Jeric's POV.
Did I make her feel bad? Napikon ba siya? Sumobra na ba ako? Argh! Dammit! Ang engot engot ko! I shouldn't have teased her like that. Bad joke, bad bad joke.
"Huy!"
"H-huh? What?"
"You sure you're okay? Mukha kang zombie dyan, swear. Kung hindi kita kaibigan or teammate, I would have probably ran away from you." sabi ni Kevin. Pumasok ako sa cr at tiningnan ang sarili ko. Aw shit I really do look like a zombie.
"Uhh y-yeah. I'm okayy. Puyat lang 'to." I tried to convince him. Pero mukhang hindi siya makumbinsi at tumayo lang dun habang siningkitan ako ng mata.
"Puyat? Or may pinagpuyatan?" asar niya. And there he goes again, with his famous teasing smile. At tinaas baba pa ang kilay.
I then remembered Wensh's reply.
"From: Wensh Tiu
Nakakaasar ka na. Bye."
Ang lakas ng epekto ng text na yun. Para bang binuhusan ako ng malamig na tubig, idagdag pa ang coldness ng reply niya. Like what the actual fuck, Tiu?! Ba't ganito epekto mo sakin?
I sighed. "Galit sakin si Wensh. More like, napikon." sabi ko at napakamot sa batok. Bigla namang nagpoker face si Kevin sakin. "Ano na naman bang ginawa mo? Yan tuloy napikon yung babae tsk tsk tsk."
"Inasar ko kasi na crush niya ako. What's the big deal about that?" tanong ko. Ano nga ba? I don't understand girls talaga. They're too confusing!
"Ano ka ba Jeric. Isa lang ang ibig sabihin nyan." sabi ni Kev at nagsmirk. He patted my back, "Crush ka ni Wensh." nanlaki ang mata ko. A-ako? C-crush ni Wensh?
Tiningnan ko si Kevin. Mukha naman siyang seryoso. Ganun ba talaga mga babae? Kapag inasar mong crush ka niya tapos napikon in return, totoo yun? WHAT???
"*bursts out laughing* Kidding!! HAHAHA! Grabe yung mukha mo Jeric! Priceless!" tawa niya. Hayop talaga 'to. Napaniwala ako! Binato ko siya ng unan at pumasok na ng cr pero bago pa ako makaligo, narinig ko ang sabi niya.
"Apektado ka talaga, Jeric! Lakas na ng tama mo kay Tiu ha, HAHAHA!" Since nasa cr naman ako, umiling ako at napangiti kahit hindi kita ni Kevin.
Man. Do I like her?
Wensh's POV.
"Goodmorning Wenshy!" masayang bati sakin ni Liss. Makikita mo sa mata niya ang excitement, ano kayang meron today?
Napahikab ako. Inaantok pa kasi ako e. This damn jerk ruined my day, at hindi ako nakatulog kakaisip. Why is he messing with me?
Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig. After that, nakita ko sila Aby, Mich, Ara, Mika at Kim na puro may ginagawang papers.
Binuksan ko ang TV at napansin kong lahat napatingin sakin. "What?" tanong ko sakanila. Tinaasan naman ako ni Mich ng kilay.
"Can't you see we're busy with something? Madidistract kami nyan Wensh." sabi ni Mich. Stupid me!
"Ay sorry! Sige I'll go upstairs nalang." sabi ko at pinatay na ang tv. Nakasalubong ko na naman si Liss sa hagdanan.
"Wensh....." she called me. I have a bad feeling about this. May kailangan na naman 'to, oh Lord.
"What now, Miss Gohing?" sabi ko and crossed my arms on my chest.
"Since lahat naman sila busy, and others have their own places to go to....can you come with me? Please please please!" sabi niya at kinulit ako.