MUTUAL UNDERSTANDING 101

4.9K 26 15
                                    

After the moving on part.....now let's talk about this thing called M.U.

 RANDOM THOUGHTS...


M.U? Hmmmm… Kapag narinig mo ang salitang M.U, ano nga ba ang kahulugan nito para sayo? MUTUAL UNDERSTANDING? MALANDING UGNAYAN? MEDYO UMAASA? MEDYO UMIIWAS? MAG-UN? (Hahahaha) MEDYO-UMAAWRA? MEDYO UMIIBIG? MAG-ISANG UMIIBIG? MALABONG-UGNAYAN? MAGULONG-UGNAYAN? Kung sosyal na ka naman…NO STRINGS ATTACHED? MORE THAN FRIENDS BUT LESS THAN LOVERS? UNOFFICIAL? PSEUDO RELATIONSHIP?

Ang daming pwedeng ipagkahulugan diba? Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng M.U at bakit ito nag-eexist dito sa mundo? 

Ayon sa nabasa ko, ang dalawang letrang salita na ito ay tinatawag na Unlabeled Relationship.  

Okay, so let’s define “UNLABeLED RELATIONSHIP”.

It is a term to describe the relationship between two people that is more than close friends but both haven't reach a mutual agreement to bring their relationship to an intimate level.

Sa tagalog, ito yung tipo ng relasyon kung saan kayo nag-aasaran, naglalambingan, nagkukulitan, may tawagan ng kanya-kanyang eanderment, sweet ang turingan sa isa’t isa, concern kayo sa isa’t isa, magkatext lagi mula umaga hanggang gabi, yung gusto niyo na yung bawat isa pero walang confirmation, alam niyo na sa isa’t isa na may something pero ayaw niyong i-acknowledge na meron, ayaw niyo lagyan ng label. Nagkakaroon kayo ng sariling monthsary o ang masaklap pa umaabot kayo ng anniversary, nagbibigayan ng regalo at love letters exchanging sweet nothings, promises and vows at kung minsan pa nga ito yung moment na nag-iiloveyou-han na kayo pero wala namang kasiguraduhan ang status niyo sa isa’t isa. In short, parang kayo pero hindi rin. Walang pressure, walang expectations….you're JUST ENJOYING each other! You stay together, do things together, spend time with each other, and you share everything, except one thing...COMMITMENT.


Diba parang ang sarap pakinggan? Wala kayong label pero alam mong mahal niyo ang isa’t isa? Hindi kayo mag-on pero daig niyo pa ang mag-syota kung maglambingan?  Ang sarap lang sa feeling na kahit di naman talaga kayo, pero yung turingan niyo sa isa't isa ay parang officially kayo na. Yun bang may obligasyon talaga siya sayo at pinaninindigan niya lahat ng dapat niyang panindigan.

Pero ang masaklap na katotohanan, sa kabila ng lambingan, pagmamahalan at matamis na pagtitinginan....sa  "parang-kayo-pero-hindi" stage na ito, wala naman kayong KARAPATAN sa isa’t isa. Wala kang pinanghahawakan. Emosyon lang. EMOSYON LANG!!! X__________________X

BAWAL MAGDEMAND. BAWAL MAGSELOS. BAWAL MAGREKLAMO. BAWAL MANUMBAT. BAWAL MAG-EXPECT...

Pero pwedeng pwede kang MASAKTAN.

Kasi sa M.U.....Meron lang AKO at IKAW. Pero walang TAYO.

Ang gulo kapag nalagay ka sa ganitong uri ng relasyon. Para kang isang taong namamasyal sa mall, napunta ka sa department store, may nakita kang estante ng pabango at nagbalak kang bumili. Pero syempre, bago ka bumili, kailangan mo munang testingin at amuyin ang pabango. Kumabaga, ang M.U ay isang relasyong itetesting muna kung mag-wo-work ba. Kung naging successful, edi maganda. Pero kung hindi, edi thank you nalang....and come again.    -_______________-

Ang pinakamasakit pa sa lahat ng masakit dito sa mundo... sa relasyong gaya ng M.U kung kailan naman na-fall ka na at minahal mo na siya ng bonggang bongga, kung kailan sigurado ka ng siya na talaga.....kung kailan naamoy mo na na may happy ending na kayong dalawa...Tsaka ka naman niya iiwan sa ere na parang wala kayong pinagsamahan. Tska naman niya bibitawan ang linyang "We're just friends." X_______X Biglang nawawala na ang dating spark na una niyong naramdaman kasi hindi nabigyang hustisya.

Masakit mang sabihin na walang kayo kasi nga umaasa kang meron, na merong mangyayari, na may patutunguhan, pero naglalaro sa isipan mo ang salitang MERON at WALA.

Kaya ang masakit sa bandang huli...ang Ma-fall ng TODO...siya ang TALO.

Kaya nakakairita yang M.U-M.U na yan eh!

You have the same feeling but not one heart, you're more than friends but less than lovers, you have have an implicit or implied romance, you're dating but there's no relationship. You both know that you are in love with each other, act as lover yet you stay friends

Inshort, Masarap sa Umpisa....pero Masakit Umasa... umaabot ito sa puntong you both end up just like that…”ALMOST BUT NOT QUITE”, you play with emotions and the emotions will do the same for both of you end up hurting either one of you... Kumbaga itong M.U na to is just a short time happiness with a BITTER ENDING. It is just nothing but a FAKE FAIRYTALE na MAHIRAP UNAWAIN!

Kaya bakit ka papayag na hanggang M.U na lang kayo? Why will you settle with that kind of complicated realationship kung pwede namang mag-advance to the next level?

HEART TO HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon