Chapter 3

1.1K 32 2
                                    

( Narrator's POV )



Si Claire Llamas ang tumulong kay Andi para makabangon ulit. Sya ay isang nurse nang magkakilala sila ni Andi at hanggang ngayon ay nurse parin sya. Tinulungan nya si Andi na makahanap ng matutuluyan.

At sa pansamantalang araw ay hinayaan nyang tumuloy muna si Andi sa tinitirhan nya. At dahil naman sa pasasalamat ni Andi ay ibinili nya ng condo si Claire.

" Bestie ! " sabi ni Claire habang kumakaway para makita sya ni Andi.

Nang makita sya ni Andi sumakay na sya sa kanyang sasakyan at sinundan sya ni Andi sa restaurant na kakainan nila.

" Bestie hanggang 12:30 lang tayo ah, may mga pasyente pang naghihintay sakin "

" Okies "

" Waiter " sabay taas nya nang kamay para makita sya ng waiter. Nagsimulang lumapit sa table nila ang waiter.

" Ano pong order nila Ma'am ? "

" Ito, ito, at ito "

" Ano sayo Claire ? "

" Uhm., ito, ito, ito, ito, tapos ito "

Sa kanilang dalawa si Claire lang talaga ang laging maraming kinakain. Talagang kung tutuosin matakaw si Claire lalung lalo na kapag magsho-shopping sila lagi nilang inuuna ang kumain. At lagi naman si Claire ang nagsa-suggest nito.

" Ano pong drinks nila ? " tanong muli ng waiter.

" Pepsi na lang akin " sabi ni Claire.

" Me too "

---

Tumatanggap po ako ng votes or commenta kahit negative feedback okay lang sakin :)

She's Mine, Mine Alone.Место, где живут истории. Откройте их для себя