Two

487K 5.2K 127
                                    

Namangha siya nang makita ang bahay nina Don Gerardo, hindi lang ito basta-basta bahay, ito ay isang mansiyon, isang napaka-laking mansiyon.

"Welcome to San Quintin, Senyoritas." magalang na pagbati ng mga kawaksi sabay yukod, parang napaka-awkward naman ng dating nito sa kan'ya.

"Naku, maraming salamat" nakangiting sabi ng mommy niya sa mga ito habang siya naman ay ngumiti lang.

"Halina kayo sa loob" yaya ng don sa kanila.

Kung namangha siya sa labas ay mas namangha siya sa loob. Fully furnished ito, ni wala yatang kulang na gamit dito. Inihatid siya ng isang katulong sa magiging kwarto niya. Gusto niyang matulala, para siyang nasa loob ng isang doll house, purong pink ang kwarto at mga gamit na nasa loob.

Alam niyang ito ang pinapangarap nila ng mommy niya na hindi naibigay ng yumao niyang ama, pero binusog naman sila nito sa pagmamahal kaya sobra nilang mahal ang isat-isa.

Bumalik siya sa realidad nang marinig ang mahinang katok sa may pintuan.

"Senyorita, pinapasabi po ng Don na bumaba kayo ng alas-siete para sa hapunan" sabi ng katulong na napagbuksan niya.

"Sige, salamat" nakangiting sabi niya rito pagkatapos ay umalis na. Nang matapos niyang ayusin ang mga gamit niya ay naligo na rin siya at nagbihis. Simpleng blouse at skinny jeans lang ang suot niya na tinernuhan niya ng isang flat footwear.

Hindi niya na hinintay na tawagin siya at kusa na siyang bumaba. Nabungaran niya ang mommy niya at ang asawa nito sa dining table at masayang nagkwekwentuhan.

"Oh hija, mabuti at nariyan ka na. Umupo ka na rito at parating na rin ang anak kong si Rafael" sabi ng don sa kaniya.

Magiliw naman niya itong pinagbigyan at umupo na rin. Mukhang mabait naman talaga ang don, kaya rin siguro hindi naging mahirap para sa mommy niya ang pakasalan ito.

Nagsimula na silang kumain kahit wala pa ang anak nito. Habang kumakain ay maraming itinanong ang don sa kan'ya, biglang gumaan ang loob niya rito at nakukuha na rin niyang makipagtawanan. Nasa ganoon silang eksena nang may tumikhim ng malakas.

"It seems that your enjoying your stay here ha?" sarkastikong sabi nito at nakatingin sa kan'ya habang nakangisi.

"Oh Rafael, hijo buti at narito ka na. Maupo ka na para makilala mo sina Katrina at Sab"

Umupo ito sa upuang kaharap niya kaya nakatapat ito sa kan'ya.

"Hijo, ito nga pala ang Tita Katrina mo at ang anak niyang si Sab."

Ngumiti lang ito sa mommy niya at hindi man lang siya tinapunan ng kahit konting tingin at may itinanong na ito sa ama.

Gwapo sana pero antipatiko! Iyon ang agad na pumasok sa isip niya.

Halos puro negosyo ang pinag-usapan ng mga ito, parang na-out of place pa nga sila ng mommy niya.

Pagkaraan ng ilang sandali, tumayo na ito at nagpaalam.

Pagkatapos ng dinner ay naisipan niyang hanapin ang terrace para magpahangin, gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin at makapag-relax.

Halos magkaligaw-ligaw pa siya bago nahanap ang terrace. Napakaganda sa itaas. Tanaw mo ang napaka-laking lupain ng mga Gabriel, halos pagmamay-ari na ata ng mga ito ang kalahati ng lupain ng bayan ng San Quintin. Ang ganda rin pagmasdan ng mga ilaw na nagmumukhang bituin.

"What do you think about this place?"

Halos atakin siya sa puso nang biglang may magsalita.

"Gusto mo ba akong patayin sa gulat?!" galit na sabi niya sa binata ng mapag-sino ito.

Ngumisi lang ito sa kan'ya.

STEP-BROTHER (SPG) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon