*** Track 2: Meet Him??? ***

43 0 0
                                    

*** Track 2: Meet Him??? ***

--A/N: Hello! kahit na hindi madami ang readers ko, gagawa pa din ako haha, as long as may isang nagbabasa sa story ko gagawa pa din ako.

Hope Ya' Like this chappy!

Hanna’s POV

Nakasakay na silang dalawa sa kotse ko, pinaharurot ko na ito para mabilis kami at hindi malate kasi 20 minutes nalang magsisimula na ang concert

Habang nagbabiyahe kami, nag-uusap din kami siyempre noh! Baka mapanis ang laway naming tatlo dito.

"Ate Hanna! Sasama ka ba sa amin ni ate Denise magpa-authograph?" out-of-nowhere na tanong ni Tracy, ayaw ko naman sumama sa kanilang dalawa kasi ayaw ko nga yung banda na Silent Noise eh

"Hindi! Alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga ganyan-ganyan na ewan"

"Ate! Na Please, kailangan kasi ng 3 or above ang sabay-sabay na mag-papirma sa Silent Noise para daw hindi na masiyadong maabala ang banda nila"

"Ang aarte naman ng mga members ng banda na yan!" kainis naman kasi, ang daming nalalaman na kaartehan

"Sige na bes! Para makapag-papirma pa kami ni Tracy"

"Ayaw ko nga! Ang kulit, edi makisabay nalang kayo dun sa mga ibang may VIP tickets para hindi na ako kasama, ok ba!?" tanung ko na medyo naiinis kasi naman e, alam naman nila na napilitan lang ako na sumama sa kanila kasi sayang daw yung ticket at isa pa, wala daw magbabantay kay Tracy, asus! Pinapabantay pa sa akin si Tracy samantalang dalaga na siya. Kasi naman e nakakainis bakit kasi kaming dalawa lang ni Tracy ang naging mag-kapatid, tuloy ako ang panganay at siya ang bunso. Instant yaya tuloy ako.

After ng 15 minutes nakadating na din kami, ang daming sasakyan dito sa labas buti nalang at hindi pa nagsisimula yung concert, kung nagsimula na naku patay! Baka hindi na namin magamit yung libreng authograph, teka lang! Ano nanaman ba iyang iniisip mo Hanna, ang sama mo naman excited pa naman silang dalawa makapagpapirma. Pangungulit sa akin ng konsensya ko.

"Ate late na yata tayo, wala na kaming makakasabay ni ate Denise... hindi na natin magagamit yung libreng authograph sa VIP pass"

"Oo nga! Si ate mo kasi, ang daming satsat nalate tuloy tayo! Kainis naman" grabe! Ano nanaman ang plano nilang dalawa at ako ang sinisisi!

"Paano na iyan ate Denise?" Lagot! Baka iiyak na si Tracy, kasalanan ko ito e, kung hindi sana ako nagpaka-hirap na maghanap ng damit edi sana nakapagpa-authograph sana silang dalawa. Nakakakonsensiya naman.

"Bes! Uwah paano na ito, nakakatamad ng manuod hindi na natin ay namin lang pala makikita ang Silent Noise face to face!" grabe! Hindi ko na kaya, hindi ko naman alam ang gusto nilang gawin ko?!

"Ano pala ang gusto ninyong gawin ko?!" medyo naiirita kong sagot kasi naman ako lang yung sinisisi nilang dalawa

"Sumama ka sa aming dalawa, magpa-authograph sa Silent Noise" hala! At talagang sabay pa silang dalawa sumagot ah! sabi ko na e, may balak itong dalawang ito e

Tinitigan ko lang silang dalawa, NAKAKAINIS talaga, alam naman nilang ayaw ko doon, buti pala at nagdala ako ng earplugs hoho

"Hoy Bes!, ano ang nginingiti mo diyan?! Para kang baliw"

"Ahhhhhh, wala yun Bes! Wag mo nalang akong pansinin"

"Weh? Anu nga kasi yun?!"

Naku! Nanggugulo nanaman si Bes! Sabihin na nga sa kaniya, baka hindi na kami makapasok sa loob katatanong niya

Play my music ♪♪♪♪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon