Chapter 27

19.3K 685 51
                                    

Chapter 27: Spy

Siree's_POV

Tahimik lamang ako sa loob ng kotse. Marami kasing bagay ang gumugulo sa utak ko. I can't even figure out the changes within myself. That unusual feeling na parang hindi mo inaasahan. It's like my body and brain are functioning differently. Ano bang nangyayari sa 'kin? Juicecolored!

I don't know why but I just feel weird kanina habang nagsho-shooting. Hindi ko naman nais puntiryahin ang kawawang asong iyon. I just found myself targeting it while hitting the main target too.

Wala akong ideya kung pano ko nagawa iyon. I was really nervous at first when I was about to pull the trigger. Besides, wala rin akong experience sa shooting. It was totally incredible!

Para akong sinapian ng mga sandaling iyon. It was like the other side of me is controlling my entire body. Sa halip kasi na maawa sa asong iyon ay may kung anong saya akong naramdaman lalo na nang makita kong naghihingalo na ito.

Other than that I was also wondered how I managed myself ng makita ko ang dugo nito. May hemophobia ako pero bakit parang wala akong maramdamang kakaiba kanina. I haven't fainted or feel dizzy after that which I found very weird.

Napatingin ako kay Ellen na nasa tabi ko na diretso ang tingin sa harapan.

Napansin kaya niya ang mga ikinikilos ko kanina? Pero baka tama ang hinala ko. She's acting cold after what happened. Nakaka-awkward tuloy ngayon dahil walang nagsasalita ni isa sa amin. Mukhang mawawalan na ako ng kaibigan. Juicecolored!

"Siree?" tawag ni Needy.

Napalingon agad ako sa kanya pero nakatuon ang tingin niya sa labas ng bintana. Hindi na lamang ako umimik at naghintay na lamang ng mga susunod niyang sasabihin.

"How did you do it?"

I feel like the blood in my entire body stopped for a minute. Does it mean hindi lang si Ellen ang nakapansin kundi pati si Needy. Anong pagpapalusot na naman ba ang gagawin ko? Juicecolored!

"Huh? Anong... ibig mong sabihin?" I refused.

"Yung kanina. Pano mo nagawang i-hit yung target with your eyes closed?"

Biglang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa tanong niya. Nakaka-hot seat!

"Ah.. yun ba? Ano kasi... Mahilig si Papa maglaro ng dart tapos tinuruan niya ako. Inisip ko na lang na dart yung nilalaro natin" I smiled fakely

I know it's not the first time ba nagsinungaling ako. Tama nga talaga si Luke, I'm not really good at lying. Feeling ko kasi nababasa nila ang iniisip ko. Juicecolored!

"Seriously?" bigla siyang humarap sa kin while raising her eyebrows.

Hindi ako umiwas ng tingin at tumango na lamang. Mas maghihinala kasi siya for sure kapag ginawa ko iyon.

"Pero bakit hindi mo sinabi sa 'min yun?"

Lagot! Ang hirap talagang makipag-usap kay Needy. Ang daldal masyado. Feeling ko any moment from now, mamamatay na ko sa kinauupuan ko.

"Nakakahiya kasi.." palusot ko

Buti na lang at tumahimik na siya. Sana nga hindi na sila maghinala pa at hindi na magtanong. Naguguluhan din kasi ako sa sarili ko. Fvck!

Kaagad akong bumaba ng kotse nang makarating sa mansyon. Kahit ano kasing pagtanggi ang ginawa ko kanina ay hindi nila pinakinggan. Nag-insist pa rin silang ihatid ako. Nakakahiya at nakaka-awkward at the same time but I can't help it.

"Maraming salamat! Bye" I said while waving my hand.

Napabuntong-hininga na lamang ako ng wala sa oras. Akala ko talaga mapapasubo ako kanina. Buti na lang at medyo okay yung palusot ko.

I'm Living with the Four Jerks (PUBLISHED Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon