Prologue

55 3 0
                                    

[Kate's POV]

"Bwisit ka! Punyeta ka! Nagbreak kami kahapon dahil sayo! Tapos ano? May kinakalantari ka pa lang iba! Malandi ka! Nagparaya ako!"

"Hush ka lang. Wag mo ko sisihin. 23 kaya kahapon. Hahaha diba baby?"

Tumango naman tong ugok na nilalandi ko. Pfft. Ano nga ulit pangalan nito? Sensya na. Di ako mahilig magmemorize ng pangalan ng tao lalo na't walang kwentang nilalang lang naman siya.

"Hayup kang babae ka! Mang-aagaw! Slut! Whore! Bitch!" Natatawa ako sa pagmumukha ng babaeng to. Bukod sa ang pangit niya, mukha pa siyang paa. Dumadami na din ang tao na nakikinood. At dahil maraming tao, it's my turn. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Mas matangkad ako ng konti sa kanya. Pero pangit pa din siya.

"Huy wag ka ngang bastos! Ipakita mo mukha mo samin wag yang pwet mo!" Sabay himas sa pwet este mukha niya. Tawanan naman ang narinig ko sa mga tao.

"Ay mukha pala yan? Sarreh. Di kasi halata e. Pfft. Hahaha. Unang-una, di ko nilandi jowa mo, nagpalandi siya. Pangalawa, tantanan moko. Ikaw may kasalanan. Panget ka kasi. At ikatlo, bakit kita aagawan? E wala namang kaaga-agaw sayo?" Nagpout ako sakanya kasabay ng pag "owww" ng mga tao. Oh ano ka ngayon? Panget pa din ba?

Naghintay ako ng reaction ng babae kaso mukhang nastarstruck sa kagandahan ko. Kaya hindi na ko nag antay pa at palabas na sana ng cafeteria.

Nagulat ako nung may nagbuhos sakin ng tubig. Inalalayan naman ako nung new found jowa ko. At magpapatalo ba ko? Ako na si Kate Persephone Villafranca, magpapatalo? Ha! Never.

"Ayan! Ayan ang nababagay sayo! Mang-aagaw ka kas-"

Di nya na natuloy ang sasabihin niya kasi binuhusan ko sya ng chocolate shake sa mukha. Nagsigawan ang mga tao. At di pa ko nakuntento. Sa tabi ko ay may lugaw na half full pa. Kinuha ko yun at lumapit sa kanya. Pinaligo ko yun sa ulo nya at binato sa pagmumukha nya ang styro na pinaglagyan ng lugaw. Mas lumakas ang hiyawan ng mga tao. Punyeta kang babae ka ha. Mamili ka ng babanggain mo.

"Ang sama ng ugali mo!" Sabay hagulgolnya.

Tumingin ako sa kanya at nag flip ng hair kahit basa na. Keri lang yan. Maganda pa din ako. "Of course. I'm the biatch" sabay ngiti ng matamis at tuloy-tuloy ng lumabas ng cafeteria.

The BiatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon