Chapter 42 "The bitch of me"

35 0 0
                                    

BRYAN'S POV

Hindi ako mapakali sa pagkaka upo ko sa couch dahil sa ikinikilos ni Ate,

"May problema ba?" Tanong ko sakaniya habang seryuso siyang nakatitig sakin at nakaupo sa swivel chair sa harap ko,

Napabuntong hininga siya at inilapag sa harapan ko ang isang puting folder,

"What's this?" Kunot noong tanong ko pero hindi siya sumagot. She look at me like 'Just-open-it'
Inabot ko ang puting folder at tinignan ang laman, right after i opened it, parang pinagsisisihan kong binuksan ko ito... Dumikit ang mga mata ko sa babaeng nakasuot ng wedding gown sa larawan at sa lalaking nakayakap sakaniya.. Parang may sumabog na nuclear bomb sa loob ng utak ko, halo halong ideya ang nagkakagulo,
Is this real? Papaanong ganito? Kailan pa to? Sila ba talaga to? Pero bakit parang hindi?? Saan ba to?? Papaano???
My heart started to beat fast, I can't even feel my own breath, parang gusto kong umiyak na parang hindi, gusto kong sumigaw ng HINDI 'TO TOTOO! Pero wala akong boses upang gawen yun, hindi ko maintindihan anong pakiramdam ko ngayon.. I feel anger, pain and betrayed! Gustong gusto kong punitin, sunogin, apakan, itapon sa malayo o ilibing ang hawak hawak kong larawan pero hindi ito mabitawan ng kamay ko..

"You can punch me if you like." Offer ni Ate, I unbelievably look at her with 'Tell-me-the-Truth'

I see sorrow in her eyes while staring at me,

"C'mon Sis, what is this all about ^__^" I ask smiling and tried to be even-minded, without a word she suddenly hug me and everything fall apart... The tears I'm holding to fall, the pain I endure and the anger I'm preventing to explode, buong lakas kong sinipa ang mesa sa harap ko at nabasag ito, nagkalat sa sahig ang mga bubog nito... Kumalas ako sa pagkakayakap ni Ate at pinunasan ang walang kwentang luha sa mata ko,

"Is this true? How did you know about this??" Naglalakas loob na tanong ko at hawak hawak ko pa rin ang larawan, Naupo siya sa tabi ko at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko,

"Nakilala mo ang babaeng Fremenchie ang pangalan..? Well, she pay me a visit the other day and we had this conversation.. Alam mo bang hindi ako makakain pagkatapos non? Haha! Daig pa kita.." Natatawang sabi niya, gusto ko sanang matawa pero ang sakit, paksh*t lang ang sakit!!

"They got married for business purpose.. Of course kilala mo naman ang Daddy ni Jaiden..... So that's it! Both of them got no choice but to get married..." Kwento niya, nanatili akong tahimik at nakatingin sa kawalan, hindi ko maintindihan kung nagagalit ba 'ko, naiinis, naawa o nasasaktan dahil sa narinig ko.. 'both of them got no choice but to get married' Ganun ba talaga ka desperado si Tito upang gamitin ang anak niya dahil lang sa p*tang business?? Ang mga magulang ni Pj, hindi ba nila mahal ang anak nila at bakit nila pinilit na ipakasal sa taong hindi niya gusto?? Anong klaseng mga magulang ba sila?? Bakit nila nagagawa ang ganito???

Naaawa ako kay Pj, pero mas naaawa ako sa sarili ko... Masyado akong umasa na magiging masaya ako hanggat nandyan siya, Akala ko nong umpisa ng makilala ko siya hindi na ako masasaktan ulit, hindi ko na mararamdaman ang sakit na naramdaman ko noon, hindi na ako makakaranas ng kalungkotan at hindi na ako mag iisa ulit.. Pero ngayon, napakalaking imposible ang inakala ko... Maybe I'm destined to be like this, to struggle like this and to live like this...

"Bry hindi ka naman magpapakamatay hindi ba??" She playfully ask, I bitterly smiled and flip her forehead,

"I'll not do that without your consent,^...^" Pabirong sagot ko at tumayo,

"San ka pupunta??" Pag aalala niya,

"Sa shooting location.. Hindi ba't may shoot tayo don...? Mauuna na ako sayo, may kotse ka naman..." Simpleng sagot ko at lumabas, I walk confidently while my hands on my pocket habang papunta ng parking lot to get my car, sinusubokan kong ngumiti at batiin ang mga nakakasalubong ko, pagdating ng parking lot, pinandar ko ang kotse at mabilis na pinatakbo, red light o green light hindi ko pinansin, dirediretso kong pinapatakbo ng mabilis ang kotse, wala akong paki alam sa mangyayare sakin, ang gusto ko lang ay gumaan at mawala ang bigat at kirot na nararamdaman ko, kahit pilit kong labanan at balewalain, lumulutang pa rin sa isip ko ang larawan nila... Parang tinutusok ng karayom ang puso ko at sumisikip ang dibdib ko... Ilang sandali pa lang ay narinig ko ang busena ng mga police na mukhang kanina pa ako sinusundan at pinapahinto. I did not bother to step on the brake at mas binilisan ko pa.. Wala akong balak magpakamatay pero magpapasalamat ako kung may mangyayare sakin...

Heart With ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon