Chapter 47 "Broken hearts"

19 0 0
                                    

DREW'S POV

Alas syete na ng gabi ng matapos ang business meeting, kung minsan kase ako ang pinapapunta ni Papa sa mga negosyo niya kapag subrang busy na talaga niya kagaya ngayon... Pagkatapos kong ibilin sa sekretarya ko ang mga dapat niyang gawin ay umalis na ako ng opisina at sumunod kina Kevin sa bar, nandon sila ngayon at dinadamayan si Kit sa kaniyang pangungulila kay Junice, ;) tch tch tch kawawang bata....

Mabilis kong pinatakbo ang kotse hanggang dumating ako sa bar nina Darwin, pinark ko ang kotse saka ako pumasok at hinanap sila,

Nadatnan ko silang nakaupo sa iisang table at inaasar si Kit na halos nalulunod na sa subrang kalasingan,

"Yoo Drew buti't humabol ka..." Wika ni Kevin, hindi ako sumagot at diretsong naupo saka uminom ng alak,

"Oy mukhang may isa pang broken hearted dito ahh" Asar ni Ken na kumakain ng banana split na naman, napatingin sila sakin

"Hoy Drew broken hearted ka pa rin ba??" Natatawang tugon ni Kevin, inirapan ko na lang sila... tss mukhang idadamay pa nila ko....

"Pagod ako para patulan ang mga katarantadohan ninyo..." Simpleng sagot ko,

"Hahaha! Hindi nga halata! Hahahah grabee pare hanggang ngayon ba tatak na tatak sayo ang momentum mo under the rain??!! Hahahahahahaha!!" Tawang tawang sambit ni Darwin, bigla akong nakaramdam ng init at poot na hindi ko maintindihan... Muli kong ininom ang alak na hawak ko dahil unti unti na namang bumabalik sa isip ko ang gabing bumasag sa pangarap at pagmamahal ko,

FLASHBACK

Bigla siyang bumaba mula sa kotse kahit na bumubuhos ang malakas na ulan,

"MENCHIE COME BACK HERE!" Habol ko sakaniya habang mabilis siyang naglalakad papalayo sakin pero hindi pa rin niya ako nililingon, hinabol ko siya hanggang sa mahawakan ko ang mga kamay niya pero nagpupumiglas siya,

"URGH! LET GO OF ME DREW!"

"HINDI! HINDI KITA BIBITAWAN HANGGAT HINDI MO SINASABE SAKIN KUNG BAKIT KA NAG KAKAGANIYAN!" Galit na sigaw ko, boung lakas niyang binawi ang kamay niya kaya't nabitawan ko,

"Gusto mong malaman kung bakit ako nag kakaganito?? Pwes ibig sabihin lang naman neto... We're done.. Satisfied??!" Sarkastik niyang sagot at tumalikod pero hinigit ko ulit ang kamay niya,

"What? Anong sabe mo???" May halong inis na tanong ko,

"Hindi ka ba makaintindi? Ang sabi ko tapos na tayo.... kaya pabayaan mo na ko!" Sigaw niya, mas lalo akong nagulohan,

"Teka ano bang nangyayare sayo??? If it's because of what they say about you and about us just forget it cause I don't f*cking care!" Protesta ko, ngumisi siya na parang natatawa sa sinabe ko,

"C'mon Drew... Tapos na ang plastikan... Actually totoo lahat ng bentang at sinasabe nila tungkol sakin... Pera lang naman talaga ang habol ko sayo pero nakakasawa na rin kaya't tapos na ang laro..." Dire-diretso at walang alinlangang sabi niya, parang matatalim na kutsilyo na tumama sa dibdib ko ang mga sinabe niya... Ramdam na ramdam ng puso ko ang sakit....

"A-ano bang pinagsasabe mo.. Wag ka ngang ganiyan.." Saway ko sakaniya at sinubukan siyang yakapin pero itinulak niya ko,

"Tanga ka ba talaga! Ayuko na nga sayo! Sawa na 'ko sa pera mo! Kaya't please lang lubayan mo na ko!" Sigaw niya, hindi ko alam pero ayaw pumasok sa kukute ko ang sinasabe niya, ayuko siyang paniwalaan...

Nakatitig at walang imik akong nakatingin sakaniya kahit basang basa na kaming dalawa sa ulan at halos pinagtitinginan ng mga taong dumadaan samin...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart With ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon