Chapter 1

11 3 3
                                        

Tahimik kong pinagmamasdan ang bawat pag galaw ng mga mga dahon mula sa puno gawa ng malakas na ihip ng hangin. Ang dahan-dahan na paglubog ng araw at pag galaw ng mga ulap sa kulay kahel na kalangitan. Huminga ako ng malalim at tinaas ang kamay ko. Sana kung gaano kapayapa pagmasdan ang kalingatan, gano'n din kapayapa ang buhay ko mahina kong bulong.

"Ate Isla" rinig kong sigaw mula sa hindi kalayuan kung saan ako nakaupo. Lumingin ako at agad kong nakita ang nakangiti kong pinsan. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad para salubungin siya.

Muli akong tumingala sa nagdidilim na langit "ang ganda no? Ang payapa." nakangiti kong saad. "Kahit naman mukhang malungkot ang langit para sa'yo maganda e" tumingin ako sa kanya matapos niyang sabihin 'yon. Kumunot ang noo ko. "Iyon ba ang napapansin mo sa akin?" tanong ko na ikinatango lang niya.

"minsan may mga bagay talaga na sa paningin natin maganda kahit para sa iba hindi naman. minsan naman nakatago sa likod nung kagandahan yung malungkot na kwento ng isang bagay. alam mo yun? may mga ganun talaga." sambit ko

"Ang lalim mo magsalita, minsan hindi ko maintindihan kung ano ba pinaghuhugutan mo." aniya at pabirong tumawa. Ngumiti nalang ako. "Dami mong sinasabi, tara na nga ano bang gusto mo kainin?" tanong ko at hinila na sya.

Pagod at tamad akong dumapa sa kama pag uwi ko sa apartment ng tinitirhan ko. sinubsob ko ang mukha ko sa unan at napabuntong hininga nalang. hindi ko talaga maintindihan sarili ko. may oras na ayos naman ako pero madalas hindi ko namamalayan na nag bigat-bigat na ng lahat. na parang ang hirap na huminga at magpatuloy sa buhay.

what life looks like if I'm still with him? kung hindi ako nagmakaawang iwanan nya?

nagising ako sa sinag ng araw na dumadampi sa balat ko. uminat ako saglit at agad ding bumangon para sa panibagong araw.

humihikab pa ako nang pumasok ako sa loob ng banyo para maligo. hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog, hindi ko din namalayan kung kailan at ano ang eksaktong oras ako dalawin ng antok kagabi. ang alam ko lang nag iisip ako— iniisip ko siya.

tahimik kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. suot ang itim na tshirt at hanggang tuhod na palda. ngumiti ako sa salamin at sinuot ang school ID ko.

Ilang taon pa kaya para maabot ko ang mga pangarap ko? ilang taon pa para makalampas sa butas ng karayom?

Tahimik kong niligpit ang gamit ko at agad na naglakad sa harap para ipasa ang test paper. hindi ko alam kung ano yung pinaggagawa ko, bahala na siguro?

pag labas ko ng classroom ay agad akong lumapit sa mga kaibigan ko na naunang matapos sa exam.

"Exam pala yun. super sakit sa ulo." reklamı ng kaibigan kong si Elle.

"sinabi mo pa te, pota hindi ko alam kung tama ba sagot ko. dasal nalang talaga." sagad naman ni Emy

Ngumiti lang ako sa mga narinig ko. tuloy ang kwentuhan nila sa exam. samantalang tahimik lang akong nakatayo at nakikinig habang nanonood sa mga nagttraining ng volleyball quadrangle.

Mula sa 5th floor tanaw ko ang isa pa naming kaibigan na isa din sa varsity ng volleyball.

"gutom ako, kain tayo?" aya ko sa kanila

"nagugutom na din ako, paano si Jan? may training."

tumingin ako sa baba "sabi niya kanina hindi sya sasama pag kakain tayo e" ani ko habang pinapanood sila mula sa kinatatayuan ko.

"sige, chicken wings ba tayo or jollibee?" tanong ni Jeric

"kwek-kwek tayo" sabat ni elle

"tara, tapos mag jollibee nadin. ate gusto ko ng rice" Jeric said. sumang-ayon naman kaming lahat.

Reaching The CloudsWhere stories live. Discover now