UD 11: Hindi 'to DATE!

22 1 1
                                    

Pagka dating ko sa bahay, nandoon si kuya naka face sa laptop niya na may ngiting pagka laki laki.

 “Huy! Para kang baliw diyan! Anong nangyari? Namatay na ba si Batman?” Tanong ko sa kanya.

“Higit pa doon Yanna! Wooohhooo!!! ” sabay sigaw niya.

“Tss.. bahala ka na nga diyan! By the way kuya, mag sisimba ako ah!” sabi ko.

Sana tapos na siyang mag simba para hindi siya sasama sa akin. Sana Sana Sana...

“Ok, tapos na akong nag simba kanina.”

“Ahh ok.” Tapos dumiretso ako sa taas para maligo muna then mag bihis.

Pagkatopos kong naligo, nag bihis ako ng sleeveless na may cardigan na gray ang color then nag pants at nag doll shoes. Nag blower ako ng hair ko para ma tuyo ang buhok ko.

Bumaba ako na may dalang shoulder bag.

Biglang tumingin sa akin si kuya at kumunot ang noo.

“Nagpapaganda ka ata?” Tanong nito.

“Alam mo kuya, hindi ko na kailangan mag paganada noh! Maganda na kaya ako!” 

“Sino ka date mo Yanna?” Tanong niya sa akin.

OMG kinakabahan ako! Wala naman talaga akong ka date eh! Pero may kasama akong lalaki! Kung sasabihin ko yun sa kanya, baka i sumbong niya kay mama!

“W-wala akong ka date noh! Mag sisimba ako, tapos may ka date?! Shunga lang??”

“Dianna Bianca Alvarez, may boyfriend ka na ba? Tanong niya sa akin.”

Shheeettt! Kinakabahan ako! Pero totoo naman ah! Wala naman talaga akong BOYFRIEND. Wala pa sa isip ko ‘yan noh! Im too young and fresh!

“Wala pa kuya noh! Sige aalis na ako! Bye!!” Dali dali akong umalis ng bahay.

Tumakbo talaga ako papunta sa kanto, buti na lang at nandoon na ang kotse ni dave.

Pumasok ako sa loob ng kotse niya. Ang akala ko, papaandarin na niya ang kotse, pero hindi pa niya pina andar eh.

“Huy! Dave! Alam kong maganda ako okey?  Over naman kong ma bighani ka sa beauty ko!”

Sabi ko sa kanya.

Kaya bigla siyang na gising sa pag pantasya sa akin dahil bigla niyang pina andar ang kotse niya.

“Kapal naman ng mukha mo. Na pansin ko lang kasi na masyado kang nagpapaganda.”

“Maganda na kaya ako!” Sabi ko sa kanya.

“Remember, hindi tayo mag de-date ha, mag sisimba lang tayo.” Sabi niya sa akin na nang aasar.

“I-I know RIGHT!? Ako nga ang nag yaya sayo para mag simba eh!” Ang kulit din nitong gwapong nilalang na ito!

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa simbahan.

“Baba ka na, simulan na ang date natin.” Sabay ngiti ng nakakaloko.

“Eeeiiiee!! Hindi ‘to date noh. Sigro gusto mo talagang maka date ako?!” Sabi ko sa kanya.

“Kung gusto mo, papayag na lang ako, wala naman siguro akong magagawa eh.” Sabi niya sabay tawa.

“Eeeiiee! Tara na nga! Mag simba na nga tayo!” Sabay baba sa kotse niya.

*Smirk*

“ ’Bat ang hilig mang asar ha!?” Sigaw ko sa kanya.

Umiling iling lang siya.

“Tara na nga.” Yaya niya sa akin.

Pumasok na kami sa simbahan, well, hindi pa naman nag simula ang Misa kaya umupo na lang kami. Anong gusto niyo?! luluhod?

I am the President ~ONGOING~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon