Chapter 22

20.5K 714 94
                                    

Chapter 22: Poisoned

Third Person's_POV

Tuluyan nang nagkagulo sa loob ng nasabing party. Nagkaroon ng hindi inaasahang laban sa pagitan ng Reckless Demons at Evil Warriors kung kaya't mas bumigat ang tensyon sa paligid. Iilan lamang sa mga estudyante ang lumabas subalit karamihan ay nanatiling kalmado sa loob na tila ba'y nag-aabang ng eksenang magaganap.

"Is this how you welcome your new headmaster?" wika ni Mr. Merton habang nakaupo sa stage at pinagmamasdan ang nangyayari sa loob.

Hindi nito inakalang ganito agad ang masasaksihan niya gayong magsisimula pa lamang ang kanyang panunungkulan.

"I'm sorry sir, it was really unexpected. Sorry for ruining the party." paumanhin ng host sa gulong nangyari.

"It's okay. I'm having fun watching them."

Mayamaya pa'y dumating ang mga guards upang awatin ang nasabing gulo. Ilang minuto rin ang itinagal bago tuluyang humupa ang tensyon sa paligid. Hindi nagpaawat ang ilang estudyante at muling nagpatuloy sa pagsasayaw nang bumalik ang musika.

"Take care of her." wika ni Luke.

"Wait. Where are you going?" tanong ni Axel.

"I need to find him." tiim-bagang sagot nito.

"Samahan na kita." dagdag ni Zeke.

"No. Just stay here!"

"Sige na. Kami na ang bahala kay Siree." sabi naman ni Andrew.

Sinubukang sundan ni Luke ang lalaki sa labas ng chamber pero hindi na niya ito naabutan. Mabilis itong naglaho na parang bula. Ni hindi niya inakalang mawawala agad ito sa paningin niya. Sa kabilang banda, ay marahang kumatok ang lalaki sa pinto. Palinga-linga ito sa paligid na tila ba'y nababahala na baka may ibang nakasunod o makakita sa kanya.

Nang pagbuksan siya ng pinto ay dali-dali siyang pumasok sa loob.

"Kamusta ang ipinapagawa ko?" bungad ng isang babaeng nakaupo sa isang silya.

"Maayos ko pong nagawa ang misyon." sagot naman ng lalaki.

"Sigurado ka ba talaga? Hindi ka pumalya?" paniniguro nito.

"She have been poisoned." pagsisimula nito. "Ang buong akala niya ay isang simpleng wine lamang ang iniinom niya pero ang totoo ay nilagyan ko ito ng lason. Good thing, hindi niya ako nakitang pinalitan ang bote ng wine. Ilang minuto muna ang hihintayin bago tuluyang umepekto ang lason sa katawan niya. I even sealed her lips with a kiss before bidding goodbye."

"Masyado mo namang ginalingan ang iniutos ko. Hindi mo na sana ginawa ang bagay na 'yon."

"Mukhang effective nga ang ginawa ko. Nakalimutan mo na ba ang tungkol sa isa pa nating target?"

Sandali siyang napatigil at napaisip sa kung sino man ang tinutukoy ng lalaking kausap niya. Nang maging malinaw sa isip niya ang taong sinasabi nito ay mas lumapad pa ang ngiti nito.

"What about him?"

"Malakas ang kutob kong magkakilala silang dalawa. At dahil sa ginawa ko siguradong magkakagulo ang dalawang grupo."

"Maaasahan ka talaga kahit kailan."

"Siya nga pala, anong mayro'n sa kanila ni Luke at Siree?"

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Nakita ko siyang tinulungan si Siree nang bumagsak ito. Nakita niya rin ang ginawa ko. Mabuti na lang at hindi niya ako nasundan dito."

"Siguraduhin mo lang dahil kung sakaling nasundan ka nga niya, alam mo na ang mangyayari sa'yo."

I'm Living with the Four Jerks (PUBLISHED Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon