CHAPTER FIVE

12.4K 271 0
                                    

"Ano pare kamusta yung binigay ko sayong babae ok ba ?"-ani tyrone.

"Pare iba talaga, bigla akong nawalan ng gana sa mga babae,ewan ko nasisira na ata ulo ko."

"Hahaha wow pare ! Iba na talaga yan,in-love kana nga sa taong dimo kilala,mahirap nga yan pare nakaka'abnoy"-ani tyrone na nakangiti at tinapik nito si vince sa balikat.


"Alam mo pare gutom lang yan eh,tara kumain muna tayo dun sa bagong bukas na resto."-pagaaya ni tyrone.at agad naman silang lumabas ng mansyon at sumakay na sa kotse.

"Pare bakit ba kasi di mo nalang ituon ang atensyon mo sa iba.ang hirap naman niyang pinagdadaanan mo,para kang nagmamahal sa multo na iniintay mong magparamdam ulit."

"Aaahhgg ! Fuck ! Bakit ba nangyayari sakin to?!!"-galit na sabi ni vince sabay palo sa manibela.

"Pare anong gusto mong kainin?"-tanong ni tyrone ng makapasok na sila at makaupo sa nasabing resto.

"Kung ano nalang din sayo"

Tinawag na nga ni tyrone ang waiter at sinabi ang mga order nila,habang si vince naman walang tigil ng linga sa buong resto na parang may hinahanap.

"Pare sino hinahanap mo ?"-tanong ni tyrone.

"Pare para kasing ayun yung babaeng sinasabi ko"-turo ni vince sa babaeng nakatalikod at kumakain mag'isa sa kabilang lamesa.

"Sigurado ka ba ? Bakit di mo lapitan?"-suhestiyon ni tyrone.

Nang makalapit si vince sa kinaroroonan ng babae..

"Ah..miss !"-ani vince sa babae sabay tapik sa balikat nito.

"Bakit ?"-limgon nito sabay tanong.

"Ah wala,pasensya na akala ko ikaw yung hinahanap ko"-sabi ni vince na parang nawalan na ng pag-asa.

"Ano siya ba ?"-ani tyrone ng makalapit si vince sa table nila.

"Hindi pare"-sabi ni vince at umupo na ng may panlalambot.

"Tara na kumain na tayo ! Wag muna isipin yon,mabuti pa niyan isipin mo nalakg isa lang din siya sa mga babaeng bayaran na na'ikama mo"-at iniabot na ni tyrone ang pagkain niya.

-------------------------------------------------------------

"Angela pakisabi kay ma'am di munako ako makakapasok ngayon,masama talaga pakiramdam ko."-ani hanna na akma na namang susuka kaya nagdiretso na ito sa lababo at tuluyang sumuka.

"Hanna gusto mo wag narin akong pumasok,samahan na kitang magpa check-up,tignan mo yang mata mo nangangalumata na.para alam mo nadin kumg ano nangyayari sayo."-suhestiyon ni angela.

"Siguro nga !"-sabi ni hanna ng matapos sumuka.

"Sige ako nadin ang magluluto,maupo ka nalang diyan"

"Angela ano ba niluluto mo bakit amg baho ?"-tanong ni hanna sabay takip sa bibig na parang masusuka na naman.At sumuka na nga uli.

"Tsk ! Tsk ! Iba na talaga yan hanna."-ani angela habang tuloy parin sa pagluluto.


Nang maka'kain sila,agad narin silang naligo at pumunta na sa isang klinika.

"Doc. Gusto ko lang ho malaman ang kondisyon ko,ilang araw na kasi akong nakakaramdam ng pagsusuka at pamimigat ng pakiramdam"-paliwanag ni hanna.Ng makarating na sila sa klinika.

At agad na siyang sinuri mg doctora.

Makalipas ang ilang minutong pagsusuri...


"Mrs.reyes congratulations ! You are 4 weeks pregnant!"-masayang bati ng doctor.


"Pregnant po ?"-di makapaniwalang tanong ni angela.

"Oo,sa ngayon maselan ang pagbubuntis mo kaya eto reresetahan kita ng mga gamot na dapat mong inumin"-at sabay iniabot ng doctora ang reseta.


Pero si hanna nanatili paring tulala at nangingilid na ang mga luha.hindi siya makapaniwala na talagang nagbunga nga ang kawalangyaang ginawa sakanya.

"Hanna halika na at bilhin na natin tong mga gamot mo.doc. thank you po"-ani angela sabay inalalayan na si hanna palabas ng klinika.

One Night Stand [ short story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon