II

20 0 0
                                    

"Masarap magmahal at mahalin", luma na 'tong linyang ito pero tatak na sa mga kokote natin ito. Kapag may nagmamahal kase sa'yo, pakiramdam mo katanggap-tanggap ka bilang ikaw, may seguridad kang nararamdaman, at nagiging mas masaya at magaan ang loob mo kase alam mong may kasama ka sa paglalakbay mo sa magulong buhay. Di naman masama magmahal, iba-ibang pagmamahal kase ang gusto ng mga tao. May pagmamahal galing sa mga magulang, sa BF/GF, sa kaibigan, sa asawa, at sa anak.

Pero tutuon tayo sa pagmamahal na gusto ng karamihan. Yung pagmamahal na nagbibigay kulay at buhay sa isang tao, yung nagpapakilig sa kanila bukod sa pag-ihi nila. Pero may dapat tayong isaalang-alang dito at dapat tandaan ang tatlong bagay na ito:

Una,iwasan ang pagiging TANGA, maraming tao na ang nasisira ang buhay dahil sa sakit na ito sa utak. Oo, sakit to sa utak na napakasimple solusyunan. Pero dahil matigas ang ulo natin, nabubulag tayo ng maling pananaw sa pag-ibig dahil sa KATANGAHAN. Dati, nasa Top 10 ka sa klase nyo, 87 pa pinakamababa mong grado, maraming humahanga at pumupuri sa iyo kase isa ka sa mga pinakamagagaling sa paaralan nyo. Eh ngayon! 78 pinakamataas mong marka (may pasang-awa ka pa), madalas ka pang wala sa klase dahil lumalabas kayo ng BF/GF mo na sa kanto lang naman mamamasyal, madalas pa nga ikaw pa gumagastos (kapag babae ka). Tapos andami nang chumichismis sa'yo na Timer syota mo, kaso di ka naniniwala kase nga TANGA KA. Totoo naman sinasabi nila kaso uto uto ka lang talaga. Ano ka na ngayon? Ayan iniwan kana niya sa ere at nagkanda leche leche na buhay mo pati grades mo. Kase nagsawa na siya sa iyo, kase nakuha na niya gusto niya sa'yo o sadyang nabagot lang dahil easy-to-get ka lang. Ngayon, tulala ka sa kwarto, umiiyak, nagsasalita mag-isa, minsan pa nga di ka kumakaen at tanghali ang gising. Nakakaawa ka naman, pero HINDI! PINAGSABIHAN KA NA KASI NG MGA MAGULANG AT KAIBIGAN MO DI KA NAKINIG KASE NGA TANGA KA! (Di ako galit, nagsasabi lang ng totoo).

Mag-isip tayo, kuntrolin ang nararamdaman, huminga ng malalim at magdasal, nasa Diyos ang sagot sa lahat nang tanong, tayo lang maghihintay ng sagot. Kaya nga nasa ULO ang UTAK para UNANG GAMITIN. Pwera nalang kung tamad kang gamitin yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tips para sa mga Naniniwala sa ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon