Chapter Four

6.7K 167 2
                                    

She still starring in her necklace while smilling like crazy.

Last night. Echo gave her an important treasure in his life. His mother necklace.

Noong una, hindi niya gustong tanggapin. Ayaw niyang isipin nito na nasisilaw siya sa kung anong mayroon ito.

But he was persistent. Pilit nitong binigay sa kanya ang necklace. Sabi nito. Maraming salin-lahi na daw ang kwintas na iyon. Na minana pa ng ina nito sa magulang niyon.

Dahil wala siyang kapatid. Sa kanya huling ipinasa ang kwintas. Ibigay daw dapat iyon sa isang babaeng tapat nitong minamahal.

Halos bumaha ng luha kagabi dahil sa pag iyak niya. Hindi niya akalain na ganoon na pala kalalim ang relasyon nila.

At nangako ito sa kanya na pakakasalan na siya kapag nakatapos na sila ng lag aaral.

Naikwento din nito sa kanya na excited na daw ang mga magulang nito na makilala siya.

Hindi niya akalain na may magmamahal sa kanya ng ganoon.

Nasa malalim siyang pag iisip ng mula sa kung saan ay sumulpot ang kaibigan niyang si lissie na hinihingal pa.

"Sa wakas nakita rin kitang babae ka.." sabay hingang malalim.

Pinangunutan niya ito ng noo.

"Kanina ka pa hinahanap ni Mrs. Salazar. May sasabihin daw sayong importante." Pagbabalita nito sa kanya.

Si Mrs. Salazar ang isa sa mga subject prof niya. Ito ang isa sa nagbigay ng recommendation sa kanya para maging exchange student abroad.

Nakita daw kasi niyo na masipag at may potensyal siya.

"Sige pupunta na ko doon." Sabi noya sa kaibigan niya.

Muli niyang inilagay sa leeg niya ang kwintas at saka naglakad palayo dito.



Gulat ang rumehistro sa mukha ni lauren matapos sabihin ni Mrs. Salazar ang panibagong balita nito.

Hindi niya ito inaasahan. Oo at handa na siyang umalis pero bakit ang bilis?

"I'm sorry hija pero nakaprefare na lahat. Here's your visa and passport." Sabay abot sa kanya ng isang di kalakihang envelop.

"Pero ma'am akala ko po ba next week pa? Bakit ang bilis po yata?" Takang tanong niya dito.

Bumugtong hininga ito bago muling nagsalita. "Again i'm sorry. Pero naisip ng school department na madedelay ka sa klase mo and panibagong adjustment ito kaya pinaaga ang call time mo." Paliwanag nito sa kanya.


Wala siyang masabi sa paliwanag nito sa kanya. Ang bilis ng lahat ng mga pangyayari. Ni hindi pa nga niya nagagawang sabihin kay jericko ang pag alis niya.

Hindi pa nga niya alam kung anong magiging reaksyon nito.

"Be ready lauren. Ihanda mo na ang mga gamit mo bukas. Before noon ang flight mo." Paala nito sa kanya.

Bukas na ang flight niya. Paano ang mga maiiwan niya? Ang alam ng mga magulang niya next week pa. Pero biglaan.

Si jericko? Paano niya ito iiwan? Tomorrow night was supposed to be the night were he introduced her to his parent.

Invited siya sa anniversary ng magulang nito. Actually she already prefare her dress para sa gabing iyon.

Paano niya sasabihin kay jericko na hindi siya makakapunta dahil aalis na siya? She was torn between love and dreams.

Nakakahinayang kungbhindi niya ito itutuloy. Sayang ang opportunities. Minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon. Ayaw niyang masayang.

Sa tingin naman niya maiintindihan siya ni jericko. She has to chose. She has to leave for the sake of her future.


His Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon