LOA 1

471 188 198
                                    

Death leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.
●●●

All I can see is white. Everything is white.

Nakakita siya ng mga nurse na tulak-tulak ang isang stretcher na may duguang babae na nakahiga.

The woman looked so familiar to her. Parang nakita na niya ito dati.

Habang pinagmamasdan niya ang paligid niya, napansin niya ang mga taong malapit sa emergency room. Tingin niya'y mga kamag-anak ito ng babaeng isinugod sa emergency room kanina.

Sa di malamang dahilan, kusang gumalaw ang mga paa niya palapit sa kanila.

"Please Kate! Please don't leave us!"

"Our daughter Alfred!"

"Bibigyan na kita ng maraming marshmallow promise! Basta please bumalik ka na sa amin."

Everyone's crying in pain. 

Napatigil siya when she realized something.

Kilala niya ang mga ito.

She saw Tristan, her fiancé. Her mom, dad, her ate Elizabeth, her kuya Charles, the family of Tristan and all of her beloved friends.

"Mom! Dad! Anong nangyayari? Bakit kayo umiiyak?" she said as she tried to get their attention.

"Mom? Dad?" tawag niya sa kanila. She tried to touch them but it seems like they don't hear her nor notice her.

She started to panic when her hands seemed like air passing through their bodies. Sinimulan na siyang kabahan. 

Hindi ito maaring mangyari sa akin!

"Kat! Please hold on!"

Napalingon siya kay Tristan, ang lalaking minamahal niya.

"Tris, I'm here!" she said while running towards him. She tried to hug him but tulad lang ng nangyari kanina, tumagos lang ang katawan niya.

Nagsimula nang manginig ang mga kamay niya sa takot at kaba. Napaupo nalang siya sa sahig at nagsimula ng mawalan ng pagasa. Hindi niya maintindihan ang nangyayari.

Naisip niya na baka yun ang dahilan kung bakit. Pero hindi! No! No way! Hindi yun pwede!

"Babe!! I'm here! Notice me please!" sabi niya habang sinusubukan hawakan si Tristan pero kahit anong pilit niya tumatagos pa din siya.

Nagsimula nang manikip ang dibdib niya. Nasasaktan siya sa mga nasaksihan. Ang daming bagay na tumatakbo sa kanyang isipan, iba't-ibang posibilad at dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito sa kanya.

"Ma!" narinig niyang sigaw ng kanyang ate Elizabeth. Nahimatay ang kanyang ina.

Agad-agad siyang sumugod at sinubukang saluhin ang kanyang ina pero parang walang halaga ang kanyang pagsalo kasi tumagos lang naman ang mga kamay niya.

"Ma! Wake up!"

Parang may kung anong nakabara sa lalamunan niya na hindi niya manlang kayang makapagsalita.

"Bakit di niyo ako mapansin?! Bakit parang hindi niyo ako nakikita?! Ano bang nangyayari?!" she tried to scream pero walang boses na lumalabas sa kanya.

Napaupo siya sa sahig dahil sa sobrang panlalambot ng mga tuhod niya. Wala na siyang lakas pa para tumayo.

Lumabas na yung doktor na galing sa emergency room. Dali-daling lumapit si Tristan dito.

Living Once Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon