*** Track 7: Challenge Accepted! ***
A/N: Pips! Pinalitan ko na yung name ng band from 'Voiceless' to 'Silent Noise' kaya baka malito kayo. If ever na may napansin kayo na mali sa story, feel free to tell me. :D
Tyler's POV
I froze. Stared at her. And fell for her all over again.
--End of Tyler's POV--
Hanna's POV
Pagkaupo ko sa may glass side ng starbucks, nakita ko si Tyler sa labas sa may tapat lang nung table sa harap ko. Tinititigan niya yata yung babae pero hindi naman siya pinapansin nito. Sinubukan ko siyang kawayan pero hindi naman siya lumilingon. Kaya inubos ko na agad ang frap ko then went outside para puntahan siya.
--End Of Hanna's POV--
Tyler's POV
Hindi pa din ako makapaniwala na ilang taon na kaming nagbreak-up pero hindi pa din siya umaalis sa puso ko. Nakatayo lang ako sa tapat niya preventing myself from punching that bastard she replaced me for. I was suppose to do that and started to go to starbucks when I bumped into somebody.
--End Of Tyler's POV--
Hanna's POV
Pagkalabas ko nakita ko na papalapit si Tyler dahil siguro nakita niya akong kumakaway sa kaniya. Pero dire-diretso lang siya kaya nabangga niya tuloy ako at napaupo ako.
"Aray ko naman Ty! Two hits in one day, grabe ka naman! Ang sakit kaya!" sabi ko sa kaniya habang tinutulungan niya akong tumayo sa pagkaupo ko.
"Sorry, nakaharang ka kasi eh" sabi niya.
"Eh bakit ka ba kasi nagmamadali?" tanong ko naman.
"Ahhh... Kasi... Ummm... Mag-oorder ako sa Starbucks at nagugutom na ako. Tama!" sagot niya na may pagaalangan.
"Nagsisinungaling ka eh!"
"Hindi kaya. Nagugutom lang talaga ako." Pangagatwiran niya.
"Bakit pala hindi ka sigurado sa isasagot mo sa akin kanina?"
"Epekto lang ng kagutuman ko iyon"
"Grabe ka naman palang magutom! Kain ka na pala sa Starbucks! Treat ko na ito!" aya ko sa kaniya.
"Hindi ka na ba galit sa akin?" tanong niya na parang bata.
"Hindi naman ako nagalit eh, nainis lang. Ok na yun wag mo nang alalahanin."
Kaya pumasok na kami sa Starbucks pero may nakasabay kami sa may pintuan, magkasintahan yata.
"Oh! Hey Tyler! It's been a while" sabi nung babae at huminto sila sa harapan namin. May pa-english english pa siya ha!
"Yeah" tango naman ni Tyler na parang wala lang sa kaniya.
"Is this your new girlfriend? She's pretty, though not prettier than me." sabi niya habang tinataasan ako ng kilay.
Aba! ayos siya ah! Eh kung tutuusin nga dahil lang sa make up niya yung 'kagandahan' niya. At hindi ako girlfriend ni Ty, ibubuka ko palang sana ang bibig ko para sumagot pero bigla namang nagsalita si Ty.
"Yes, she's my girlfriend. I disagree with what you just said, she's prettier than you and kinder, too..." sabi ni Ty sabay akbay sa akin at tinitigan ako ng parang nagmamakaawa kaya sumakay nalang ako sa trip niya at nginitian ko yung babae
"Mind introducing her to me Tyler?" sabi niya
'It's none of your business!' gusto ko sanang sabihin sa kaniya pero I'm acting like an angel here.