MOVING ON 101

4.3K 35 21
                                    

Letting go has never been easy and holding on has always been difficult. Bakit? Eh Paano mo ba kasi makakalimutan ang taong lahat ng panahon mo binuhos mo sa kanya at halos sa kanya mo na pinaikot ang mundo mo pero hindi naman pala kayo magkakatuluyan sa huli. Ang hirap dumaan sa sitwasyong gumising ka na lang isang umaga, hindika na pala parte ng buhay niya. Wala ng text na bubungad sayo pagkagising mo palang ng ‘goodmorning babe, iloveyou’. Wala ng dahilan para makipaglaban sa antok ma-replayan lang siya ng ‘iloveyou too’.

Dito mo marerealize na ang puso,isang maliit lang naman na parte lang ng katawan natin. Pero pag nasasaktan,buong pagkatao mo naaapektuhan. Ang normal na araw sayo dati noong hindi mo pa siya nakilala, araw na lang ngayon na puno ng kalungkutan. Para kang napunta sa ibang mundo. Sa ibang dimensyon kung saan para kang nakakulong sa isang kwarto na hindi mo alam kung papaano kang makakalabas kasi wala kang makitang pinto o bintana…

Sabi nila madali naman daw kasimag-move on. It’s just simply removing “L” from “LOVER” and realize it’s “OVER”daw. Eh kung ganoon pala kadali edi sana walang nagpapakalasing para makalimot. Wala sanang emo na naglalaslas kasi iniwan, at wala sanang taong ginagawang tanga ang sarili wag lang siyang iwanan. Hindi yun isang simpleng pagkukunwari na hindi mo na siya mahal hoping na sana ito ay magkatotoo kahit para sayo parang katapusan na ng mundo. Ang hirap kasing kalimutan ang mga taong binigyan kanang masasayang mga sandali sa buhay mo.

Moving on is a not a simple process. Hindi yun isang simpleng pagsasabi sa sarili na “makakalimutan din kita”, pero sa dulo may SANA. It’s a process and you have to promise yourself that you’re really ready to let go. Okay lang umiyak, dahil yan ang effective na paraan to ease the pain after you drifted away from each other. Okay lang na magdrama ka kahit ilang segundo muna, pero pagkatapos mong umiyak, you should erase all the bitterness away. Tanggapin mo na wala na talaga kayo. ACCEPTANCE is the key…isipin mong every EXIT is an entry to somewhere, balang araw magpapasalamat ka sa ginawa niyang pag iwan sayo dahil marami pang pagkakataon para mahanap ang totoong magmamahal sayo. You just have to give a chance to yourself to love again.  Kaya hindi dapat katakutan ang salitang “MOVE-ON” eh,  kasi hindi ka naman mamamatay sa salitang yun, pero mabubuhay ka pa ng mas MASAYA kapag nagawa mo yun.

HEART TO HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon