Chapter 4

31.8K 1.1K 220
                                    

Chapter 4: First Day

I hate this day!

Paano ba naman kasi, ginawa na naman akong alalay ng apat na alien. Namumuro na talaga ang mga gago. Bweshit! Ang bibilis pang maglakad.

Nasa school na pala kami ngayon at nasa likod nila ako. Isipin niyo ah may bag ako tapos nakasukbit pa 'yong bags nila sa magkabilang balikat ko.

Juicecolored! Mapuputulan yata talaga ako nito. Lalaki ba talaga sila? Anong akala nila sa 'kin si Superwoman? Porke ba katulong ako aabusuhin na nila? Hindi ba nila alam na eskwelahan 'to at hindi mansyon!

"Hey Sisa, bilisan mo paglalakad mo diyan? Why so slow? Talo mo pa 'yong turtle." wika ni Luke na kanina pa pala ako pinagmamasdan.

Kung hindi ko lang talaga nakilala 'to baka napagkamalan ko na siyang bakla. Masyado kasing maarte 'yong choice of words niya. Iba talaga kapag mayaman. Tsss.

"Paano ako makakalakad nang maayos kung ang bigat-bigat nitong dinadala ko. Hindi ako super human. Hiyang-hiya naman ako sa brusko niyong mga katawan!" sarkastiko kong sagot.

"Nagrereklamo ka?" sabat ni Axel.

"Hindi. Manhid kasi ako eh. Hindi ko feel 'yong bigat ng mga bag niyo. Promise. Feeling ko nga magkaka-muscle na 'ko." mahina kong sabi pero sapat na iyon para marinig nilang apat.

Pansin kong nagbubulungan sila pero hindi ko na masyadong marinig dahil sa layo ng distansya ko sa kanila. Kung nakakakilos lang talaga ako nang maayos ngayon baka inumpog ko na ang mga ulo nila. Nakakainis!

Tahimik na lamang akong nakasunod sa kanila. Kahit anong reklamo pa kasi ang gawin ko, alam kong wala ring silbi. Hindi rin naman kasi nila ako pakikinggan. Sinasayang lang nila ang laway at pawis ko.

Ilang minuto pa ay napansin kong nagkukumpulan na 'yong ibang estudyante. Malagkit ang tingin nila sa 'kin siguro dahil ako lang ang taong nakasunod sa kanila. Nawala sa isip kong sikat nga pala rito sa school ang apat na alien na kasama ko sa mansyon.

Ano ba kasi ang nakikita nila sa kanila? They are not desserts to be treated as special. Ginayuma yata nila yung mga kababaihan dito sa school para mabaliw sa kanila. At sosolohin ko na naman ang lahat ng mapapait na salita nila. Leshe talaga sila!

"Who is she?"

Who you din? Hindi nga rin kita kilala eh. Pwede ba wag ka ng magtanong? Wala kang paki sa buhay ko!

"She's ugly. Ewww."

Wow. Nahiya naman ako sa kagandahan niyo. Ang kakapal nga ng foundation niyo to the point na nagmumukha na kayong bangkay sa purinarya. At ang malala pa, hindi nagco-compliment yung kulay ng mukha nila sa leeg nila. Sana all malakas ang self-confidence!

"Oh my god. She's a slave!"

Shock ka ba 'te? Wag mo ng ipagsigawan pwede? Alam ko na 'yon. Pero 'yong term dapat personal maid, hindi slave. Bobo mo te!

"How lucky she is!"

Ano raw? Kung wala lang akong dalang mga bag ngayon siguro natawa na 'ko. Seryoso ba siya? Ako? Maswerte? Sa apat na 'to? Juicecolored. Mala-impyerno na nga ang buhay ko nang dahil sa kanila!

"It means na araw-araw niyang nakikita silang apat. Nakakainggit. Sana all. Waaah!"

Oo. Araw-araw ko silang nakikita at araw-araw din nila akong bini-bwesit. Anong nakakainggit doon aber? Kung sila ang nasa sitwasyon ko naku ewan ko lang talaga. Baka tuluyan na silang madepress.

Grabe. Nagmumukha na talaga akong aso na nakalawit ang dila dahil sa bigat ng dinadala ko. Hello? Ilang taas-baba pa ba ng hagdanan ang kailangan para makarating sa classroom nila?

I'm Living with the Four Jerks (PUBLISHED Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon