… I know this is sudden, shocking even. Pero you have to believe me na ever since I first saw you, nahulog na loob ko sayo. Matagal ko itong itinago, dahil alam kong di mo naman ako mapapansin pero sa apat na taong magkakilala tayo, di ko alam kung bakit – at kung possible pa nga – lalo lang ako nahulog para sayo.
I’m pretty sure nagtataka ka kung bakit ngayon ko lang to inamin sayo (baka nga magtaka ka pa kung sino ako eh! Haha) pero I just wanted you to know. Ayokong matapos ang taong to na di mo nalalaman; ayokong magsisi tulad ng last year nung 4th year high school pako kasi masyado ako naduwag umamin sayo. Kuya Ramjay, I love you - Kahit di mo ko napapansin, kahit di mo ko kilala... I really love you.
Please don’t think of me as a stalker, honestly I’m not. I’m just a no longer ‘secret’ admirer. J
Take care!
Leigh
Itiniklop ko na at inilagay nalang sa bulsa ng pantalon ko ang kaisa-isang papel na sa sobrang daming beses ko nang binuklat at paulit-ulit nang binasa eh malamang mahihili na mga school books ko – ang love letter ko para kay kuya Ramjay. *sigh* Alam mo di ko talaga alam kung bakit ko pa ginawa to in the first place; eh mapalagay nga lang sa iisang lugar as him eh talo ko pa ang utal at epileptic – pano ko pa kaya maibibigay to?