Chapter 6
Hermione’s POV
"Uhmm.. Pwede mo na po sigurong bitawan 'yung kamay ko po?" tanong ko kay Ron. Paano, naghabol pa sa pinto, eh, isasara ko na nga. Edi ayan, nahawakan niya tuloy kamay ko. Haha! Nagkulay pula si Koya. Nahiya ata. :P
"A-ah.. Tss. Bakit ka ba kasi nahawak sa pinto? Tsk! Alis na nga!" at?! Ako pa nasisi eh noh? Grr! -______-
"Edi sorry po! Hmp! Dyan ka na nga. Naghihintay 'yung bisita mo sa baba, PO!" dinagdag ko 'yung po para pang-asar. Haha! Tumalikod na ako after kaso hinawakan niya ako sa braso.
"Saglit. Akala mo makakaalis ka ng basta-basta? Tara, samahan mo ako sa baba," sabi niya atsaka ako hinila papunta sa hagdan.
"Ha?! Bakit?! Uy, wait! Baka malaglag naman tayo dito! Nais ko pang mamuhay, magtapos ng pag-aaral, makapag-asawa, makapagtrabaho, magkaanak, magnegosyo, pumuntang ibang bansa.. Waaaaaah! 'Wag mo akong ilaglag!" sigaw ko habang pababa kami. Paano ba naman, nung nakalapit na kami sa hagdan, bigla ba naman akong binuhat na parang sako ng bigas? Paano kung ma-out of balance siya? Edi laglag kami pareha? Worst is, pwet ko ang unang babagsak! Mabaog pa ako ng wala sa oras. Gusto ko pang magkaanak ng kambal noh! T^T
"Ang ingay mo! Ayan na oh!" sabay binaba niya ako pagkadating namin sa pinakaibaba. Inayos ko naman ang salamin ko. Bwiset na lalaking 'to! >o<
"Nakakainis ka! Paano kung nalaglag tayo dun? Paano na ako? Hmp!" tapos nag-crossed arms ako at nag-pout na tumalikod sa kanya. He laughed.
"Eto naman! Akala mo naman kataasan 'yung hagdan! 'Di ka mamamatay dyan noh. Mapipilayan ka lang. Tss.." sagot niya tapos nilapitan niya ako at kiniliti. Oo nga pala, 'pag good mood 'yan si Ron, hinaharot ako niyan. Haha! Adik yan e. :D
"Kyaaah!~ Tigil na! Ayoko!" sigaw ko habang tumatakbo. Hinabol naman niya ako.
"Hala! Ayan na ako! Takbo!" >:D
"WAAAAAAAAAAAH!" T^T
"Ehem.." Napatigil kami pareho dahil sa may tumikhim. Uh-oh.. >o>
"Uhm.. Hi Fritz! Hehe~ Sorry," sabi ni Ron. Hmm.. Biglang pa-impress ang loko! XD
"Hi! Gusto lang kasi sana kitang kausapin about sa groupings natin, eh," sabi ni Fritzelle. Ahh.. Oo nga pala. Magka-group sila sa I.P (Investigatory Project) namin for Physics. Hmp. Pahirap talaga yun si Sir Ono. Paano ba naman, July pa lang may pa-groupings agad for IP! Hmp. Oh well, mukhang 'di na ako kailangan dito. :P
"Uhh.. Ge, punta muna akong kwarto ha. Lilinisin ko muna. Mehehe~ Bye!" sabi ko. Tumingin si Ron sa akin, pero nakatingin ako kay Fritzelle. Hmm.. Ba't ang sama ng tingin nito sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kanya? O.o? Nung napatingin sa kanya si Cronus, ngumiti siya bigla. Hmm.. I smell some burning PLASTIC in here. -_____-
"Bye!" sabay wave ni Bruha. Kekeke~ Edi plastikin na rin! >:D
"Ukeeeeey.." sabi ko saka tumalikod.
Now, what? San ako pupunta? Ang linis naman ng kwarto ko, eh, saka..
Gusto ko pang maka-bond si Ron. :( :/ :|
BINABASA MO ANG
I love H.E.R ♥
HumorAng istorya ni Cronus, ang batang bibo sa Unang Pag-ibig na short story ko. HOHOHO! :D Sana ma-enjoy nyo. ;) <3