Chapter two

13 1 0
                                    


First time kong pumunta ng Ilocos. Matagal na rin akong inaaya ng nag iisa kong pinsan na hindi ng iwan sakin na si Luam. Nasa ilocos sya ngayon para asikasuhin ang plantation nila.

Nag commute lang kami ni jenine bukod sa makakatipid na kami sa gastusin tulad ng gas at toll gates hindi pa ko mapapagod mag drive.

Mula daw dito sa Cubao kung san kami sumakay ng Partas bus papuntang Laoag ay mahigit sampung oras ang byahe.

"Jack wait lang may bibilhin lang ako" paalam ni jenine at inilapag ang bag sa binakanteng upuan.tumango na lang ako at pinag patuloy ang pag lalaro sa phone ko.

Napalingon ako kung san ko sya nakitang dumiretcho,  tanaw na tanaw ko sya na bumibili sa isang stall ng pagkain nitong terminal.

Pag balik nya may dala syang isang box ng donut.

"Girl ano yan?" Sarcastic na tanong ko ng makaupo na sya sa tabihan ko.

"Isn't obvious? These are donuts!" Pataray pa nitong sagot at inilahad ang box na hawak hawak.

"Yeah i know, pero andami na nating pag kain.ano to picnic?" My 2paper bag na nga kaming dalang mga chips kulang pa rin sa kanya?

"Yaan mo na! Ayaw mo nun marami tayong foods! My God its gonna be 10 shit hours ang biyahe natin... Ayokong magutom!"

"Ewan ko sayo! Kaya ka nanaba eh!" Pang asar ko dito.

"Oo na ikaw na sexy! Kahit lamunin mo isang sakong bigas walang mangyayari! " Tinaasan pa ko ng kilay.

Naging masaya naman ang naging biyahe namin.tulad ng inaasahan wala na kaming view na makita dahil ginabi na kami sa daan. Dahil hindi ako sanay matulog sa biyahe pinilit ko na lang si jenine na wag na rin matulog at nag kwentuhan na lang kami.

Naka ilang ulit na rin kami ng tanong sa conduktor tuwing napapadaan sya sa tapat namin kung malayo pa ba o malapit na kami sa Candon ilocos sur.

"Jenine makipag hiwalay ka na kasi jan sa boyfriend mo. Alam mo hindi mo naman sya panghihinayangan eh.alam mo yan." Sabi ko nanaman ng mag text ang boyfriend nya at inaway nanaman sya ng walang dahilan. Alas onse na ng gabi at mahaba habang biyahe pa rin kami.

"Ewan ko ba jack, alam mo inaantay ko na lang na sya ung umayaw.tsaka nanghihinayang lang kasi ko sa pinagsamahan namin 2years din yun!.

"Alam mo feeling ko ayaw na rin nyan eh. Nag aantayan na lang kayo. Lagi k na lang nya inaaway ng walang dahilan.tas ok lang sa kanya na hindi ka magparamdam. Alam mo wag kang mang hinayang sa two years. Ung iba nga 10years naghihiwalay pa."

Sa kalagitnaan ng pag uusap namin tumunog ang telepono nya.  Si Carl tumatawag boyfriend nya at hinayaan ko na lang syang maki pag usap dito.

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa labas ng binatana ng bus. Sarap mag emote! Nasa Pangasinan proper na kami ayon sa nakita kong signage.Tanging mga ilaw sa kalsada at kabahayan ang nakikita ko.

Pag kalipas ng ilang minuto my nag message sakin.

11:14 July 17
From: Luam Madrigal

Where are you guys? In case that your in Candon just call me.i might get asleep now im too tired today.

11:15 July 17
To: Luam Madrigal

Sorry coz! I think were still here around pangasinan. U can take your sleep muna matatagalan pa kami baka madaling araw n kami makarating.

"Happy birthday jack!" Bati sakin ni jenine ng mag alas dose na.

"Ano ba yan inabot tayo ng birthday ko sa kalasada!" Sabi ko. Napangiti na lang ako at first time kong salubungin ang birthday ko sa kalsada.

The Coffee BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon