EDITOR'S NOTE

769 10 3
                                    

(BABALA: Bato-bato sa langit, ang matamaan, nakakarelate! Ha-ha.)

Gaano katindi ang love? Isipin mo, nagagawa nitong mapaghintay ang mainiping tao,masaktan ang manhid, maging sweet ang bitter, mapalambot ang matigas ang puso,mapatawa ang isang malungkot, gawing corny ang mga seryoso, mapatino ang mga basagulero, mapatawa ang mga suplado….at higit sa lahat…gawing tanga ang isang matalinong tao. Lecheng Pag-Ibig yan !

Ayokong mainlove…kasi sabi ni nanay, pag na-inlove ako… masisira raw ang kinabukasan ko. Kaya simula noong bata pa ako, itinanim ko sa utak ko na bawal ma-inlove. Pero iba nga talaga kapag puso na ang nagdikta. Magiging sunud-sunuran ka. Mapapako lahat ng pinangako mo sa sarili mo, masusuway lahat ng batas na ginawa mo, mabubura sa isip mo ang pananaw na pinanghahawakan mo….in-short…mawawalaka sa sarili mo, friend. Kung inaakala mong malakas ka, at kayang mong pigilan ang sarili mo sa mga bagay na ayaw mong mangyari, pagdating sa love, magugulat ka na lang at magiging alaipin ka nang puso mo. Ganoon kalupet ma inlove. Napakasarap na feeling…..pero pagkatapos mong maramdaman iyon, siguradong isusumpa mo na ang salitang Love….kasi, lahat may kapalit. Kapag dumating sa puntong nasaktan ka, iyon ang pinaka-malupet sa lahat. Dahil hindi mo na ulit papangaraping ma-inlove ulit. Isang bagay na ayaw na ng isip mo…ngunit patuloy namang umaasa ang puso mo ng kapalit.

Una sa lahat, Nababadtrip akong makakita ng dalawang mag-syota na naglalandian. Holding hands, may pabulong-bulong-giggle effect, nagsusubuan, at marami pang iba. Hindi dahil bitter ako dahil wala akong syota, pero naman, bakit pa ganoon sila ka showy? Bakit kailangang ipakita sa publiko? Ang sarap nilang sigawan ng : “Hoy! Mag-check in na nga lang kayo!”. Nakakaasar. I’m really against public display of affection. Pero inuulit ko…Hindi ako bitter. Sabi nila tatanda raw akong dalaga, dahil monster ako at man-hater. Duh, pwes hindi ako natatakot tumanda ng walang kasama. Monster daw ako dahil masama lagi ang tingin ko sa mga mag-syotang nakakasabay ko sa jeep na naghaharutan. Kung may batas lang na ipakulong lahat ng naglalandian, siguro ang dami ng napatawan ng death penalty.

Well, iyon ang opinion ko nung una….pero may isa akong kaibigan na nag-kwento ng kaniyang miserable love life. Well, kaibigan ko yun kaya kahit naririndi ako sa kwento nya, nakikinig pa rin ako. I suddenly got curious. Napaka-talino at napaka-disente niyang babae pero nabiktima siya ng malupit na hagupit ni Pag-ibig? Then I realized, hindi pala talaga mapipigilan ang pag-ibig. Hindi ko inakalang mapapabilang siya sa dumaraming populasyon ng mga broken hearted sa Pilipinas. At umabot pa sa puntong muntik na siyang mapabilang sa mortality rate. Buti na lang at napigilan….kundi….goodbye Philippines and Good bye world na.

Kaya kung ako ang masusunod, dapat maging mapanuri, mapagmatiyag, at huwag mapangahas (Matanglawin?!) tayo pagdating sa pag-ibig. Hindi lahat ng lalaki ay kasing bait at kasing buti ng iniisip mo, hindi lahat ng lalaking dadating sayo ay siya na ang Prince Charming mo (agad-agad?!). Looks can be damn deceiving! Dapat protektahan natin ang puso natin dahil sa mga taong walang pakialam sa nararamdaman nating mga kababaihan.

Huwag kang mawalan ng pag-asa o mag-inarteng magpakamatay na lamang dahil broken hearted ka. Bulok na ang style na yan. Okay lang masaktan, friend. Minsan kasi kailangan ituro ng mundo sayo ang tama sa paraang masasaktan ka. Para tigilan mo na ang mali at malaman mo ang pagkakaiba ng dapat sa hindi dapat! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HEART TO HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon