"Hindi kayang tanawin lang ng mga mata mo ang lupaing pag-aari namin, naisip mo na ba kung anong parte ang gusto mo?" Seryosong tanong nito."Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong niya rito.
"Don't be hypocrite, alam mo kung anong gusto at ibig kong sabihin" At unti-unti itong naglakad papalapit sa kan'ya.
"Sinasabi mo bang pera lang ang habol namin ng Mommy ko sa inyo?"
"Kung hindi pera ay ano?" sa puntong 'yon ay tuluyan na itong nakalapit sa kan'ya.
Tila napipilan siya sa narinig, hindi ba ay iyon naman talaga ang plano ng mommy niya? Ang magkaroon sila ng magandang kinabukasan? Anong sasabihin niya? na ang mommy niya lamang ang may kagustuhan noon at hindi siya?
"Oh ano? Nakain mo na ba ang dila mo kaya wala kang maisagot? Guilty? Aren't you?" Seryosong sabi nito at diretsong nakatingin sa mga mata niya.
"Hindi totoo iyan, nagkakamali ka! M-mahal ng Mommy ko si Don Gerardo!" Inis na sigaw niya.
"Mahal?" Napangisi ito. "Hindi ako tanga Sabrinne Kate Fajardo, kung nabilog niyo ng mommy mo ang ulo ng papa ko. ibahin niyo ako, I've already known from the very start na pera lang ang habol niyo sa amin!" At hinawakan siya nito nang mahigpit sa isang braso.
Nagulat siya nang malamang alam nito ang buo niyang pangalan, pinaimbestigahan ba siya nito? He has all the power and resources kaya hindi na niya kelangang magtaka pa.
Bumalik siya sa realidad nang humigpit ang kapit nito sa isang braso niya.
"Ano ba! Na-nasasaktan ako!" pagpupumiglas niya.
"Eto ang tatandaan niyo, I will do anything and everything para mapalayas kayo rito. And that's a promise! Hindi ang katulad niyo lang ang makakapag-paikot sa isang Gabriel tandaan mo 'yan!" Matigas na sabi nito.
Pagkatapos ay binitawan na siya nito at umalis na, naiwan siyang nakatulala, gusto niyang matakot sa banta nito. Kaya ba niyang makisama sa ganoong uri ng tao?
Hanggang sa makabalik siya ng kwarto ay hindi pa rin niya maiwasang isipin ang nangyari sa may terrace hanggang sa makatulog siya.
Kinabukasan ay nagulat siya nang malamang alas-diyes na pala ng umaga masyado yata siyang nag-isip kagabi kaya napasarap ang tulog niya. Agad siyang naligo at nagbihis. Palabas na siya nang makitang palabas din ng kwarto si Rafael, so magkatapat pala sila ng kwarto? gusto niyang mapataas ng kilay.
"Mukhang hiyang mo ang pagiging donya ah?" Sarkastikong bungad nito sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
STEP-BROTHER (SPG) Completed
General FictionWARNING: This is not your ordinary romance story. Maghanda ka na ng pamunas at timba dahil siguradong bubuhos ang mga luha mo. What if your mother decided to get married again? what would you do? walang problema sa bago nitong asawa pero paano nala...