*** Track 1: Getting Ready!***

86 0 6
                                    

*** Track 1: Getting Ready! ***

Hanna's POV

”HALA! MALELATE NA TAYO ATE GISING KA NA BILIS!!!”

Ugh! Natutulog pa ako e binulabog nanaman ako ng aking napakabait na kapatid na si Tracy, siya ang kapatid ko 18 years old siya buo niyang pangalan ay Tracy Nichole Suarez, at ako naman si Maria Hanna Suarez, 19 years old ako at younger ng 1 year sa akin si Tracy. Siguro nagtataka kayo kung bakit nagmamadali si Tracy ano? 

.

.

.

Malelate na kasi siya sa concert ng paborito niyang banda na yung “Silent Noise”. The band I probably LOATHE since I hate their genre.

“Oo na, pwede ka bang maghintay Tracy?!”

“Ate, bilis mo sayang naman yung VIP tickets natin mahal pa naman nun, at 6 lang ang binebenta na  VIP tickets! At mas lalo akung na e-excite kasi pwede pa tayong magpa-authograph sa crush ko! Ate bilisan mo ayaw kong malate!!! Bilis!! 8:00pm yun magsisimula!”

“Oo na, magbibihis nalang ako, sandali lang ito. May isang oras pa naman eh!”

“Gusto kong mauna bilisan mo, wala si Manong kaya ikaw nalang ang magdrive ha!”

Tanong ba iyon o command? Bahala na basta masamahan ko nalang itong kapatid kong MAKULIT

“Opo ATE may magagawa pa ba ako eh ako ang inutusang magbantay sa iyo.”

“Magugustuhan mo din yung banda ang gwapo kaya nila, lalong-lalo na si Ivan , Kyah!”

“Oo na! wag ka lang sisigaw ok, nakakabingi ka. O sige na, magbibihis muna ako maghintay ka nalang diyan.”

Sa kwarto ko:

*hanap*

*hanap*

*hanap*

*hanap*

Ugh! Nakakainis hindi ko alam ang susuotin ko. Ngayon lang kasi ako pupunta sa concert ng banda eh.Oo na ako na ang WEIRD! Pero Hindi talaga ako mahilig sa ganun kung tutuusin magaganda din naman ang mga kanta ng Silent Noise eh. Ang weird din ng bandang iyon tawag nila sa banda nila Silent Noise samantalang ang ingay ng mga kanta nila yung pang alternative-rock lang ang genre. Pero back to reality na, hindi ko parin talaga alam ang isusuot ko, kung mag-jeans at t-shirt nalang kaya ako, ummm ito naman ang typical attire ko eh. Kasi naman kung kung mag-dress kaya ako, arghh para naman akong ewan nun diba may concert tapos naka-dress ka, baka pagkamalan pa akong shonga kung susuotin ko iyon.

“Ayun! Nahanap din kita.” yes! May nahanap na din akong magandang damit na bagay sa concert.

“Ate, bilis ang tagal mo namang mamili, e ang dami-dami mong magagandang damit.”

“oo na, bababa na, hindi naman siguro halatang atat ka ano?!”

“Eh naman ate e, masama bang magmadali? Kasi 30 minutes nalang eh magsisimula na yung concert ng Voiceless.” Nakalimutan kong kasama nga pala naman naming si Bes! Denise

“30 minutes pa pa-- ano?! 30 nalang naku patay malayo-layo pa naman yon wait lang kapatid" takot ko lang kapag hindi pa ako magmadali baka mawala ako sa mundo ng wala sa oras.

“Nandiyan na ba si Denise?” tanong ko

“Wala pa nga siya eh”

Bwuahaha! sana nga malate kami para naman hindi ko na makita ang banda na iyon face to face at baka kailangan ko na din ng earplugs dahil sa kapatid kong nakalunok sa megaphone.

Grabe hindi ko akalaing 30 minutes nalang samantalang kanina eh 1 oras pa ang natitira, grabe ang tagal ko na palang namimili ng damit, buti nalang at nahalungkat ko sa walk-in closet ko ang maganda kung damit hehe. Simple lang naman ang damit ko dahil ayaw ko naman maging agaw-pansin doon noh! There's no use dressing up for something your not eager to see. Hindi nga ako fan ng mga banda eh kung hindi lang dahil sa kapatid ko hindi ako sasama buti nalang at binigyan din kami ng isang libreng ticket ni dad masasama ko din si Denise ang aking BFF as in FOR LIFE simula nursery siya na BFF ko, ang buong pangalan niya ay Naomi Denise Geronimo, a.k.a. Denise. Sa totoo lang ayoko ang mga sexy na damit, at mas lalong ayaw ko yung hanging I rarely put make-up on my face. I like being simple. Anyway kaya ayaw ko sa mga damit na masiyadong maarte kasi parang ewan sila, at lalaong ayaw ko ang pansinin ng mga lalaki baka mabastos pa ako!  

“Ate Hanna! Si ate Denise nandito na, bilisan mo ate!!!”

Napatakip ako sa tenga ko kasi naman ang kapatid ko, ang ingay. Tinatanong ko nga si mama baka pinaglihi niya si Tracy sa mic pero imposible naman kasi yun e, kaya sabi ko nalang baka nung bata si Tracy e nakalunok ng mic o megaphone.

“Bes! Ano pa ba ang ginagawa mo diyan!! Bumaba ka na nga dito baka malate pa tayo, sayang hindi na namin makikita ni Tracy ang crush namin.”

“Ewan ko nga sa inyo!!! Wala naming maganda doon sa banda nila e, masakit sa tenga kaya nga ako nagdala ng earplugs kung sakaling dumugo ang tenga ko galing sa mga tili niyong dalawa.”

“Bahala ka nga! Basta kami ni Tracy mag-eenjoy! Apir naman diyan Tracy”

“Apir”

Tapos na ako!, ano kaya yung suot nila? Baba na nga ako, malelate na talaga kami! >.<

“Bes! Ang simple naman ng suot mo! Ang pangit!”

Grabe hindi porket simple pangit agad! Sabagay maganda naman ang suot ni Bes.

“Bes naman e! alam mo naman siguro na naiilang ako kapag maikli ang suot ko DIBA?"

“Oo na, kasi naman Bes, ang ganda ganda ng katawan mo at pati na din ikaw, ang kaso lang kasi ayaw mong ipakita sa iba.”

“Basta! Ayaw ko talaga niyan, at Tracy bakit naman ganiyan ang suot mo?!”

“Ate naman! Dapat lang maganda ako ngayon noh! Malay mo, mainlove sa akin si Tyler kyahh!!!” at nag-blush pa siya talaga!

“Libre lang mangarap kapatid!”

“Sama mo talaga ate!”

Naku! Nagpacute pa talaga, sige na silang dalawa na ni Bes ang cute! Sila na talaga! Siguro magmumukha akong yaya sa likod ng dalawang ito. 

“Bes! Nakatulala ka diyan?” ay nakatulala na pala ako, hindi ko manlang naramdaman.

“Ah… wala iyon” sana hindi na magpumilit si Bes magtanong ng iniisip ko

“Osiyasiya! Bes! Gora na tayo baka malate pa tayo, lagot ka sa amin ni Tracy kapag nangyari yun!” haha! Buti nalang at nagmamadali kami, kaya hindi na siya ng-abalang magtanong

“Grabe! Takot ko lang sa inyo! Punta na kayo doon sa garage kunin ko nalang  yung kotse ko”

“k” ang tipid naman sumagot nitong dalawa, kunin ko kaya yung Ferrari ko para mabilis, sige yun nalang kunin ko.

------ To Be Continued ---------

A/N: I hope you like it! I'm open for suggestions!

-Dis_Is_Me xoxo

*Edited*

Play my music ♪♪♪♪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon