Chapter 6

886 29 0
                                    

( Narrator's POV )



Pagka-uwi nya sa kanyang condo ay dumiretso sya sa kanyang kwarto para magpahinga. Focus na focus sya sa kanyang kompanya minsan sumasagi sa isip nya na siguro kung nabubuhay pa ang kanyang nanay ay mararamdaman nito ang ginahawa na ngayo'y tinatamasan nya.

FLASHBACK

Sila'y kumakain ng kanyang ng nanay nang magulat sya sa itinanong sa kanya nito.

" Anak, bakit hindi ka magnobyo ? "

Nasamid sya sa pagkagulat dahil sa tanong ng kanyang nanay. Kaya inabot kaagad nya ang baso at sinalinan ng tubig.

" Bakit nyo naman po naitanong ? "

" Kasi anak, kung magno-nobyo ka mababawasan ang paghihirap mo katulad ngayon nagiging pabigat na ako sayo "

Tumayo sya sa kinakaupuan nya at lumapit sa kanyang nanay para yakapin ito.

" Nay., alam mo naman po na kahit kelan hindi ka naging pabigat sakin diba ? "

Tumingin lang sa kanya ang kanyang ina.

" Wag ka mag-alala nay, makaka-ahon rin po tayo sa kahirapan. Pangako ko sayo ibibili kita ng bahay, malaking bahay at maghahanap pa po ako ng nurse para sayo. Hindi kana maghihirap hindi mo na po kaylangan kumilos ng kumilos, konting tiis na lang nay. "

END OF FLASHBACK

Naka-tingin lang sya sa kisame habang inaalala ang mga ito. Di nya napansin na tumutulo na pala ang kanyang mga luha.

Kaya naisipan nyang huwag pumasok bukas upang bumisita sa puntod ng kanyang nanay at tatay.

---

She's Mine, Mine Alone.Where stories live. Discover now