Chapter 3 - I'm his personal maid >____<

17 3 0
                                    

Chapter 3

Ghaaad. Hindi pa rin ako maka-move on na kilala ako ni Stanley! OMG! OMG! :DDDD

"Hoy, mata. Nagse-space out ka na naman. Saang planeta ka na nakapunta?" Tapos nagtawanan sila ng kaibigan niya. Andito pala kami sa room and katabi ko lang si Cronus. Tinitigan ko lang siya ng masama at sumagot..

"Ano naman sa'yo? Sama ka? Naisipan mo na bang bumalik sa planeta MO?" and after my pagtataray, inayos ko ang aking oh-so-precious na salamin at inirapan siya. Mehehe.. Kahit bullied ako, palaban din ako noh. :P Pero minsan lang. 'Pag natripan ko. XD

"Woah~ Pare, sinasagot-sagot ka na oh!" sabi ni Drake, yung base guitarist ata nila sa banda nila and at the same time, eh, katropa rin ni Yabang. =________="

"Huh.. Hayaan mo sya. Lagot sa akin mamaya yan," then he smirked. Nakita ko lang sa gilid ng mata ko. ^____^v Tss.. Bumulong pa, dinig ko naman!

"Mata," tas kinalabit niya ako.

"ANO?" nagtitimpi kong tanong.

"Mamaya, sa likod ng Gym, pumunta ka. May sasabihin ako sa'yong importante. 'Pag 'di ka pumunta don, lagot ka sa akin," nagbabanta niyang sinabi. Leche talaga 'tong lalaking 'to. -________-"

"Oo na. Kanina mo pa sinasabi 'yan eh," sagot ko.

"Nire-remind lang kita. Tss.." sagot naman niya sa akin tapos humarap na ulit sa mga katropa niya at nakipagtawanan at nakipagkwentuhan. Haaaay.. Bakit ba hindi ako makaalis sa tabi ng kumag na 'to? Ang ingay-ingay tapos lagi pa akong binu-bully. Hmp. Naman kasi ah..

Bakit ba ako pumayag na maging PERSONAL MAID niya? :'(

I love H.E.R  ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon