The Gangster Confessions

36 0 0
                                    

Author's Note:
Sa lahat po ng nag message para sa continuation ng TGWLM ito na po. After 7 months ngayon ko lang na i-upload ang bagong chapter. Sorry po talaga sa sobrang busy ko. Sana magustuhan niyo ang karugtong pag maganda feedback i try it twice a month maka upload ng new chapters. Basta promise ko po tatapusin ko ang short story na ito kahit konti lang ang reads. Thanks po!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos ng maaksyong eksenang iyon imbes na pumasok ako sa mga klase ko, mas pinili kong makasama si Franco kahit sandali. Dahil hindi ko na naman alam kung kelan siya babalik. Ipapasyal niya raw ako kung saan ang lugar na iyun ay paborito niyang puntahan. Habang nasa biyahe nag umpisa akong magpapansin.

(Franco and Elaine Conversations)

"Ang daya mo, Franco!"

"Bakit?"

"Akala ko pa naman importante ako sa iyo!"

"Bakit hindi ba?"

"Bakit kailangan pang masaktan ako bago ka lumabas, kanina ka pa pala andun?"

"Ang tapang mo kasi! Tingin ko kanina kaya mo sila!"

"Kanina ka pa nila pinalalabas, pinaabot mo pang mabugbog ako!"

"Ako ba hinahanap? Boyfriend mo ang hinahanap nila di ba?"

"Hmp! Sino ba ang boyfriend ko?"

"Ako!?"

"Bakit hindi ba?"

"Di ba nagkaintindihan na tayo, Elaine?"

"Oo! Pero hinahanap nila ang boyfriend ko di ba?

"Oo!?!"

"Sino ba lumabas? Di ba ikaw?"

"Oh! I see! May girlfriend pala ako hindi ko alam!" pangulit na sinabi ni Franco.

"Talaga!" sinabi ko ng payabang.

"Ok! May dala ka bang Oxygen?" pangiting sinabi ni Franco.

"Bakit?" patakang tanong ko.

"Baka hindi mo kasi kayanin pag minahal kita!"

"Ano!? Talaga? Bakit?" sabik na pagtatanong ko.

"Pag ang gangster nagmahal pati demonyo kikiligin!"

"Langya! Ewan ko nga sa iyo!" nasabi ko ng hirap sa paghinga.

Nakarating na kami sa aming pupuntahan mga 7pm, nasa tuktok na naman kami ng bundok pero this time nasa taas kami ng isang bell tower. Bihira mapasok ang tower na ito dahil sa security, pero iba pag gangster kasama mo walang imposible walang bawal-bawal siya ang batas. Isa pa sa ikinagulat ko, may nakahandang candle light dinner with red wine.

(Franco and Elaine Conversations)

"Ang ganda naman dito, date ba ito Franco?"

"Ikaw ano sa tingin mo? Dito kita dinala para kasing ganda mo! Bagay sa iyo ang lugar na ito!"

"Bakit?"

"Maganda na, mamahalin mo pa!"

"Wow! Grabe! Hindi ko alam paano ite-take yang sinabi mo, totoo ba ito? I need Oxygen nga!"

Binigyan niya lang ako ng killer smile at mabilis na kindat na ikinatunaw ko dahil sa titig niya sa akin. Parang mababaliw na ako that time, feeling ko I'm flying dahil may pabulong pa siyang sinabi sa akin. "I miss you."

Nagyakapan kaming dalawa na talagang namiss namin ang isa't isa. Nagkatitigan kami at pinagdampi ang aming mga labi, halos ikahimatay ko ang moment namin. Gusto ko pahintuin ang oras na sana wag ng matapos pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangster who loved me (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon