Wensh's POV.
"I wish that I could wake up with amnesia!! And forgot about the stupid little things!!" sigaw nung kung sino man ang nasa CR ng dorm namin.
Haist. Pwede ba! Wag naman kayo makijoin sakin. Ako lang dapat ang nagsesenti, wag epal please huhu.
"Oh Ate Wensh, bakit ka naiyak dyan?" napaangat ang ulo ko sa nagsalita. Ah, si Camille pala ang nasa cr kanina, no wonder panget ang boses, hahaha joke.
"Huh? Naiyak? Hindi no."sabi ko at hinawakan ang pisngi ko. Ay oo nga, basa ang pisngi ko. Pero hindi ko iyon pinakita kay Cams.
"Sure? Okay! Baba na ako ate ha? By the way, may training tayo later. 4pm." Sabi niya sakin at nagsmile. Yung concerned ba. Nagsmile nalang rin ako sakanya.
Nang makaalis si Camille sa kwarto, dun na ako umiyak. Grabeng sakit 'to. Bakit ba kelangan ko pa to maranasan?
"Wensh? Okay ka lang b--oh my. Huy Wenshy! Anong nangyare sayo?!"Sht.
"A-ah. Wala to Mich, baba ka na. Susunod na ako."Sagot ko at tumayo para kumuha ng damit. Pigil pigil ng iyak Wensh. Pigil lang.
"No. You're not okay. Ikwento mo na sakin yan." pagpipilit ni Mich. Argh.
"Ano ba Mich? Wag mo na akong pilitin kung ayaw ko. Please lang."sabi ko sakanya at padabog na sinarado ang pinto ng cr.
Napaslide ang likod ko sa pinto at naluluha parin ako. What's happening to me?
Jeric's POV.
Here I am, naglalakad sa loob ng Taft. Grabe, feeling ko traydor na ako ngayon. De joke, hahaha! Bibisitahin ko lang si Shoti, matagal-tagal ko na kasi siyang hindi nakikita eh. Ew, clingy ko. Tsk. Makabili na nga lang sa cafe nila.
I was admiring the place nang mahagip ng mata ko ang isang babaeng nakaupo sa loob ng cafe, nakatitig ng masama na--ewan ko ba. Parang galit na nasasaktan? Oo, ganun na nga. Nakatingin siya sa isang lalakeng kaholding hands ang isang babae habang naglalakad.
Ex kaya niya? Imposible naman. Baka idol o crush! Tapos hindi niya matanggap na may gf. Oo, tama baka ganun nga. Baka lang naman.
Napansin kong naluluha luha na siya. Grabe ang OA nito! Dapat hindi iniiyakan yang mga lalakeng ganyan.
Tumingin ako sa lalake. Psh, di naman gwapo. Nung titingin sana ako sa pwesto ng babae..
*BOOOOSGH!*
"A-ahm. Sorry."Sabi nung nakabangga sakin. Teka, yung yung babae ah! Napatingin ako sa lalake, nakatingin siya dun sa nakabangga sakin.
Nung napatingin yung babae dun sa lalake, iniwas niya ang eye contact nila. Anong meron?
Sinundan ko ng tingin ang babae, pulang pula ang mukha niya ang umaagos na ang luha. Nagulat nalang ako nung...nahimatay siya.
Nataranta ako. Buti nalang at hindi pa ako nakakaorder kaya dali dali akong tumakbo papunta sa babae. Pinalibutan na siya at walang nagtangkang tumulong sakanya.
"Excuse. Excuse me po."sabi ko sa mga nakaharang at maingat na pinaipod. At nakuha ng atensyon ko ang lalaking may kaholding hands na babae kanina na shocked ang expression. Sinamaan ko siya ng tingin.
Binuhat ko ang babae na iyon. Wow, light as a feather. Umipod lahat ng nakapalibot, "Saan po ang clinic dito?"tanong ko.
May lalaking nagturo sakin ng direksyon at nagpasalamat ako.
"Sir, pakidala nalang po sa vacant bed." sabi nung nurse. Dahan dahan kong nilapag ang babae. Tiningnan ko ang I.D. niya, "Jeushl Wensh A. Tiu"
Ngayon ko lang nalaman na siya pala ang famous 'TIUnami' ng Lady Spikers. Di ko siya narecognize nung una ah.
Nagscroll nalang ako sa Twitter ko. Hmm, search ko kaya siya? Ayun nalang ang ginawa ko.
"@JWenshTiu" Yown! I clicked the follow button. Ang ganda pala talaga niya. #17 ang jersey number and has many supporters.
"Hmm.."Napatayo ako. Gising na pala siya.
Nagulat siya nung nakita niya ako, "A-anong ginagawa ko dito?"Sabi niya at umayos ng upo.
"Nahimatay ka miss. Nakita kita dun na pinapalibutan ng mga tao. That's why I brought you here."
Tumango nalang siya. Nung tatayo na siya, medyo nagwobble ang legs niya at napakapit sakin. "Captain niyo si Aby right?," tanong ko at tumango siya, "Sabihin ko nalang sakanya lahat ah? Kung may training kayo, ieexcuse nalang kita."
Nagsmile siya sakin, and a sincere one. "Thank you. Pero hindi mo kelangan gawin to." sabi niya.
"It's okay lang naman. Saan ba dorm niyo?" napatigil siya. "Haha, alam ko ang nasa isip mo. Ihahatid kita."
Wow. Ako ba 'to? Ang bait ko ngayon grabe. Woot! New acheivement.
"Okay."
Inalalayan ko siya papunta sa sasakyan ko. I guess, next time nalang ang pagbisita ko kay Jeron.
The ride was...quiet. "Ahm, dun na yung dorm."Tinigil ko na ang sasakyan. Pinagbuksan ko siya ng pinto.
I heard her mumble a 'Thanks'. Binuksan niya ang gate. "Okay ka lang ba kung magisa ka?"Tumango siya. I think she's the silent type.
"Thank you, ahm. What's your name?" tanong niya sakin. Seriously? She doesn't know me? Hindi naman sa pagmamayabang pero, I'm the King Tiger.
"Jeric. Jeric Teng."
"Ahh. Thank you Jeric. And nice meeting you, I'm Wen--"
"Wensh Tiu. I know."sabi ko and smiled.
She gave me a confusing look. "Paano mo nalaman ang pangalan ko? Stalker ka ba?"
"Your I.D. says so missy. Wag ka mangarap na isastalk kita."sabi ko at tumawa ng mahina.
Inirapan niya ako, "Tss. Yabang! Ge, bye. Chupe!"
Nagsmirk ako. Sumakay na sa kotse and waved goodbye.
Dumating ako sa dorm. "Lakas mo pre! Wensh Tiu talaga? Grabe!"bati sakin ni Kevin. Wait, how did he know?
"Pre, it's all over Twitter!"sabi niya sakin at pinakita ang phone niya.
Twitter:
"@GreenBeasts: Look who we spotted! Hello King Tiger @jericteng and TIUnami @JWenshTiu! *pic.twitter.com.asdfghjkl*"
"@WenshFTW: Woah! New loveteam ba itech Wenshy? Anyare na kay Luke? :( @jericteng @JWenshTiu *pic.twitter.com.asdfghjkl*"
"@JerWenshLT: Aaack! My JerWensh heart! It came true! @jericteng @JWenshTiu
*pic.twitter.com.asdfghjkl""Hahaha! JerWensh! JerWensh! JerWensh!"sigaw nina Forts. Sinamaan ko sila ng tingin.
"Tss. Shut up."
Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga. Maaga pa naman e.
Hmm. Wensh Tiu.
------------------------------------------------------------------------
Hii. New born story! Char, new born daw? Hahaha! Gg, sana magenjoy kayo sa story na to! Mwa hugs. :*