Part XXVI - Back-off

5.2K 42 15
                                        

Maagang nagising ang grupo kinaumagahan. Excited ang lahat. Pababa na ng hagdan ng cottage si Cienne nang may mapansin itong isang basket ng fruits na may nakalagay "For Ye"

Cienne: Yeye, para sa yo siguro ito (buhat ang basket)

Mika: Wow! Naks naman! (tumingin sa kabilang cottage at sumigaw) King! Thank you dito ha! Sweet mo talaga! (pinakita ang basket)

Jeron (nagaayos ng higaan at nagtatakang tumingin kay Mika): HIndi sa akin galing yan! Baka hindi sa yo yan

Mika: Eh? For Ye nakalagay e.

Pinuntahan ni Jeron at the rest of the boys ang cottage nina MIka

Jeron: Let me see that (tiningnan ang note) For Ye nakalagay. Have I ever called you Ye?

Mika: Uhm, hindi pa yata. Oo nga no, hindi mo ako tinatawag na Ye

Carol: Eh kanino galing yan?

MIka(tiningnan si Ara): Oi ikaw, pinagtitripan mo ako?

Ara: Oi!damulag, nauna ka nagising at bumangon  sa akin

Mika: Walang nagtitrip sa inyo sa akin ha?

Lahat: Wala!

Jeric: We better go sa house, baka isa sa kanila nagpadala nyan.

Forts: Mabuti pa nga.

Pumunta na ito sa house. Habang naglalakad, nakasalubong nila si Peter at family nito.

Peter: Hi Ye, good morning

Mika: Ah, eh. good morning din sa yo

Peter: Ngapala, parents ko, and mga kapatid at pinsan ko

Peter's Parents: Hello Hija, maganda ka nga talaga.

Mika: Ah, eh, hello din po

Peter's Mom: Pasensya na hija, gusto ka sana namin makakwentuhan pero magprepare pa kami breakfast, Mauna muna kami ha.

Mika: Ah, sige po

Umalis na ang mga parents ni Peter. Naiwan ito kasama mga pinsan at kapatid. Habang nakamasid lang si Jeron kina Peter.

Peter: Natanggap mo ba yung binigay ko?

Mika: Huh?

Peter: Yung fruits na iniwan ko sa cottage nyo kanina (smiling)

Mika: Sa yo galing yun?

Peter: Yup. Nagustuhan mo naman diba? Alam kong magugustuhan mo yun (smiling)

Ara(bumulong kina Cienne at Carol): Assuming at epal talaga to

Cienne(bumulong din): Kaya nga, sarap lunurin sa dagat

Carol(pabulong): Di ba may island dito na lumulubog pag high tide? Dalhin kaya natin sya dun

Nagtawanan ang 3 sa sinabi ni Carol, na pinagtaka naman ng iba

Pinsan ni Peter(sarcastic): May nakakatawa ba? Share nyo naman nang matuwa din kami

Carol: Eh kung sabihin kong kayo ang nakakatawa? Tatawa ka ba?

Forts: Bata!

Carol: Tsss! Mga ma-F kasi

Kapatid ni Peter: Baka kayo ang ma-F?

Forts: Hey, pumapatol ka sa babae?

Peter: Pabayaan nyo na mga yan, they don't matter. Anyway Ye, mag-island hopping kami mamaya, wanna join?

Mika: Salamat sa invitation, pero may lakad kasi kami e. Mag-island hopping din kasi kami

Peter: That's great! Sabay sabay na tayo. ok lang ba?

The King and the TowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon