Nursing

43 1 2
                                    

~3 months later...

“BHE!! Dali late na tayo!!” pasinghal na isinigaw ni Elaine habang todo effort ang kae-exert ng energy sa pagtakbo. Infernes, mabilis ang lola mo tumakbo kahit naka-heels. Hayyyyy! Second year college na kami pero ganun padin si Bhe, ang kupad!!

“H-Hoy!” pabuga kong isinagot dito habang nagpupumilit na humabol sa kanya ( take note: nakaheels din ako hehe! ) “Di tayo male-late kung di ka isang oras mag-ayos!”

 “WAAAAAIIIIIITTTTTTT!!!” Isang boses na halata mong tuminis na sa sobrang pagod ang nadinig naming umirit. Pareho kaming tumingin sa kinaroroonan ng boses at nakita si Chelle na pulang-pula na sa pagod sa kahahabol samin. Patakbo itong sumusunod samin all the while pilit na binabalanse and sarili upang di matapilok. Sa mga nagtatanong, Oo nakatakong din siya, nakatakong padin at pilit na nagtatakong kahit sobrang clumsy niya XD

Ttttrrriiinnnngggg!!! Tttttrrrriiiinnnngggg!!!

Biglang tumunog ang alarm ko.. Teka ALARM KO!???

“Sorry naman bhe” sagot muli ni Elaine habang hinuhugot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng slacks ko at marahang binuhay ang screen, 2:30 PM ang asa orasan ko. “Ang ipinagtataka ko lang talaga ay kung bakit parang napatagal ako ng pagaayos at inabot ng isang oras, parang di naman eh.”

“Bhe hindi nga.” Tahimik kong isinagot dito.

“Ha?”

“2:30 pa.”

“Ha!?” malitong isinagot ni Elaine sakin.  “Eh diba 3:20 na sa orasan ni Chelle nung umalis tayo ng apartment ko?” Pareho kami ni Elaine napatingin kay Chelle.

 “Eeeeeehhhhhhh... Maaga orasan ko.”  -_-“

Nagkatawanan nalang kaming tatlo habang naglakad nalang papuntang school. At least di kami late diba? Puno ng studyante sa entrance ng school gate nung pumasok kami; malamang mga nagpapalilom o naghihintay ng mga kasama bago pumuntang SM.

“Pero infernes bhe” biglang salita ni Chelle habang nakatingin kay Elaine. “ang tagal mo mag-ayos.”

“Hehehe sorry ah” matawa-tawa nalang nitong sinagot. “Di ako magkaintindihan eh.”

“Sus! Nagpapaganda yan kay Niel” ani Chelle habang paasar na kiniliti si ito sa tagiliran. Bahagya na lamang ito ngumiti.

Hmmmm, ano kayang meron?

“U-ui! Sa library muna tayo” Ayyyyyyyy! Biglang change topic lang ‘tong si Elaine oh!?

“Sa room na tayo. Tinatamad akong umakyat!” angal naman samin ni Chelle.

“Inaakyat mo ang 3rd floor? Bhe may elevator.” sagot naman ni Elaine. Hooollllaaa! Ayan naaaaaaaaa!!!

 “Eh kadaming tao!”

“Alangan! Ikaw lang ba studyante dito? Panu naman kami? Tsaka yung mga teachers pa, panu din sila? Ipa-private mo yung elevator bhe kung gusto mo ikaw lang. Trip mo my dear?”

BOOOOOOOOOOOOOOM!! Umiral na naman kamalditahan ni Elaine XD

“Leigh!!” marahan na tumingin sakin si Chelle na parang humihingi ng tulong.

“Aba,” ani ko habang itinataas ang mga kamay as if in-surrender. “Wala akong laban diyan pag nagmaldita.”

“Ui joke lang!” paasar na itinusok ni Elaine ang daliri niya sa tagiliran ni Chelle. “Yiiieeeeeeee! Magsusumbong na yan kay Ivanne, haha.” Natawa din ako kasi mukhang walang magawa si Chelle pag ganun ang kaibigan namin. Pero kahit panalo si Elaine sa areglo nila, sa room nadin kami nagsimulang magtungo, tinamad nadin kasing mag-library. Malapit – lapit na kami sa room namin nang biglang mapatigil si Elaine. Nakasimangot ito nung tumingin sa aming dalawa ni Chelle.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Not so Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon