"Wipe your mouth , there's still a little bullshit around your lips."***
"Hoy Persephone! Tigilan mo na nga yang pagkabitch mo! Napapaaway na din ako e!"
"Correction! It's BIATCH not bitch. Hindi ako aso. And fyi Athena, maldita ka din kaya! Mas tamed nga lang kesa sa akin." Sabay ngiti ko sa kanya para pagaanin ang loob niya. Aba't nagngitngit pa rin si gaga!
"Whatever." Sabi niya sabay tinaas ang kamay at finorm ng "W" at nagdutdot na naman sa kanyang cellphone pinakabagong labas ng apple. Rich kid kasi tong bruhang to.
"Sino ba yang naka away mo ha?" Tanong ko. Parang gusto ko na din kasi ng gyera ngayon e.
"Mulan Reina Santos. Anak ng may-ari ng school. Inaway ko kasi kung anu-ano ang pinagkakalat sayo. Kesyo puta ka daw, malandi, at kung anu-ano pang hindi magandang term para sa babae." Oh. Siya pala. Kilala ko siya. Ang brat na walang ginawa kundi pasunudin at paikutin sa palad niya lahat ng estudyante dito. Tumingin ako kay Athena.
"How sweet. Maiiyak na ba ko be? HAHAHA! Pero wait lang. Sino talo?" Tanong ko ulit kahit alam ko na ang sagot. Hindi siya magngingitngit kung nanalo siya.
Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Ano laban ko dun? Hello? Katok katok sa brain ni Persephone! Anak kaya yun ng may-ari ng school. Kahit mas matalino ako at mas maganda, hindi ko keri ang galamay at mga alagad niya!" Mahaba niyang litanya habang nagpapaypay gamit ang kanyang kamay.
"Aw. Poor Athena. Walang kalaban-laban." Sabi ko sabay pout na siya namang kinaasar niya. "Wait ka lang dyan be. Ako na bahala. Lets go? Igaganti pa ng queen of underworld ang goddess of wisdom!" Naexcite naman siya dahil makakasaksi na naman siya ng isang walang kwentang nilalang na aalipustahin ko. Hahaha
Kahit siya pa ang may-ari ng school na to, hindi ako papatinag. Bakit kamo? Simple! Maganda kasi ako. ;)
Pinuntahan ko si Mulan sa kanyang room at saktong nasa labas siya at nakikipaglandian sa panget niyang lalaki. Oo na! Gwapo na yung lalaki! Brown eyes, well defined din ang structure ng mukha niya, matangos na ilong, kissable lips, and fuck! Yung jawline niya parang kay Channing Tatum nung kabataan niya! Pero wala kong pake kasi ang pinunta ko dito ay si Mulan. Napansin naman agad ako ni impakta at tinaasan ako ng kilay.
"Hoy be! Panyo mo? Takpan mo mukha mo dali! Baka mahawaan ka ng kapangitan ng kung sino-sino dyan sa tabi!" At kunyari pa kong nagpanic. Si Athena naman ay nagpipigil ng tawa. Nainis naman si Mulan kaya linapitan niya ako.
"Pinaparinggan nyo ba ko?" Sabi niya sabay cross arms at taas ng kilay. Ew ate ha. Di bagay. Ayos mukha.
"Huh? Who the hell are you?" Pero syempre pang asar ko lang yun. Kilala ko talaga siya.
"Really? You don't know me? You're unbelievable! I'm the great Mulan. Anak ng may-ari ng school!" Pagdadabog niya. Sakto namang break time kaya maraming hampaslupa ang nakikinood. Oh how I really love attention! Humanda ka sakin. Mapapahiya ka sa loob mismo ng school mo.
"Hahaha so your surname is Dee?" Panunuya kong tanong
"No. It is Santos."
"Oh I taught it's Dee. You know, Mulan Dee." Sabay lagay ko ng accent at narinig ko ang hagalpak ng mga tao. Pulang pula naman si gaga sa galit.
"Damn you bitch! Anumang oras ay kaya kitang ipatanggal sa paaralang ito kasabay ng mga pesteng taong tumatawa dito!" Bigla namang nanahimik ang lugar kaya napangisi siya. Kala niya siguro talo na ko. Ulol. Dream on sick bastard.
"Oh edi patanggal mo! Tingnan ko lang kung di kayo malugi. Isa ang pamilya ko at pamilya ni Athena sa may pinakamalaking share dito sa eskwelahan mo at pati na din sa kumpanya niyo. Kayang kaya din pabagsakin ng family namin ang mga negosyo ng family mo in just an hour. So ano miss Santos?" Namutla naman siya pero tumindig pa rin siya at pilit pinaninindigan ang pride.
"So anong pinaglalaban mo?" Wala na siyang masabi, alam ko. Pfft hahaha
"Huwag kang manira ng tao lalo na't wala kang alam sa buong pagkatao nito. Ano ako? Puta at malandi? Bakit? Sino ba sa atin ang harap-harapang nakikipaglandian sa loob ng paaralan? Sino ba sa atin ang nagsusuot ng damit na kita pati kaluluwa? Sino ba sa ating ang lima-lima ang boytoy? Sige nga Miss Santos, sagutin mo nga to. Sino sa atin ang malandi?" Nagulat ang lahat sa sinabi ko. Well, ako lang naman si Kate Persephone Villafranca. Walang kinatatakutan at hindi nagpapatalo. So kung may plano kang pataubin ako, well goodluck na lang sa magiging kahihinatnan mo.
Tinaas ni Mulan ang palad niya at akmang sasampalin ako pero inunahan ko na siya. Matapos nun ay mangiyak-ngiyak na siya at nagpapaawa.
"Oh? Anong iniiyak iyak mo diyan? Pag sinampal kita, dapat matuwa ka. Kasi pinalad ka. Gets? Oh gusto mong idemo ko ulit?" Nagtawanan namang ang mga hampaslupa.
"What's with the commotion?!" Rinig naming sigaw ng matandang hukluban naming guidance councelor. Walang sumagot sa kanya. Instead, nagsitakbuhan ang mga estudyante sa kani-kanilang classrooms. Mga walang modo tong mga ito. Parang ako. (insert pangmagandang tawa here) At pagtingin ko sa kaliwa ko, wala na ang magaling na si Athena! Hayop talaga yung babaeng yun. Palibhasa kasi nasa top 5 kaya bawal magkaroon ng record.
Tumingin si Ms. G (short term for Gurang) kay Mulan at ang gaga, mas nilakasan ang hikbi kaya etong gurang na to ay sakin tumingin.
"Ano na naman to Miss Villafranca?" Nagpipigil sa galit niyang tanong sa akin.
"None of your business." Sagot ko sabay irap.
"Aba't! Sumama ka sakin sa office! Pati na ikaw Miss Santos! FOLLOW ME NOW!" Dali-dali namang sumunod si Mulan sa kanya na mukhang tuta. Nilingon niya ko at nagsmirk. Lecheng babae to. Nakuha pang magmukhang aso. Dati kasi mukha siyang daga, ngayon aso na. O diba? Improvement!
Imbis na sumunod sa kanila, iniba ko ang way ko. Ano ako uto-uto? Ako na si Kate Persephone Villafranca, magpapa-uto? Ha! In their dreams!
Magdi-ditch na lang ako ng class. Tutal alam ko naman na lahat ng nilelesson. Baka nga mas matalino pa ko sa mga teachers namin e. Well, ganun talaga. Gifted kasi si ate nyo. Maganda na matalino pa. Hindi lang ako nabiyayaan ng kabaitan. Pero atleast! Maganda ako. (Okay. Masyado ng self-conceited. Nakakairita na ang maganda.)
At dahil bantay sarado ang gate at hindi masasaksihan ng mga hampaslupa sa mall ang maladyosa kong mukha, pumunta na lang ako sa garden. Atleast dun tahimik at walang hampaslupang iistorbo sakin.
Umupo ako sa isang bench. Buti na lang talaga at dala ko ang earphones ko kaya pwede akong magrelax.
Now Playing: She looks so perfect by 5SOS
Bawat lyrics ay dinadama ko at iniimagine na kinakantahan ako ni Luke Hemmings. Nang sa chorus na sumabay na din ako.
You looks so perfect standing there
In my American Apparel underwear
And I know now
That I'm so down~
"Your lipstick stain is a work of art
I got your name tattoed in an arro-"
Nagulat ako ng biglang may kumanta ng huling part ng chorus.
"Who the hell are you?" Sigaw ko at hinanda na ang kamao ko. Just in case.
"Relax. Hahaha you're cute!"
Tiningnan kong mabuti yung lalaki. Ay! Siya yung kalandian ni Mulan kanina. Ang alam ko sikat sya sa school e. Pero bat ganun? Di ko sya kilala. Hay nako Persephone, masyado ka kayang maganda para magmemorize ng pangalang ng walang kwentang tao.
"Oh? Starstruck ka na sa kagwapuhan ko?" Natauhan naman ako ng biglang magsalita ang hampaslupang ito. At anong sabi nya? Aba! Gusto ata ng sample neto e.
"Ha? Ako? Ako na si Kate Persephone Villafranca maiistarstruck sa hampaslupang kagaya mo? Bitch, please!" At umarte pa kong nandidiri.
"Ha-ha-ha i don't care." At umalis na sya. Hayop yung lalaking yun. Di man lang ako nakapag comeback sa kanya! Humanda ka saking peste ka. May araw ka din sakin.
BINABASA MO ANG
The Biatch
Teen FictionCan you please drop that stares? Alam kong maganda ako. At sa mga tingin nyong yan, lalo niyo lang napapatunayan. *winks I'm Kate Persephone Villafranca, goddess of underworld, prettier than Aphrodite, hard to catch, and the sparkling shimmering BIA...