Chapter 13 - Still sick...

217 6 0
                                    

Catherine's POV

"Dito po yung mga members ng Music Club at mga officer naman sa first bus"

Sa wakas lalarga nanaman kami at matutuloy na kaso letse yung sakit ko :(

Kasalanan talaga ni Camille to. Bwisit ako dun! Sa sobrang ginaw talaga sa pakiramdam ko kagabi wala akong magagawa kundi mag payakap sa kanya... Buti naman di tumanggi yun

"Oy Cathy! Pumasok ka na nga dito. Lutang ka nanaman" sigaw ni Angel

Nakakaramdam na ako diti kay Angel eh. Sa una yan badtrip pero pag nandyan si Samantha, kalmado yan.

"Amina yang bag mo" sabay hinablot ni Camille yung bag sa kamay ko at hatak sakin

"Pumwesto ka na dun sa upuan natin at uminom ka ng gamot" sunod na sabi pa niya

Umupo na ako dun sa pwesto namin at inilagay niya yung bag ko sa paanan ko.

Bumaba ulit siya kasama si Miss Linda para icheck yung mga estudyante sa kabilang bus.

Yung unang bus na to, Mga king and queen ng music at members namin. Ipinasosyal nila kasi may maarte -.- Di ko na babanggitin kasi kilala niyo na yun

Bumalik na ulit sila at lumarga na kami.

Hinawakan niya yung noo ko

"May lagnat ka padin. Gusto mo muna matulog? Malayo layo pa naman ibabyahe natin"

"Di na gusto kong makita yung tanawin papunta dun sa camping place natin" sagot ko

"Ehh mamaya pa naman yun. Gigisingin nalang kita. Kelangan mong mag pahinga...di ka makakapag swimming nyan"

"Naman ih! Oo na tutulog na nga" nag poker face nalang ako pero tama din naman siya kapag di ako nakapag pahinga.... WALANG SWIMMING! Sayang ang two piece.

Umidlip muna ako dito sa gilid ng bintana kaso ang galaw. Kulang nalang tanggalin ang utak ko

Sumandal ako sa upuan tsaka pumikit ulit kaso di ako makahiga ng maayos.

Ipinahiga ko nalang yung upuan

"Cathy! Iangat mo nga yang upuan. Masikip dito kay Samantha"

Reklamador! -.- Ibinalik ko nalang ulit sa dating pag kakapwesto.... Di talaga ako makatulog!

WAHHHHHHHH (Utak ko) -.-

"Dito ka nalang sa braso ko" tsaka siya umakbay sakin at hiniga ko nalang yung ulo ako sa dibdib niya.

Buti naman maalaga to kahit ako yung P.A niya

Magaan at masarap ang pag kakahiga ko. Yung feeling na pang habang buhay yung pag kakahiga ko.

"Hoy! masyado na kayong sweet dyan." sigaw ni Marcus

"Tumigil ka! Wala ka lang lovelife ginaganyan mo na ako." sagot naman ni Angel

Titignan ko sana kung anong nangyayari sa kanila nang bigla akong pigilan ni Camille

"Mahilo ka nyan. Mag pahinga ka nalang muna"

Tumango nalang ako at ibinalik ang pag tulog ko sa kanya.

Camille's POV

Mahimbing nanaman ang tulog niya sa tabi ko. Kasalanan ko din naman kung bakit siya nag kaganyan kaya ok lang sakin na mag alaga muna sa kanya ngayon.

"Psst!"

Di ko nilingon baka kasi iba yung sinusutsutan

"Psst! Camille"

Can You Love Me Back? (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon