Chapter 14 - Here we are!

341 9 1
                                    

Camille's POV

Nandito nadin kami. Si Catherine lang talaga yung tinitignan ko kung ok lang siya dun kay Marco...Feeling ko kasi hindi? Or nag aassume lang ako na ako yung higaan niya na hinahanap-hanap niya.

Hanggang higaan nalang pala tong iniisip ko -.-

Hinayaan ko nalang siya dun. Tutal crush niya naman yung kasama niya eh tsaka manliligaw niya.

HAYS! Bakit ba ako naiinis?!

"Ok guys. Pwede na tayong bumaba" - Miss Linda

Bumaba agad ako para icheck ang mga members sa kabilang bus kung may nasuka or masakit ang ulo dahil sa byahe.

Nung nandito na ako sa bus na isa, Natanaw ko na inaalalayan ni Marco si Catherine pababa.

Sumunod agad si Angel at Samantha. Bago pumunta si Angel sa bench, tinanaw ako nito at sinabing "Wawa ka naman" tapos tinuro si Catherine na nakahiga sa braso ni Marco.

"Mamaya ka saking loko ka" pabalik na sagot ko kay Angel

Pinababa ko na ang mga members at pinaupo sa mga kubo na mamaya'y pwesto na nila.

Lumapit ako kay Catherine para icheck kung may lagnat pa siya.

Medyo mainit-init pa siya

"Marco, pwede ko ba muna siya pahigain sa Tent?"

Para naman makasama ko -.-

"Sige. Tayo mo na muna yung tent niyo"

Lokong to! Ako inutusan -.- Wala din akong magawa kundi ayusin talaga tong tent namin at kelangan pang mag pahinga ng dyosa na nakahiga sa syokoy -.-

"Bakit ba kasi siya pa?" Pabulong na padabog kong sagot habang inaayos ko tong tent.

"Kasi siya eh" Napausog ako sa gilid ko at di lang yun nauntog pa ako sa kahoy ng kubo

"Bayan! Angel pwede bang tigilan mo yang pasulpot sulpot mo sa tabi ko?! Nakakasira ng moment"

"Ehh bakit ba kasi ikaw nag aayos nyan? Utusan mo si Marco oh. Mamanyakin lang niya yang Cath-Cath mo kapag wala ka sa paligid niya tsaka silang dalawa lang dun oh"

Tinignan ko sila dun sa bench. Kung tutuusin para pa ngang napaka gentleman netong si Marco eh.

"Di naman siguro magagawa ni Marco yun"

"You don't know anything pa Camille"

Parang sumampal sa mukha ko yung sinabi ni Angel. Baka nga meron?

"Kung ayaw mo, ako nalang mag aalaga kay Cath sa tent namin. Change partner tayo"

"Oo na pupuntahan ko na ah? Ako nalang. Wag na ikaw"

"Pupuntahan naman pala eh" tapos ngiti ng loko si Angel "Well, ikaw na bahala sa Leader naming mahina ah?"

Napa-pamewang nalang ako. Di ko din kasi alam sasabihin ko tapos problema din tong net tapos may alaga pa akong nandun sa syokoy.

Bahala na si Batman..

Pumunta ako kay Marco "Marco pwede ikaw mag ayos ng tent namin? Di ko kasi kaya eh"

"Kela Caleb at Shin. Pwede kang humingi ng tulong" sabay nguso dun sa dalawang kumakain sa kubo

"Ehh ikaw lang maaasahan ko" nag pa sad face pa ako para lang maawa siya.. Please lang nakakasuka maging malungkot! PUMAYAG KA NA T.T

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can You Love Me Back? (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon