang gustong manakit sa akin. Hanggang sa madumog nila ako na ikinabagsak ko. Dahil sa hilo di ko na kayang tumayo pa, may narinig akong sumigaw ng pagalit habang ako'y nakadapa.

"Tigil niyo yan!!!!...Sumosobra na kayo ah!!!...Kanina ko pa kayo pinagmamasdan!!!"

Kahit nakadapa ako at medyo hilo nakita ko si Franco palapit sa akin, habang nagaatrasan ang mga tao nabuhayan ako ng loob na may halong kilig. Pero ang mga pipitsugin gangster ayaw magpasindak at pinalibutan siya.

"Ang dilim naman dito, ma hubad nga shades ko!" sabi ni Franco.

Pero may isang pipitsuging gangster na nakakilala sa kanya "Mga Bobo!!! Si Big Boss yan!!! Yari tayo diyan!!!" pasigaw na sambit nito.

Nagyukuan at nagluhuran ang mga kulokoy at humihingi ng tawad "Boss! Idol! Idol! Sorry po! Sorry po! Hindi po namin alam na may panahon pala kayong pumunta sa school namin!" patakot na sinabi ng leader ng gang.

"Ganito pala ginagawa niyo dito sa eskwelahan! Kelan pa tinuro sa inyo na manakit ng babae? Ha!? Babae pa binubully niyo!?" Galit na sabi ni Franco.

"Sorry po talaga Boss!" Nanginginig na sabi ng leader.

Lumapit sa akin si Franco at pinunasan ang mukha ko sabay tanong "Buhay ka pa?" Sinagot ko siya ng "Matagal na akong patay!...Patay na patay sa'yo!" kinikilig na sinabi ko. Binuhat niya ako at dinala sa may lilim, nakita ng mga gangster at mga nanakit sa akin na magkakilala kami ni Franco.

"Anong gusto mong gawin sa mga taong ito? tanong ni Franco sa akin habang tinuturo ang mga gangster.

"Wala! Huwag na lang nilang ulitin! Masakit eh!" sabi ko habang nakatitig kay Franco.

"Talaga! Buti na lang ang bait ng ginulpi niyo!" sabi ni Franco sa mga gangster.

"Salamat po Ma'am!" tugon ng isang gangster.

"Sa kanya Ok na kayo! Sa akin paano?" hirit ni Franco.

"Sino ba sila Franco?" tanong ko.

"Mga pinagaaral ko dito sa campus, mga batang lansangan yan dati, pinasok ko dito gusto raw makapagtapos pero ganito pala ginagawa sa loob!"

Lalo kong minahal ang tulad niya ng malaman kong marami pala siya mga batang kalyeng pinagaaral sa iba't ibang eskwelahan.

"Ganito na lang para makabawi siya sa inyo, simula ngayon kayo ang utusan niya, bodyguard niya, pro-protektahan niyo siya habang wala ako at siyempre linisin niyo ang pangalan niyang sinira niyo, isa pa tagasumbong siya lahat ng mga kalokohang ginagawa niyo dito sa loob, Ok ba yun?" sabi ni Franco.

"Ok po Boss! Sorry po talaga Ma'am!" Pagmamakaawa ng isang gangster.

Para na talaga akong miyembro ng isang gang sa school, dahil tuwing lumalakad ako may entourage akong kasama na tinawag kong "Frankerchief" dahil sa mga bandanang nakatali sa ulo nila na binigay ni Franco.

The Gangster who loved me (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon