~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~#~
“Good Morning Philippines! Gumising na ang Diyosa ^______^” Sigaw ko.
Na ligo na ako at nag bihis ng Shorts na malapit na sa tuhod ang height at T-shirt na ma luwag. Mag lilinis kasi ako ng kotse, alangan naman na mag suot ako ng pants, edi ma babasa din.
Bumaba ako sa kwarto at na kita kong kumain si kuya.
“’Bat ganyan ang suot mo? Diba Sunday ngayon? Akala ko mag sisimba tayo?” sabi ni kuya.
Ayy! Oo nga! Sunday pala ngayon! Tsk tsk
“Sorry kuya, may gagawin kasi ako eh, importante masyado.”
Kumain ako ng mabilis at nag baon ng pandesal, para ma kain ko habang nag lalakad.
Eh malapit lang naman kina Dave eh, siguro mga 1 kilometer away lang.
Lumabas na ako ng bahay at nag simula ng mag lakad, at kumain ng pandesal.
Tinignan ko ang cellphone ko.
Malapit na pala mag 9 am san hindi magalit yun sa akin.
After5471430514 hours nakarating na din ako sa bahay nila. Grabe namangha ako! Ang laki eh! Well ganyan naman talaga ang mga mayayaman eh, pero hindi porket hindi ako mayaman, malas na ako. Psshh.. ang swerte ko kaya sa Pamilya ko! Hah! Kahit nasa labas sila ng bansa, nasa loob naman sila sa puso ko!
*ding dong* *ding dong* *ding dong* *Ding Dong*
Biglang may bumukas sa gate.
“Hello po mam, kayo po ba yung taga linis sa kotse ni Sir Silver?” Bati ng Maid nila.
Wow! TAGA LINIS NG KOTSE talaga ah! Tsss..
“Ahh.. Oo ako yun.” Sagot ko sa kanya.
“Mam, wala naman po sa mukha niyo eh. Sige po pasok na po kayo.” Sabi ng Maid.
Kung wala sa mukha ko, nag tanong pa siya! ! Jowk lang ate! ^__^V
Pumasok naman ako sa loob ng bahay nila.
“San si Gold ay este! Si Silver?” Tanong ko sa maid.
“Nasa kwarto po ata niya.” sagot niya “Sige po ma, maiwan ko na po kayo.” Sabay alis niya.
Na iwan ako ditong mag isa sa sala nila.
Puntahan ko kaya siya sa kwarto niya para malaman niyang nadito na ako at maka pag simula na akong mag linis.
Umakyat ako sa taas at nag check sa mga kwarto.
Isa isa ko talaga silang binuksan... wala siya, pero iisa na lang ang kwarto na hindi ko na buksan, siguro kwarto na niya ito.
*Tok tok tok*
“Dave?”
“Yuuhhooo! Dave?”
Grrr ! ang tagal! >_< ma buksan nga!
Binuksan ko ang pinto at..
O___o
ANG BAKAL NA CRUS NI JUAN DE LA CRUZ!
Biglang bumukas ang pinto at hinila ako ni Dave at sinandal sa may wall.
OMG OMG OMG OMG !!!
“Ah---“ Biglang tinakpan ni Dave ang bibig ko.Sisigaw na sana ako.
“Shhh ! Shut the F*ck up!” Sabi niya.
“Mmmm ! hmmmm ! HMMMMM!!!!” Sabay iling iling ko!
“Wag kang sumigaw, tatanggalin ko ang kamay ko sa bibig mo.” Sabi niya sa akin.