Chapter three

20 0 0
                                        

Mula Candon papuntang Vigan ay nasa mahigit isang oras pa daw na biyahe. At dahil pinagtulakan ako ng bestfriend at pinsan ko, eto ako ngayon lulan ng isang subaru xv na pag mamayari ni mr. Borromeo

Hindi pa kami nakakalayo ng hotel ng maalala ko ang phone ko. Tinignan ko ang loob ng sling bag na tanging dala ko ngunit wala doon.

"Sh*t" bulong ko sa sarili ko ng maalalang isiningit ko nga pala ito sa bulsa ng back pack ko kanina at wala sakin ngayon ang mga gamit ko kundi nandun lahat sa kotse ni Luam.

"Problem?" Mahina pero dinig ko ang may pag ka husky na boses ng katabi ko. Nilingon ko sya at nakatuon ang attensyon nya sa kalsada.

"Huh ah- i- ju-just left my phone."nauutal na sabi ko. All my life ngayon lng ata ako naging hindi komportable sa kausap. Sana lang hindi na nya napansin ang boses  ko.

"Where did you left it? do you wanna go back to hotel?"sabi nito na hindi man lang lumilingon.

"No it's ok, its in the car of Luam." Pinilit kong pa kalmahin ang boses ko.

"Ok" tipid nitong sagot at di na lang ako umimik.

Feeling ko sobrang tagal ko ng nakaupo dito sa kotse at naiinip nako. Wala man lang akong mapag laruang phone at hindi kami nag uusap ng kasama ko. Tinignan ko ang oras sa relong suot ko,30mins. Pa lang ang nakakalipas buhat ng umalis kami sa hotel pero pakiramdam ko ay kalahating araw na kaming nagbibyahe.

"Mr. Borromeo would you mind if I ask whats your first name?" Hindi na ko makatiis, inip na inip na talaga ko kaya ako na ang nag initiate ng paguusapan. At isa pa naaasiwa rin akong tawagin syang mr. Borromeo gayong mukhang hindi naman nagkakalayo ang mga edad namin.

"It's Christian. Why?Tipid nitong sagot.

"Nothing. Just wanna know, besides were in a trip to enjoy.can I call you christian anyway?" Pinipilit kong magkaroon ng conversation sa pagitan namin para naman maalis ang akwardness.

"Yes of course." Seryoso nitong sabi na ngayon ay sumulyap ng kaonti sa akin.
Nauubos na ang pasensya ko, nakakainis syang kausap isang tanong isang sagot. Last na talaga pag hindi pa sya nag bigay ng interest na magkaroon kami ng conversation bahala sya sa buhay nya matutulog na lang ako!

"Ahm... Gaano na kayo katagal magkakilala ng pinsan ko?" Last na tanong ko na to.

"Since college, maybe its about 6years now."

"Ok" nalang ang tangi kong sinabi at itinuon ko nalang ang pansin ko sa labas ng bintana. Tulad ng sinabi ko last na yon napapahiya na ako dahil parang kanina pa ko nag iinitiate ng topic sa taong ayaw naman ata makipag usap.

Mga palayan,mga hayop tulad ng baka at bulubundukin ang natatanaw ko, minsan may mga nakikita akong mga maliliit na falls na parang isang guhit na kulay puti lang sa gitna ng bundok. Nakakaaliw.

"Look at my side". Naagaw ng katabi ko ang attensyon ko.

"Huh?" Gulat kong sabi.

"Look at the beach." Lumingon ito sa kaliwa nya at sinundan ko ng tingin. Nakita ko ang malawak na karagatan at mga humahampas na alon sa mga batuhan sa tabing dagat. Ang ganda.

"Ang ganda! Pwede ba tayong mag stop?" Hindi ko napigilan ang sariling kong mag request.

"Huh why?" Pagtataka nito.

The Coffee BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon