Tips para sa mga Naniniwala sa Forever

53 0 0
                                    


These book was only giving an advice and OPINIONS about a healthy realtionship. Di ito ganun ka-accurate kaya kung di mo ito trip basahin ay ok lang.

Copyright reserved. Plagiarism is a crime

-Stupidisenough

*****

WAG MONG BABASAHIN, MASASAKTAN KA LANG

"Naniniwala na ako sa FOREVER,simula nung nakilala kita..." Eym syur, andami sa inyo ang kinikilig kapag kumakanta nito ang mga BF or Krass (Crush) nyo. Lalung-lalo na yung kapag maganda boses, daig pa nung babae yung nasa carnival rides kung tumili. Eh bakit ka nga ba di kikiligin girl kung ang kumanta ay si James Reid. Analyze natin ah: Gwapo (already given), matipuno (pinaglalawayan na nang mga girls 'to), maganda boses (matik na), magaling pa sumayaw, at higit sa lahat... may LAHI! Oh di ba totoo naman, yan yung gusto nang karamihan na babae yung tawid-dagat ang pinagmulan.

Eh ano nga ba talaga yung pinaka-basis ng pagkakaroon ng karelasyon at bakit ka pa naghahanap ng lalake/babae na magmamahal at masasabi mong "AKIN" at "FOREVER KO". Baka nakakalimutan mong ilang beses ka nang nabasted (hahahhaha kawawa xD joke!); nafriendzone (sorry, hanggang dun lang eh); naloko (uto-uto ka kase); at ginawang panakip- butas (band-aid ka? piso lang yun); at higit sa lahat, pinaasa (wala ka nga kase talagang pag.asa). Ilang beses ka na rin sinasabihan ng nanay mo na " itigil mo muna yang paglalandi mo at mag-aral ka muna", anung nangyare? Buntis ka! edi miserable na buhay mo. At masaklap pa dito, yung lalake biglang nawala na. Sigurado ako naghahanap nanaman yun ng lalahian nya.

Sa ibang banda naman, di dapat tayo masyadong nagpapadala sa ating emosyon o nararamdaman, nagkagusto lang sa'yo yung babae niligawan mo na. Pagkatapos nalaman mong pinaglalaruan ka lang kase mabait ka naman daw. Ikaw naman di mo malaman kung magagalit ka sa sarili mo dahil TANGA ka or magagalit ka sa kanya kase manloloko siya. Sa sobrang pagmamahal mo ayan napapamura ka nalang sa hangin. Alam mo ang kulang sa kabataan ngayon? UTAK! Kaya nga nasa ulo ang UTAK para mag-ISIP kung ano ang TAMA at MALI sa bawat ginagawa natin. Okay lang sumablay,magkulang,sumobra, at umulit kase di naman perpekto ang tao para maging matagumpay sa unang hakbang nya sa buhay. Ako nga hanggang ngayon trying hard pa rin na mahalin ako ng matematika eh, kaso ayaw nya talaga sa saken. Baka iniisip nya masyado na raw akong weirdo kaya di ko magets gusto nya. Pero gaya ng sabi ko, di tayo perpekto para di magkamali, tanga na lang umulit pa sa pagkakamali nya ; o sadyang matigas lang ulo nya na pinipilit nya pa rin sarili nya sa mga bagay na di nya deserve.

*****

Hindi naman masama magkaroon nang kasintahan kung ikaw may matinong pag-iisip at nasa tama kang dahilan para magkaroon. Kung nagkaBF or GF ka lang dahil sa ikaw na lang loner sa barkada, mali yan; o kaya naman naging kayo dahil umamin siya na may gusto siya sayo at bumigay ka naman, taken for granted lang yun, di yan tunay na pag-ibig.

Mas maganda pa ang Single kaysa sa Taken kung;

-Wala kang pera na sobra galing sa budget mo. Ang hirap kaya magdate ng kulang sa budget! Mag-asawa nga madalas tong pera na pag-awayan magsyota pa kaya. Mag-ipon tayo para sa kinabukasan natin at di para sa pakikilandian. Maraming oras ang paglalandi pero ang paghahanda sa tamang panahon ay umiikli.

-Dahil sa gustong maranasan. Sige lang pumatol ka lang sa kung sinu-sino at ligawan mo yung mga babae sa campus ninyo. Yan na huling beses na masaya ka dahil bukas makalawa alam na nilang G*G* ka!

-Kung kuntento ka sa inspirasyon lang. Maraming tao ang hindi nauunawaan ang salitang "Inspirasyon". Ang mga taong inspirado ay ang mga taong marunong maghintay sa taong nakatakda sa kanila, alam din nila ang sitwasyon at kalagayan nang buhay nila kaya alam nila ang prayoridad nila bilang anak, estudyante, at tao. Ito yung mga taong mahal ang kanilang sarili at dapat tularan.

-May pananampalataya sila sa Diyos. Pinakaimportante at pinakaumpisang hakbang bago ka magmahal ng tao ay mahalin muna ang Maylikha, dahil siya lang ang tunay na magmamahal sa atin hanggang sa huling hininga ng buhay natin.

Tips para sa mga Naniniwala sa ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon