"He'll realize he fucked up once it's too late and you'll be strong enough to laugh in his face."
***Kasalukuyan kong pinapadama sa mga hampaslupa dito sa mall kung paano makakita ng Dyosa. My god. Kulang na kang bumaha na dito ng laway e. All of them were drooling over me.
Nakamove on na nga pala ako sa hinayupak na hampaslupang sinagot sagot ako kahapon. Pero dahil sa kanya, BV ako kaya di na ko pumasok. Tama nga naman ang naging desisyon ko. Sobrang swerte na kasi ng mga kaschoolmates ko dahil araw-araw silang nakakakita ng dyosa. So pagbibigyan ko naman ang mga tao dito sa mall. (insert pangdyosang tawa here)
Papunta ako ngayon sa SB para bumili ng frappe. Nakakapagod kasi maging maganda. Char.
Pero may nakita akong di kaaya-aya. Tangina. Ayan na naman. Grabe ka naman sakin tadhana. Lagi mo kong sinasaktan. Ano nakita ko? Yung gagong ex ko lang naman na mahal na mahal ko na si Jay kasama si Celyn na ex ko din. Ex bestfriend. Para kong paulit-ulit na pinapatay kapag nakikita ko silang dalawa na magkasama. Nagdadalawang isip ako kung bibili pa ba ko o hindi na.
'Tanga! Ikaw na si Kate Persephone Villafranca, aatras dahil lang sa dalawang hinayupak na yan? Diba Biatch ka na? Hindi ka na yung babaeng boba at martyr noon. Pakita mo sa kanila kung sino ka!' Okay Ms. Brain. I will show them what I got.
Pumasok ako sa SB na taas noo kahit na malapit na kong umiyak. Umorder ako at pumwesto sa harap nila. So natigilan silang dalawa at nagkatinginan at tiningnan ako.
"Kate.." rinig kong tawag sakin ni Jay pero di ko siya pinansin.
"Bingi ka ba o sadyang di ka lang naglilinis ng tenga mo? Tinatawag ka niya." Wala pa rin siyang pinagbago. Siya pa rin si Celyn.
Tiningnan ko siya sa mata. "None of the above. Sadyang tanga ka lang talaga kaya di mo magets na ayaw ko kausapin yang basurang niluwa ko na, na nilamon mo pa."
Nanlaki ang mata nila pareho. Pero agad na nakabawi si Celyn mula sa pagkagulat at tinaasan ako ng kilay. "So tama pala ang mga naririnig ko tungkol sayo. Hindi ka lang gumanda at nagkaroon ng fashion sense, naging maldita ka na rin."
"Special thanks to you." Sabay dating ng order ko.
"Kate pwede ba tayong mag usap?" Rinig kong sabi ulit ni Jay.
"Correction! Patay na si Kate. Ako na si Persephone--"
"Whatevs." Singit ni Celyn.
"Parte ka ba ng katawan? Mukha ka na ngang singit, singit ka pa ng singit sa may usapan ng may usapan. Tss. Anyways, balik tayo sayo ex. Di mo ba narinig yung sinabi ko kanina?"
"Sige na naman Kate oh. Please.."
"Para san pa? Para ipamukha na sobrang tanga at gaga ko noon kaya di ko man lang napansin na may namamagitan na sainyong dalawa ng BESTFRIEND ko?" I said while emphasizing the word 'bestfriend'.
"Kate naman. Binabagabag pa rin ako hanggang ngayon ng konsensiya ko." He begged.
"Oh eh pakelam ko? Kasalanan ko bang ginago mo ko noon kahit na binigay ko sayo lahat? Alam mo Jay. Sa bawat oras na binigay ng Diyos, wala kong ibang hiniling kundi makarma ka. Makarma kayong dalawa." Puta pinagtitinginan na kami. Napainom tuloy ako ng kape.
"Eh gaga ka pala eh!" Akmang sasampalin na ko ni Celyn pero dahil mas mabilis ang reflexes ko, mas naunang dumampi ang palad ko sa bwisit niyang mukha. Marami na ring gadgets ang nakatutok samin.
"Sino mas gaga sa atin? Ako na walang ginawa kundi sundin ka noon o ikaw na walang ginawa kundi pahirapan ako at saktan? At di ka pa nakuntentong ahas ka. Inagaw mo pa pati boyfriend ng ex-bestfriend mo. Masaya ka ba dyan Celyn?"
Umiiyak na siya. Tiningnan ko si Jay. Pinapatahan niya si Celyn at niyakap niya ito. Unti-unting kinukurot yung puso ko. Tangina. Ako dapat yun e. Ako lang dapat yung niyayakap niya ng ganyan.
Bago pa ko tuluyang umiyak sa harap nilang lahat, umalis na ko doon at dumiretso sa sasakyan ko. Doon ko binuhos lahat ng hinanakit ko. Ang sakit! Ang sakit sakit pa rin hanggang ngayon.
**
"Beb alam mo ba?"
"Hindi pa mahal eh. Hahaha"
"Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko."
"Weh? Baka mamaya ipagpalit mo ko sa kung sinong slut dyan sa tabi ha?"
"Wala kang tiwala sakin?" sabay pout niya. Ang pogi talaga ng boyfriend ko. Kaya mahal na mahal ko to eh.
"Hahaha joke lang! Mahal na mahal din kita beb."
"Kahit manang ka, mahal na mahal talaga kita."
"Ang sama mo!" Sabay pout ko rin. Nagulat ako nung kiniss niya ko.
"Even if you're manang, you're still the prettiest and sexiest woman I've ever known. I love you Kate." Then he kiss me passionately.
**
"Hoy nerd! Diba jowaers mo yung poging nakabrace?""O-Oo Alyanna. B-Bakit?" Oh my God! Kilala si Alyanna bilang breaker. Baka agawin nya si beb!
"Oh? Bat ganyan ka makatingin? Boba di ko siya aagawin! Di ko sya type. Besides, may iba nang umagaw sa kanya."
"Ha? Anong ibig mong sabihin A-Alyanna?"
"Kala ko pa naman matalino ka. Si bestfriend mo. Kinakana yung jowaers mo. Nakita ko silang naglalampungan sa bench. Oh? Wag kang umiyak dito! Baka sabihin nila pinaiyak kita!"
"Hindi totoo yan! Di nya ko magagawang lokohin!" Napatayo ako at binato ko yung libro. Nagulat si Alyanna, pati na rin ako.
"Eh gaga ka pala eh! Edi ikaw mismo humuli! Tatanga tanga kasi!"
"Hoy Yannie tama na yan!" Biglang dumating si Jade, vice president ng SSG.
"Okay ka lang Kate?"
Tumakbo ako. Sabi ko na nga ba. Kaya pala sobrang cold na nya sakin. Kaya pala hindi na siya nageeffort. Kaya pala hindi na ganun yung mga tingin nya sa akin. Kaya pala wala na syang pakialam sa akin. Kaya pala di ko na maramdaman yung love. Pero bakit ganun?! Bakit bestfriend ko pa?! Ang sakit. Sobrang sakit.
Pupunta sana ako sa garden kaso napadaan ako sa bench. Nandun sila. Magkayakap. Yung tingin ni Jay sa kanya, para lang dapat sa akin yun eh!
Ang sakit.
***Simula nun, naging iba na ko. Ibang iba sa Kate na tinatawag nila noon. Ako na si Persephone. Kilala ng ilan bilang bully, demonyita, maldita at pinakahate nilang babae sa school. Di nila alam, ako dati ang inaapi. Proteksyon lang ito para sa mga hampaslupang gustong manakit sa akin.
Tinawagan ko ang mga kaibigan ko at sinabing magkita kita kami sa bar ni Lara. Ikekwento ko sa kanila lahat. Hahaha. Sobrang irony. Yung mga bumubully sakin dati, sila na ang mga kakampi ko ngayon.
Kailangan ko magpakalulong sa alak para makalimutan yung hinayupak kong ex at higad kong ex bestfriend. Tangina nila. Humanda sila. Ngayong ako na si Kate Persephone Villafranca, malalasahan nila ng maaga ang impyerno.
***
Dedicated lay iamMsdy. Galing nya gumawa ng cover :) Ganda rin ng mga stories nya. Thank you ateee :)
BINABASA MO ANG
The Biatch
Teen FictionCan you please drop that stares? Alam kong maganda ako. At sa mga tingin nyong yan, lalo niyo lang napapatunayan. *winks I'm Kate Persephone Villafranca, goddess of underworld, prettier than Aphrodite, hard to catch, and the sparkling shimmering BIA...