CHAPTER TEN

11.9K 251 0
                                        

Sakay ang mag kaibigan ng isang airconditioned van,umarkila kasi ang mga kasamahan nila,wala rin namang masyadong traffic kaya maaga rin silang makakarating sa resort.

"Mars,malayo pa ba ?"-hanna.

"Malapit na,bakit?"

"Wala nakakainip na kasi,ang layo pala ng biyahe."

"Ano ka ba pag dating naman natin don,sulit ang pagod."

Samantala,sila vince,tyrone,at celine ay kararating lang sa resort.

"Bro,ano ok ba yung lugar?"-celine.

"Oo,relaxing yung lugar"-vince.

"Hoy kayong dalawa! Tama na yang chismisan niyo,tulungan niyo muna akong ipasok tong mga gamit natin"-sigaw ni tyrone habang buhat ang mga gamit nila.

"Akin na nga !"-padabog na kinuha ni vince ang mga gamit.

"Tyrone,bakit iisang lang  ang kwartong kinuha mo?"-tanong ni celine ng makapasok sa kwarto.

"Ayaw mo non,tabi tayo sa kwarto."-pagbibiro ni tyrone.

"Hoy kumag tumigil ka nga ! Dito tayong dalawa sa sala,ikaw celine diyan ka nalang sa kwarto."-vince.

"Pare naman,soon to be narin naman kami e."

"Che ! Soon to be mo mukha mo!"-celine.na pumasok na sa kwarto at nag-ayos ng mga gamit niya.

Habang sila hanna at mga kasamahan niya naman ay kadarating lang din sa nasabing resort.

"Wow mare,ang ganda naman !"-hanna.

"Sabi ko saiyo e,sulit ang biyahe,oh mag selfie na tayo!"-angela.sabay kuha ng cellphone niya,at nag picturean na nga ang dalawa.

"Oi magpaawat naman kayong dalawa,magpahinga muna tayo!"-sigaw ng isa nilang kasamahan.

"Hmp.k.j!"-angela.at tumawa sila ng malakas.

"Ano? Bakit di pa natin umpisahang maligo?"-vince.na naka suot na ng kanyang short na panligo habang topless naman na kitang-kita ang maganda niyang katawan.

"Let's go !"-celine.ng makalabas sa kwarto,suot naman niya ang kanyang two piece.at lumabas na nga sila.

Hindi naman magkamayaw ang mga kalalakihan sa resort sa pag tingin kay celine bukod kasi sa maganda at matangkad,lutang na lutang pa ang kaputian niya sa red floral two piece.

"Mars,tara na,maligo na tayo !"-angela na super excited.

"Saglit magbibihis lang ako."-sabi ni hanna,at nagbihis na nga siya ng maikling short at simpleng t-shirt lang.hindi halata na may anak na siya.dahil nanatili parin ang maganda niyang katawan.

"Mars,gusto mo bang maglaro muna tayo ng volleyball?"-angela.nang makakita ng volleyball net.

"Oo ba,nami-miss ko tuloy yung high school days ko."-hanna.

"O sige arkila muna ako ng bola"-pagkatapos nun ay naglaro na nga sila.bigla namang may natamaan ng bola ng mapalakas ang pag spike ni hanna ng bola.

"Ooouuuuccchhh!"-sigaw ng babaeng natamaan.

"Naku miss,sorry Di ko sinasadya!"

"ok lang kasalanan ko naman,dumaan pa kasi ako sa may naglalaro!"-celine.

"Basta sorry hah"-hanna habang hinihimas ang namumulang binti ni celine ng matamaan ng bola.

"Hehe ok lang talaga,sige na bumalik kana sa laro"-at umalis na nga si celine.

"Ano mars, nagalit ba yung babae ?"-tanong ni angela.

"Hindi naman,mabuti nga mabait eeh"

"Mabuti naman,mukha kasing mataray!"-at muli ay nag laro na sila.

"Oh celine bakit pilay ka maglakad?"-tanong ni vince ng makarating si celine sa cottage.

"Wala bro,natamaan lang kasi ng bola don!"-sabay turo ni  celine sa mga naglalaro.pero bigla nalang nakaramdam ng kaba sa dibdib si vince nang makita niya ang direksiyon ni hanna na nakatalikod.iba yung pakiramdam niya.muli na namang sumagi sa isip niya si hanna.

"Celine tara kumain kana !"-yakag ni tyrone at naghain na siya.

"Bro,may problema ba?"-puna ni celine kay vince na natigilan sa pagkain.

"Naku,inaatake na naman yan ng pagiisip niya kay hanna."-pang-aasar ni tyrone.

"Hindi wala,may naalala lang ako"vince.at nagtuloy na sa pagkain.



"Mars tara kumain na muna tayo? Tinatamad narin akong maglaro."-hanna.

"sige tara !".at nagpunta na nga sila sa cottage nila.

"Nga pala mars,mamayang gabi masaya dito may mga sayawan,fire dance,meron ding bar don oh,maglakad-lakad tayo mamaya?"

"Sige"-hanna.at kumuha na ng kanilang pagkain.




"Pare,tama na yang pagiisip mo kay hanna,ayan oh tamang-tama may bar doon,pumunta nalang tayo mamaya diyan,siguradong maraming chix.malilibang ka."-tyrone.

-------------------------------------------------------------

8:00 pm..

"Mars,bakit nakahiga kapa ? Dika ba sasama sakin maglakad-lakad?"-angela.Masyado kasing napagod si hanna sa biyahe kaya naghiga muna siya.

"Wait lang."

"Ok.hintayin kita sa may sayawan hah?"-at umalis na si angela.

Naisip rin naman ni hanna na wala nga siyang kasama sa kwarto,at boring narin,dahil ang mga kasama niya ay nasa labas at nageenjoy.tumayo at nagbihis na siya.pagkatapos ay lumabas na,nang may nakabangga sakanyang nagmamadali sa paglalakad.

"Sorry !"-celine.

"Ok lang !"-hanna.at humarap kay celine.

"Teka di ba ikaw yung nakatama sakin ng bola kanina?"

"Oo,pasensiya kana ulit"

"Ok lang,dito ba ang room mo?"-celine.

"Oo"

"Ah magkatabi lang pala tayo ng room,may kasama ka ba? Gusto mo sumama samin sa bar?"

"Hindi na,may kasama rin ako,pupuntahan ko nga sila sa labas e,"

"Ah ganun ba? O sige,tatawagin ko lang ang kuya ko"-paalam ni celine at pumasok na sa kwarto nila.Parang ang gaan ng loob ni hanna kay celine,parang gusto niya pa itong makilala ng lubos.ganun din si celine parang gusto niya maging kaibigan si hanna.

"Hoy bro,tara na ! Andun na si tyrone sa bar,kanina ka pa namin hinihintay e,"-tawag ni celine ng makapasok.at naupo sa sofa.

"Sige ubusin ko lang to"-vince habang nakatanaw sa bintana na may hawak na beer in can.

"Ano ba yan ! Sa bar nalang tayo uminom,nga pala bro,alam mo ba yung nakatama sakin ng bola kanina katabi lang pala natin ng room,mukhang bagay kayo.kasi maputi,maganda,simple lang manamit,chinita,matangos ang ilong,ang haba ng buhok,mga 5'7 ang height,sayang diko nga lang natanong ang pangalan,gusto ko siya maging kaibigan."-bahagya namang nayupi ni vince ang hawak niyang beer,wari niya'y si hanna yung tinutukoy ni celine,hindi niya kasi talaga nalilimutan ang mukha nito.interesado siyang makilala ang babaeng ito.

"Hoy bro,natulala kana naman!,tara na!"

"Sige sunod ako!"-at nagdabog nalang si celine palabas at si vince nanatili paring nakatanaw sa bintana.

One Night Stand [ short story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon