"Mommy no pleaseee!" halos lumuhod na siya para pakiusapan ang mommy niya na h'wag magpakasal ulit.
She really knows how her mother love her late dad, kaya hindi niya alam kung ano naisipan nito at gusto nito ulit mag-asawa after a year and half.
"It's for your future, our future. I want to be secured. Gusto kong maging maganda ang kinabukasan mo kahit wala na ako".
"but mom, 1 year nalang at mag gragraduate na rin ako bilang isang Architect, matutulungan na kita. Hindi mo na kailangan magpakasal pa ulit".
"No Sab, my decision is final. I will marry Don Gerardo Gabriel. And in two weeks time lilipat na tayo sa mansiyon nila.
She can see determination on her mom's eyes, parang wala ng makakapagpabago ng isip nito at parang nanlumo siya.
Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon ay ang kasal ng mommy niya kay don Gerardo, ito rin ang unang araw na makikita niya ang don. Isang kasal sa huwes lang ang hiniling ng mommy niya at tanging sila lang ang naging saksi at ilang piling kamag-anak. May edad na ang don, ngunit mapaghahalata mo na talaga namang napaka kisig nito noong kabataan. Dahil napaka tikas parin nito at hindi mo iisiping 63years old na ito. Napaka ganda naman ng mommy niya sa suot na simpleng bestidang puti. Maganda at sexy parin ito at maraming nagsasabi na sakanya niya namana ang kanyang kagandahan.
Natapos ang kasal ng hindi man lang niya nakikita ang anak nito. Nasabi ng mommy niya na may nag-iisang anak ang don.
Agad na lumapit sa kan'ya ang mommy niya akay-akay ang bago nitong asawa.
"Sab, meet your Tito Gerardo." Nakangiting sabi ng mommy niya.
Dahil pinalaki siya ng mga magulang niya na may disiplina ay hindi niya ito ipinahiya.
"Nice to meet you po, Tito" at nakipag beso-beso siya rito.
"It's also my pleasure to finally meet you hija, totoo nga ang sabi ng mommy mo. You are really beautiful, bagay na bagay kayo ng anak ko." Sabay ngiti
"Teka nga, bakit hindi ko nga pala nakikita 'yang anak mo honey?" tanong ng mommy niya.
"He's so busy with our company napaka workaholic ng batang 'yon, but don't worry you will meet him on dinner."
BINABASA MO ANG
STEP-BROTHER (SPG) Completed
General FictionWARNING: This is not your ordinary romance story. Maghanda ka na ng pamunas at timba dahil siguradong bubuhos ang mga luha mo. What if your mother decided to get married again? what would you do? walang problema sa bago nitong asawa pero paano nala...