Catherine's POV
Dumaan ang mga araw ng pag hihirap namin mga estudyante,
Ang Bagyong Math
Ang Lindol na Science
Ang Bahang Hekasi
Ang Duguang EnglishUGHHHH!
Malapit na akong makaramdam ng Brain Drain! Konting konti nalang pinipiga na ang ulo ko! Excited na nga ako sa mga mangyayari. Nakaplano na ang lahat! May pang swimming na ako kahit camping yan..... (Bali balita kasi may swimming pool kaya nag dala nadin ako ng pang swimming.), Nakabili nadin ako ng bag na pang camping, May rubber shoes nadin ako na pang mountain climb. YUNG FEELING TALAGA NA YUN EH! kaso lintek na bagyo yan! Sinuspend daw ang aming mahiwagang pupuntahan! Kaya ngayon nandito kami sa Gym...nag iintay ng mga balita dahil nastranded daw ang bus namin.
This time August na kasi.....I mean LAST WEEK of August na. Paalis na sana kami papunta dun sa camping kaso napag isipan pang dalawa nalang daw ang pupuntahan. Bale mga dalawang linggo, Sa Taal at Baguio para sulit din at naging 500 ang bayaran bale kaltas sa baon </3 pero ok lang this would be fun! <3
"Miss nagugutom na po kami." reklamo ng isang estudyanteng kasama namin para sa camping
"Pakainin na kaya muna natin sila" sabi ni Camille
Nag agree naman kami kasi pati kami gutom nadin at nag rereklamo na si Sophia ng dahilan nang pananagot niya "Masasayang lang ba ang 500 na ibinayad namin dito?"
"Sophia alam mo namang na stranded lang ang mga bus na ipinarent natin." sabi ni Camille habang kinukuha namin yung mga pag kain na ibibigay sa mga estudyante.
"Ohhh please. This is bullsh*t. Imbis na maganda ang magiging trip natin kelangan sakto pa sa rainy days? Walang kwentang presidente" pang babastos ni Sophia kay Camille
Nakita kong nag close fist si Camille pero hinayaan nalang niya ito
"Paki bigay nalang sa mga estudyante tong mga pagkain" at umalis siya ng parang bula sa paningin ko
Mga ilang minuto din kumakain ang mga estudyante sa Gym. Dali dali sila ng pag subo kasi sobrang sarap daw. Isama mo na ang dessert na buko pandan. In short, Mama ni Cams ang nag luto at nanay ko gumawa ng dessert para sa trip namin.
Si Miss Linda, Sir Billy at Sir Richard ay panay-kain din sa mga pwesto nila. Para ngang di mga incharge sa Music Club eh isama mo nadin ang tribo ng F8 yung dessert lang pero yung pag kain, mas sosyal pa sa superbowl ang pagkain nila.
"Si Camille pakainin mo nadin" sabi ni Jasmine
Natauhan ako dun.. Ilang minuto na nga pala siyang wala sa gym. Saan naman kaya napadpad yun?
"Teka hanapin ko lang siya ah?" pinaubaya ko muna sa mga kagrupo namin.
Lumabas ako sa Gym agad naman ako may natanaw na naka upo dun sa Bench at nag papa ulan.
So kanina pa pala nag papaulan to?!
Agad ko namang pinuntahan to nang may payong kasi mag kakasakit na tong letseng to.
Lumapit ako sa may Bench at tinignan ko siya. Medyo mapula pula na siya. Umiyak kaya to?
"Tumayo ka na nga dyan! Para kang t*nga dyan na nag papaulan"
Bingi ata to? Di ako pinapansin eh.
Nakita ko na may sinasabi pero di ko marinig to kasi parang bumubulong siya.
Hinarap ko siya. "Ano ka ba? Bato o Halaman?"
Ay jusko wala padin. Ipinayungan ko nalang siya at umupo nadin ako sa tabi niya. Bahala na mabasa ang damit ko. May pamalit naman.
BINABASA MO ANG
Can You Love Me Back? (GirlXGirl)
RomanceMeet Camille, The New Student of Irisbrook Highschool of Music. Nakilala niya ang babaeng nakakapag pakilig ng todo sa kanya na si Cath But si Cath ay masasabi nating straight girl, Matatanggap kaya ni Cath ang feelings ni Camille sa kanya?