To Author @Perfectly_Hidden
Ay author. Hello sayo. Sa tatlong ranters na nakilala ko ikaw ang pinaka-edukada/o at understandable. Eventhough paulit-ulit na naming nabasa yung ganung rants tungkol sa the same author ok lang sabagay ang hirap ng gumawa ng sarili mong legacy considering ang dami na rin nauna sayo diba? Kaya kahit parehong style basta dapat wag ng paulit-ulit, gusto naman ng readers mo ng something new. Surprise us.
UNA, I love your rants kasi kahit full of sarcasm ka may point ka po but if you made it somehow friendlier mas magiging eye-opener sa readers at maappreciate nila yung punto mo kasi kung tinapatan mo yung mga "fans" ng sarcasm against sa favorite authors nila ade obviously hindi sila papatalo sa pakikipag cat fight sayo.
PANGALAWA, Author kailangan talagang batikusin yung pag-u-update ng mga author? Dahil yung iba mabagal, yung iba chop-chop yung UDs? Hindi ba dapat magpasalamat na lang tayo as a reader kasi kahit papaano naglalaan sila ng time nila para mag-update ng story para mabasa natin? Tanggap-tanggap din pag may time. Minsan kasi hindi naman sa authors ang problem nasa readers din, gusto UD agad? Hindi man lang ba naisip na baka busy, naospital, nagtatatrabaho yung author? Grabe, we all have a life off-screen.
PANGATLO, Sa pa-famous. Wait tatawa lang ako. I love it, bitch ang peg natin? Kontrabida sa mga bida? Sikat sa mga pasikat? I appreciate yung pagtira mo sa mga author sa ganitong paraan kahit medyo sarcastic or may sarcasm siya parang nakikita ko ang tagal mo na silang sinusubaybayan bago mo ito isulat, talagang you hit them real hard there. Nag-ipon muna ng evidence tsaka nagsampa ng kaso kumbaga, matalino but at the end author ikaw pa rin ang makikitang mali syempre kasi tao din naman ang mga author na tinitira mo mayroon din mga mood-swings yan minsan at saka hindi ka naman pwede lagng mabait ah, mayroon din mga panahon na kailangan natin ilabas yung honest na iniisip natin para malaman naman nung mga taong yun na sa iba ganito yun , sa iba naman ganito. Kailangan lang natin maging open minded at matutong makinig. Hindi laging gumagalaw ang mundo ayon sa kagustuhan natin, you know.
Anyways, Author Perfectly_Hidden, continue writing rants habang hindi ka pa narereport at naglalahong parang bula kagaya ng mga ancestors mo, babasahin ko pa rin siya at baka sakaling marealize ko yung mga puntong binabato mo at Stay classy sa pag-bash, you'll leave us nganga you'll see.
P.S: Stay hidden, you don't want to see crazy fans run up to you like a dog on the loose.
BINABASA MO ANG
Kape, dre? +tagalog
Non-FictionThings that goes around my mind, enter at your own risk.