“K-kuya Ramjay Laylo” gulat kong sinabi. Mukha din naman hindi lang ako dahil mukhang nabigla din siya sa pagkikita namin. Bakit kaya?
“I-ikaw pala yan Leigh”
OOOOOEEEEEEEEMMMMMMMGGGGGGGGIIIIIIEEEEEEEEE! Kilala niya ko! KILALA NIYA A-K-O! Pwede na ko mamatay!
Ay joke lang..
Papakasal muna kami CHAROT! XD
“So-sorry nga pala ah” sabi nito nang tinanggal niya ang pagkakahawak niya sakin. Ayyyyy!! Waaaggg naman! :O
Mukhang nabasa ni Elaine ang nasa isip ko nung oras na yun dahil tahimik itong tumawa sa kanyang sarili. Di ko nalang ito pinansin at sa halip ay hinarap ang itinadhana sakin ng Maykapal ah! Este si kuya Ramjay pala, hehe. Mukhang mas lalong siyang nabulagta at namutla sa nangyari. Yung tunay, sinong tinamaan, ako o siya?
Nginitian ko siya. “Okay lang po yun”
“Sure ka?”
“Huh? Ay opo! Okay lang po talaga, bakit naman po hindi, diba?”
“Ka-kasi..” Di niya tinapos ang sasabihin niya at sa halip ay may kinuha siyang panyo sa bulsa ng jogging pants niya. Dahan-dahan niyang ipinahid ito sa ilong ko at kinuha ang kaliwa kong kamay para palitan ang kamay niyang nakahawak sa panyo.
“Sige una nako, Leigh. Sorry ulit ha?” Sabi nito habang papalayo sa akin. Isang matamis na ngiti ang nakapinta sa labi niya. Hayyyyy, ang gwapo talaga niya. Di ko na namalayan, malayo na pala siya ay nakatitig padin ako.
“Leigh okay ka lang?” alalang tanong sakin ni Chelle habang papalapit sakin.
“Bhe more than okay!” sabi ko habang nagpipigil sa pagtitili, kahit naman ganung ka-epic ang nangyari, grabe naman yung magwala ako in public diba?
“Bhe sure ka talaga?” tanong naman ni Elaine habang inaayos ang pagkakasakbit ng bag ko sa likod ko. Infairness, panira moment na sila ah :P
“OO NGA. Bakit ba kasi??” medyo irita kong sinagot habang tinitingnan sila ng mabuti. Ano ba naman kasing hindi okay sa nangyari!?? Pareho silang di mapakali at di makatingin sakin. Anong meron?
“Bhe... kasi....”
“Ano, kasi ano eh...”
Sa halip na sumagot sila ng ayos, kinuha nalang ni Chelle ang salamin niya sa kanyang bag at ibinigay sa akin habang si Elaine naman ay mas lalong yumuko hanggang sa nagmistulang look-alike na siya ni Sadako. Marahan kong kinuha ang salamin at itinapat ito sa mukha ko. Hmmm, yun padin naman ang mukha ko ah: light brown skin, dark brown na mga mata, mapula (padin!) na ilong na may kaunting dugong tumutulo dala ng blessing in disguise este! Pagkakatama ng shuttlecock ni Kuya Laylo, OMG! Ang laki ng eyebags ko ah!?
.
.
.
0_0!
“AAAhhh! Dumudugo ilong ko!” pairit kong sinabi habang di magkaintindihan sa pagpapahid dito. Napatingin agad ako sa gym at dun ko nakita si kuya Ramjay na alalang nakatanaw sakin. That’s when it hit me.
“Awa na, please tell me dumugo ang ilong ko AFTER umalis si kuya Laylo” magmamakaawa ko sa dalawa na sabay nalang ngumiti at... umiling! T_T
Pandalas akong umalis at nagdire-diretso papasok ng accounting area kung saan andun ang main entrance/exit ng school. “Leigh!” dinig ko ang dalawa habang hinahabol ako, di ko na muna sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makalabas ako ng IDG building.
Nakakahiya yun sobra. Isipin mo naman, ang ganda-ganda ng iningiti niya sakin tapos ako...
DUMUGO LANG ANG ILONG?? T_T
Wala na ata akong maihaharap na mukha dun. Pero naisip ko lang naman, saan nga ba dumugo ang ilong ko? Sa pagkakatama ng shuttlecock o dahil ni-ACK! Ang Green-minded! NEVERMIND NA NGA LANG!
Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko
“Leigh! Hoy antay lang!” dinig kong sumisigaw si Elaine sa di kalayuan. Di ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Bigla akong nakadinig na pandalas ng pagyabag ng mga paa.
“Bhe!” irit kaagad nito nang ito’y makahabol sakin. “Okay lang yan”
Asus! Pustahan tayo kung ito ang dumugo ang ilong sa harap ni Niel malamang half-past suicidal nato ngayon -_- Nginitian ko nalang siya.
“WAIT!!!!!” Isang boses na halata mong tuminis na sa sobrang pagod ang nadinig naming umirit. Pareho kaming tumingin sa kinaroroonan ng boses at nakita si Chelle na pulang-pula na sa pagod sa kahahabol samin. Naglakad ito na parang ginagaya si Lotus Feet all the while pilit na binabalanse and sarili upang di matapilok. Takong pa eh XD
Hinintay namin siya makarating sa kinaroroonan namin at sabay-sabay nang lumabas ng school gate papuntang apartment nina Elaine. Aside sa library, iyon na ata pinaka-favorite naming tambayan kasi di lang ito malapit (asa likod lang siya ng university namin! Hehe), masarap din ang mga pagkain sa snackbar at dalawang karinderya sa baba nito.
“Siya nga pala,” sinimulan kong tanungin ang dalawa. “Bakit sumigaw lang kayo? Di niyo manlang ako tinulungan.” Medyo pa-pout kong tinanong sa kanila. Siyempre dapat may tampo effect para maguilty sila at ilibre ako ng ref cake sa snackbar pero pinagtaasan lang ako ng kilay ng dalawa.
“Dahil ayaw pa namin mamatay” sagot ni Chelle.
“Eh kung patayin ko kaya kayo ngayon!? Kapag may nainjure satin dapat nagtutulungan tayo!” pasinghal kong inareglo sa dalawa pero di padin nababa ang kilay nila. Hmmm, kung tatagalan pa kay nila, maninigaas kaya ang kilay nila in place?
“Kung tinulungan ka namin, di ka matutulungan ni kuya Laylo” pinatanda sakin ni Elaine. Ah.. Eh...
Oo nga noh, mapapatay ko nga sila kung nangyari yun. Napangiwi nalang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
“Bhe?” pabulong na tinanong sakin ni Elaine habang medyo idinidistansya kami kay Rechelle.
“B-bakit?”
“San dumugo ang ilong mo? Sa injury o sa-“ di ko na ito pinatapos at hinapyawan ko kagad sa braso. Hayy naku, kung alam mo lang kung gaano ko din gusto malaman ang kasagutan sa tanong mo.