Chapter 4

165 4 0
                                    

"Wensh! Gising na!"

"Ano ba? Sabado na kaya. Matulog ka nalang ulit." sabi ko at tinakluban ang tenga ko ng unan.

Niyugyug ulit ako ni Liss. "Ano ba Wensh? Game day today! Against NU."

Napabangon ako. "Ha?! Seryoso?!"

Omygosh! This is it!

"Oo, kaya go girl! Ligo na!"

*San Juan Arena*

"Nandito na kaya siya?"

Lingon ako ng lingon sa kaliwa't kanan ng arena pagkapasok namin. I'm not sure kung nandito na talaga siya.

"Ano ka ba naman, Wensh? Syempre wa--*tingin sa kanan* Omygosh!!" sabi ni Liss at pinapalo ako sa braso.

"Ah-aray aray! Liss, ano ba-aray!" sabi ko habang pinipigilan siyang tumigil sa pagpalo sakin.

"W-wensh, s-si ano!"

"Ha?! Sure ka?! Nasaan?!" pasigaw kong sabi at naghanap sa crowd na dumadating.

"Gaga, halata na tuloy na ineexpect mo siya. Yan kasi!" sabi ni Liss at binatukan ako.

"Sorry ha? Binibigla mo po kasi ako." sabi ko at inirapan siya.

Sumilip kami sa labas at pinaikot-ikot ang tingin. Ayoko po umasa Lord.

"Wensh! Liss! Pasok na kayo. Warm ups na." tawag ni Coach samin.

*warm ups*

"A wonderful afternoon to all of our viewers today, Boom! Mukhang prepared all teams natin ah."-Mozzy

"Sure ako dyan Mozzy. Games today: National University Bulldogs versus the defending champs, De La Salle Lady Spikers. Next, Ateneo Lady Eagles vs UP Lady Maroons."-Boom

"Now let's talk about the players, Mozzy. Mukhang nagkainitan last game si Chloe Cortez of the Lady Tigresses at si Wensh Tiu ng Lasalle. Halos matunaw ang TIUnami natin sa mga tingin ni Chloe e." tawa naman ni Boom.

Aish. Ayoko na pakinggan 'to, ibabalik na naman dun.

"Siguro naman may reason behind those staredowns Boom. Baka gameface lang talaga si Chloe nun." sabi ni Mozzy. Yeah right.

*after a few minutes, pinalabas na sa dugout ang teams; introduction*

"And our starting players for the Lady Spikers! Number 7, Michele Gumabao. Number 1, Mika Esperanza. Number 3, Mika Reyes. Number 8, Ara Galang. There captain, number 2-Aby Maraño. Number 17- Wensh Tiu! Their libero, number 5-Liss Gohing."

Tumingin ako sa crowd. Madaming tao, maingay. May NU side, may DLSU naman. But where is he?

"Ano, Wensh? Nakita mo na ba?" sulpot ni Liss sa likod ko.

"Shh! Ingay mo, mamaya na siya. Focus tayo sa game." sabi ko at pinilit na binalewala yung hinahanap namin.

"Ay wow! Ngayon ko lang narinig yan sa bunganga mo Miss Tiu. Nakakatuwa ka nemern, hahahaha!"

"Shut up, Gohing." sabi ko at tiningnan siya ng masama.

Nung una nagfocus ako sa game. Normal receives, awesome digs by Liss (flattered yan), powerful spikes na palitan ng NU.

At eto na po, sesetan na ako ni Mika hahahaha! Nagapproach ako and beng!

"Oh and Wensh Tiu scores again! The game ties at 15-15 in the first set."

Where Do Broken Hearts GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon