Chapter 6 - P.A? Personal Alalay?!

410 13 1
                                    

Continuation of Cath's POV


Pinapasok kami sa room kung saan siya pansamantalang pinag-papahinga. Mag iilang oras nading nag iintay yung mga barkada ko dahil ang tagal dumating ni tita eh. 


"Nako Cath, Anong oras na papagalitan na kami" pag rereklamo ni Marcus

"Ehh guys! saglit nalang to oh! Samahan niyo na ako.." Nag papacute na ako sa kanila lahat lahat ng maawa pero waepek

"Aalis na kami. Tutal ikaw naman may kasalanan niyan kaya mag dusa ka dyan! HAHAHAHA" Tapos binelatan ako. Letse tong si MC 

"Balitaan mo nalang kami Cathy ah?" Sabi ni Angel 


Tumango tango nalang ako kasi wala din naman akong magagawa para pigilan sila 

Kumaway kaway nalang sila sakin palabas ng pintuan

Ako naman nandito pinag mamasdan siya. Cute naman siya eh ^_^ yung mga cheeks niya ang fluffy kaso ano ba tong pinag gagagawa ko sa kanya -_- Nabwisit naman ako kamalasan eh!


*Mom Calling*


PAKTAY! Di pa pala ako nakapag paalam!!!!


Nako nako tumalikod muna ako


"Hello ma...?"

-OY CATHY! ANO MAY KATANAN KA NA? AT WALA KANG BALAK UMUWI?


Sabi na eh -_-


"Ma sorry di ako nakapag paalam ahh ehh kasi naaksidente yung bagong student sa school namin"


-HA? Anong nangyari? Ikaw ayos ka lang? Wala kang sugat? Nako mga kabataan talaga! 

"Anong pinag sasasabi mo ma? *Facepalm* Ayos lang ako..Di ko lang siya maiwan kasi sabi ng mama niya dito daw muna ako. Wag ko daw siyang iiwan" Pag papaliwanag ko


Ayon narinig ko parang nabuhayan naman


-Ohh siya anak sabihin mo kung saang ospital yan tapos pupunta ako dyan bukas at ikwento mo sakin ang buong nangyari 


"Sige po"

Sabay baba ng telephone


"Hayss buti nalang naintindihan ni mama" Tinago ko na yung phone ko sa bag ko at umupo sa sofa na nasa gilid


Nakakaramdam na ako ng antok hanggang sa napag pasyahan kong matulog na 

Camille's POV


Nagising ako dahil may naririnig akong ingay 


Masakit yung ulo ko. Lintek na mga upuan kasi yan nakakalat sa music room 


Pag gising ko nakita ko sa tabi ko si Cath. Ang lakas humilik! Ayan pa naman ayaw ko! Kaya mag kahiwalay kami ng kwarto ng kapatid ko kasi lalakas humilik


Pero ayon cute humilik. Tulo laway AHAHA


Tumayo ako. Nakita ko sa gilid yung bag ko. Nandun naman yung phone ko kaya kinuha ko ito at pipicturan si Cath 


*Click* *Flash*


Ayan hahaha!! Kawawang Cath. Malalaglag na sa kama ang loko. Kakahilik kasi eh 


Inayos ko lang siya sa pag kakahiga niya at kinuha ko yung Unan sa kama ko tapos kinumutan ko siya at pinunasan ko din yung tulo laway niya 


Paliwanag nadin pala. May nakita din akong pag kain na Chowking sa side table ko 

Can You Love Me Back? (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon