I try not to miss you, but in the end, I still do.
●●●Parang naging tuod si Caitlyn nang bigla siyang niyakap ng ginang. Di niya alam kung paano magre-react. Yakapin niya ba dapat ito pabalik o tabigin niya ito para mahiwalay siya sa pagkakayakap nito?
At anong sabi niya? Anak ko?
"Uhm ma'am De Castro?" tawag ng manager namin sa atensyon ng ginang.
Tila bumalik ang wisyo ng ginang at humiwalay sa pagkakayakap niya kay Caitlyn.
"Oh, I'm so sorry." paghingi ng tawad ng ginang kay Caitlyn ng may halong lungkot sa mga mata.
Pakiramdam ni Caitlyn ay nanlambot siya nang makita kung gaano kalungkot ang mga mata ng ginang.
"Ok lang po ma'am." sabi ni Caitlyn at ngumiti.
Ngumiti naman pabalik ang ginang ngunit alam ni Caitlyn sa loob-loob niya na malungkot pa rin ito.
Dali-daling umalis si Caitlyn sa harap ng ginang at nagarrange ng isang bouquet na may sunflower at blue na rose na combination. Bumalik siya sa harap ng ginang at inabot ito.
"Ma'am, para sa inyo po. Yellow and blue, para po happy na kayo." sabi ni Caitlyn ng may ngiti sa labi.
Gumaan ang loob ng ginang ngunit nagulat sila nang biglang umiyak ito. Nataranta si Caitlyn at dali-daling kumuha ng tissue at inabot dito.
"Bakit po kayo umiiyak ma'am?" tanong ni Caitlyn dito ng may halong kaba sa dibdib.
"You just reminded me of someone. Paborito ko kasing bulaklak ang sunflower. And yellow and blue is my favorite color." sabi ng ginang habang hawak ang bouquet at inaamoy-amoy ito.
Napangiti si Caitlyn at nagulat nalang siya nang kusang gumalaw ang katawan niya at niyakap ang ginang with no words spoken.
Niyakap siya pabalik nang ginang at nang maghiwalay sila sa pagkakayakp sa isa't-isa, ay may ngiting sumilay sa mga labi nila.
"Thank you so much Caitlyn."
Nakaalis na ang ginang sa shop pero yung kalooban ni Caitlyn ay hindi mapakali. Naguguluhan siya sa inakto niya kanina. Maski siya ay nagulat sa naging aksyon niya. Ngunit kahit ganoon, walang bahid ng pagsisisi si Caitlyn. Masaya siya kasi nagawa niyang pagaanin ang loob ng ginang.
"Hoy babae!" biglang napalingon si Caitlyn sa nagsalita.
"Tama na yang kadramahan mo. Uso magtrabaho 'teh. Binabayaran ka ng shop tapos tutulala ka lang diyan." sabi ni Athena sa kanya ng may halong pang-aasar ang boses.
"Alam mo Athena, you never fail na sirain ang araw ko. Bachelor of kadaldalan major in pang-aasar ba ang course na tinapos mo sa college at ganyan ka?" balik niyang pang-aasar dito.
"Ha-ha-ha funny ka talaga Caitlyn. Funny." sarkastikong reply ni Athena sa kanya.
"Minsan talaga nagtataka ako kung paano kita naging kaibigan eh." sabi ni Caitlyn habang ina-arrange ang bulaklak na inorder ng isang customer.
"Hulog kasi ako ng langit." proud na proud na sabi ni Athena sa kanya.
"Hinulog ka ng langit kasi di ka daw bagay 'don."
Babatukan na sana ni Athena si Caitlyn kaso biglang dumating ang manager nila at sinamaan sila ng tingin.
"Hope flower shop. That's the pangalan ng tindahan natin. Live up with the shop's name. Instead na fighting kayo there, be the reason para mag-smile ang customers natin. Give them pag-aasa." sabi ng manager nila sa kanila. Ganito talaga ito. Kapag naglelecture sa kanila, nagiging conyo.
BINABASA MO ANG
Living Once Again
FantasyWhat are you going to do if you were given a chance to live once again? Are you going to accept it even if doing so means sacrificing all the memories you had before? "In my heart is a memory, and there you'll always be." "Living Once Again" is a...