Chapter 5

932 26 1
                                    

( Narrator's POV )



Natapos syang makipag meeting kay Mr. Midleton at pumayag sya maging ang board ay pumayag na mag-invest si Mr. Midleton sa kanyang kompanya. Inaasahan nya na isa itong bata bata pang lalaki ngunit kabaliktaran ang nakita nya, isa itong matanda na may edad na siguro 55 pataas na ang edad nito.

Naka-usap nya narin ang kukuha sa kanya ng materyales at napag-usapan rin nila kung kailan ito ide-deliver. Masyadong marami ang inorder nito kaya matatagalan pa upang mai-deliver ito sa kanila. Siguro aabutin ito ng isang buwan.

Isang gabi habang nanonood sya ng balita ay may isang balita na naka-agaw ng attensyon nya.

BREAKING NEWS:
Ang asawa ni Evan Gomez na nagmamay-ari ng Gomez Corp. na si Aemi Gomez ay isinugod sa Hospital ngunit sa kasamaang palad ay DOA (Dead On Arrival) raw ang nangyari. Labis ang pagdadalamhati nito sa kanyang asawa. Nasabi na mayroon itong sakit sa puso at yun ang dahilan kung bakit pumanaw ito. Sa kasalukuyan ay nakaburol ito sa ***** .

Isa lang ang pumasok sa isip nya. Si Tristan, ano nang nagyayari ngayon kay Tristan. Hanggang ngayon ay wala parin syang balita sa dating nobyo. Pero hindi naman nya masasabi na hiwalay na sila nito dahil wala manlang eksplenasyon ay naghiwalay sila at walang paalam sa isa't-isa.

---

She's Mine, Mine Alone.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora