Chapter Nine

6.3K 153 4
                                    

Ngayon ang unang araw ni lauren sa trabaho. Kaya maaga palang ay gumayak na siya at pumasok na sa opisina.

Ayaw niyang mahuli sa unang araw ng trabaho. Inisip niya na mas mabuti na iyong maaga siya. Kinakabahan pa rin siya. Dahil sa hindi malamang dahilan.

Nitong mga nakakaraang araw ay iniiwasan na rin niyang uminom ng kape. Masyado na siyang nagiging nerbiyosa.

Maaga pa lang ay nasa sariling cubicle na siya. Nakilala niya si arbie, isa sa magiging officemate niya. Ito ang nagbriefing sa kanya.

Sinabi nito na ang usual na oras ng dating ng boss nila ay past nine ar eight exactly. Wala daw itong exact time ng dating dahil sa dalawang kompanyang hawak nito.

Mula sa madaldal na dila ni arbie. Nalaman niya na magmemerge pala ang dalawang kompanya. Dahil na rin sa iisang pamilya na ang may hawak.

Kasakukuyan niyang inaayos ang lamesa niya ng may dumaang tao sa harap niya bago walang lingon-likod na nagsalita.

"Give me my coffee."  Kadyak na tumayo siya pero hindi na niya ito inabutan. Nakapasok na ito sa loob ng opisina nito.

Narinig nalang niya si arbie na nagsalita.

"Andyan na si sir. lauren  Igawa mo na yun ng kape. Baka uminit pa ang ulo." Sabi nito sa kanya. Dali-dali siyang pumasok sa personal pantry nito ay ginawa ito ng brewed coffee.

Mabilis niya itong pinasok sa loob ng opisina nito. Only to her surprise seeing him. Kung may mas nagulat man ay siya iyon. Patunay na ang nalaglag na tasa  ng kape.

"What are you doing here?"

Pinanlamigan siya  sa tono ng boses na ginamit nito sa kanya. Lissie was right he still mad.

"J-jericko!" Tawag niya dito.

Ang mga mata nito na dati kapag tumingin sa kanya ay puno ng pagmamahal ngayon ay galit ang nakikita niya.

Mga matang gusto siyang patayin. Mga matang daig pa ang siya'y sinusumpa.

"Get out!!" Matigas na sabi nito saa kanya.

"Magpapaliwanag a-ako." Sabi niya dito.

Lumapit siya dito at tinangkang hawakan ang mga kamay nito ngunit umiwas ito.

"No need. It's been a long seven years. No need to explain yourself. Now get out!" Parang sinaksak siya doon. Isiping ipagtabuyan siya nito ay nakamamatay.

"Nagawa ko lang naman iyon dahil-."

"I said stop!! Ang kapal ng mukha mo na magpakita pa sakin ha. Hindi mo ba naintindihan ha? Umalis ka ng walang paalam tapod babalik ka na parang wala lang?" Sumbat nito sa kanya.

sunod sunod ang pagpatak ng mga luha  niya. Ang sakit.

"Cut the drama lauren. Were over after seven years."

"M-mahal mo pa naman ako diba?"

Natatakot siya sa tanong niya. Natatakot siya sa pwede nitong isagot sa kanya. Natatakot siya na baka sabihin nito ang totoo.

Bigla ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Dagli ay nahalinhan ng pag asa ang puso niya. Lumambot ang aura nito at mataman tumitig sa kanya.

"Oo mahal kita... noon. Noong hindi mo pa ako iniiwan.. noong kasama pa kita... noong sabay tayong nangangarap para sa sating dalawa.. bullshit! Lauren thats all past.. can't you get over me? Nagawa mo na yun dati diba? Bakit bumalik ka pa?. I'm married already!" Namumula ang mga mata nito sa galit.

Napahagulgol siya. This is it. This is the reality. Sinampal na siya ng katotohanan.



"M-mahal mo ba siya?" Ang tinutukoy niya ay ang asawa nito.

Masakit malaman ang totoo pero bakit ayaw tumigil ng isip niya nang magtanong ng magtanong?

Sabi nga nila; "what you don't know is what might get hurt you." Pero gusto pa rin niya.

Nakita niya ang pag iba ng mata nito. Kanina ay galit ito ngayon naman ay.. awa? Kanino ito naaawa? Sa kanya ba?

Hinimas nito ang sentido bago muling tumingin sa kanya. Matiim. Puno ng hinanakit.

"You want to know the truth? The truth? Sumagot ka!!" Napapitlag siya sa sigaw nito.

Puno ng luha na humarap siya mula sa pagkakatungo niya. "Oo! Gusto kong malaman. Para alam ko kung dapat pa kitang hintayin. Kung dapat pa kitang i-ipaglaban. Sabihin mo sakin yong totoo."


"Sa ating dal'wa ikaw pa talaga ang nagsabi niyan?." Namumula na ang mga mata nito. "Fine! I'll tell you the truth... i love my wife. I love everything about her. I love the way she care me. I love her. I love my family. I love-."

"Tama na!!" Hindi na niya kayang marinig kung paano nito mahalin ang asawa nito.

Siguro nga. Mali na bumalik pa siya. Mali na umasa pa siya. Mali na maghintay pa. Dahil wala na. Wala na siyang hihintayin.

Pag aari na siya ng iba...

His Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon